"Sorry but I don't eat young girls," natatawang sagot ni Edison sa mga tenth grader girls nang bigla silang magkagulo nang makita nila si Edison sa pila ng enrollment kasama ko. Most of them were shouting "Edison, kainin mo kami!" in which I found very illogical. So ano 'yun? Gusto nilang maging cannibal si Edison. Or baka naman may underlying meaning iyong pinagsisigaw nila? Pero anyway, I don't care.Iyon nga lang, kahit anong gawin kong pagmamang-maangan sa mga pinagsisigaw nila, hindi ko pa rin maatim ang ingay na ginagawa nila. Nakakarindi sa tainga. Sa buong buhay ko, first akong nang-belat sa mga kapwa ko girls na mas bata pa sa akin nang bigla akong inakbayan ni Edison sa harap nila. Edison just laughed at me habang iyong mga girls naman ay pinaulanan ako ng mga nagbabantang tingin. I look so trashy and unclassy sa ginawa kong iyon pero nabawi rin naman ang cringe na naramdaman ko sa sarili ko nang maaga kaming natapos ni Edison sa enrollment.
More on major subjects na iyong pag-aaralan namin sa susunod na semester. Nakapag-advance na dati si Edison ng mga subject at mas maaga siyang matatapos kaysa sa aming mga regular students. He'll receive his degree one semester earlier than us. Though sa ceremonial rights, sabay pa rin kaming magre-recieve ng diploma.
"Two years na lang, aaalis na rin ako rito," I told Edison while looking at him. Nakaupo kami sa may left wing ng bleachers dito sa sports complex ng university. Walang tao sa mga upuan pero may mga athletes na nag-i-stretching sa race tracks. Tumingin ako sa may gitna ng oval at maya-maya pa ay naramdaman ko bigla ang pagtitig sa akin ni Edison na nakaupo lang sa tabi ko.
"Ayaw mo na rito?" he asked bluntly.
"Hindi naman sa ayaw pero alam mo 'yun," tumingin ako sa kanya, "Some professors are just too control freak. 'Yong iba, parang hindi rin alam ang tinuturo," huminto ako saglit, "Tapos 'yung mga estudyante, ke-bata-bata, ang lalandi," dagdag ko.
Nakita ko siyang tumawa. He closed his eyes slowly nang matapos siya pagtawa at muli niya namang binuksan iyon afterwards, maintaining a smile.
"Ikaw ba, gusto mo pa rin ba rito?" tanong ko sa kanya pero hindi ko siya agad pinasagot, "Sabagay, through stocks, you own some parts of this university. At for sure, gusto mo rito kasi ang daming gustong manglandi rito sa'yo." Umismid ako sabay ibinaling muli ang aking atensiyon sa mga random na taong naroon sa oval. I felt irritated. Sumagi ulit sa isip ko iyong mga babaeng humaling na humaling sa kanya kanina sa pila.
"That's not true," sagot niya. "Kung wala ka na rito, ayaw ko na rin dito. What's the purpose of staying in a certain place kung wala naman doon ang taong importante sa'yo," dagdag niya at sa pagkakataong ito ay ako naman ang tumitig sa kanya. Kanina ay nagtupi siya ng eroplanong papel kung saan ay naka-print iyong mga subjects namin next sem, at ngayon nga ay ipinalipad niya na iyon sa ere. His slow but precise movement of releasing the paper plane made it reach a certain distance na hindi kayang abutin ng isang simpleng pagbato lang papel na kagaya niyon. Pareho naming pinagmasdan ang paglipad niyon. Eventually, it didn't reach the outer area of the sport complex. Dahil sa malakas na hangin ay umiba ang direksyon nito na naging dahilan upang mapadpad ito sa gitna ng oval.
Biglang pumasok sa isipan ko ang mga maari naming gawin ni Edison sa mga lugar na pupuntahan namin this summer. Sa Batanes, nai-imagine kong aakyat kami sa burol na naka-konekta sa pacific ocean at doon sa ibabaw at hihiga kami sa damuhan habang pinapanuod namin ang iba't-ibang celestial bodies sa kalangitan. Sa Camiguin, pupuntahan namin iyong mga ruin places. We will find out kung bakit nasira ang mga gusaling matatagpuan namin at kung paanong mayroon pang natira sa mga estruktura nito. At sa Mati City naman, we'll surf together with the big waves. Hindi ko alam kung paano lumangoy pero sana ay turuan ako ni Edison kung paano bumalanse sa surf board.
Narinig ko ang pag-hinga niya ng malalim. Hindi man lang namin namalayan na dapit-hapon na pala. The sky is already turning pink at iyong ibang parte naman ay nagiging kulay lila na at nag-aagaw na ang kulay pula at ube. But most of the part of the sky right now is already in full pink pallettes.

BINABASA MO ANG
Crucify Me
Romance"Crucify me," he begs. Metrosexual Edison Bermundo-Chavez is a masochist on his own self. He is one of the most successful investment magnate throughout the country holding large shares on different real estate and banking companies. Scarred by his...