C H A P T E R 34

717 21 0
                                    

Nakatulog ako sa tabi niya. Himbing na himbing ang pagkakatulog ko at ganoon din si Edison. Nakayakap siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Nagising lang kami nang malapit nang mag-alas tres ng hapon dahil sa lakas ng bugso ng ulan.

"Hi?" I told him nang magising ako. Nginitian ko lang siya at bilang kapalit ay hinalikan niya ako sa aking mga labi.

"Kumusta ang tulog mo princess?" tanong niya.

"It was fine. Sobrang himbing," sagot ko. Hinalikan niya ulit ako at maligalig ko naman iyong tinanggap. Ang sarap ng mga labi ni Edison.

Hinawi niya ang nagulo kong buhok papunta sa likod ng aking kanang tainga at madiin niya akong tinitigan. He was just silent when he was staring at me. Nakangiti lang ako sa kanya.

"You're so beautiful I could die right now," aniya.

Kumunot ang noo ko. "You can't die. Paano na lang ako?"

Huminga siya ng malalim. "Right. I can't die. I shouldn't," he said. Ako naman ang humalik sa kanya at pagkatapos niyon ay niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit to the point na hindi ko na maramdaman ang lamig ng hanging dala ng ulan.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo na kaming pareho. Nagpakulo ako ng mainit na tubig sa kusina habang si Edison naman ay nagtatapal ng butas sa bubong sa may salas.

"Coffee," I told him nang makarating ako roon.

"Malapit na 'to," aniya at maya-maya ay bumaba na siya sa hagdan.

Lumapit siya sa akin sabay humigop ng kape sa tasang hawak-hawak ko.

"I'll be back, may kukunin lang ako."

Namula ako noong umalis siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero palihim akong napangti nang pasekreto kong idinikit ang parehong labi ko sa parte ng tasa kung saan lumapat ang parehong labi niya kanina. Oh my gosh.

Pagbalik niya, may dala-dala na siyang dalawang payong para sa ulo, dalawang kapote at rubber boots.

"Teka? Saan tayo pupunta? Masyadong maalon sa labas!" I told him pero natawa lang siya nang sinuot niya na sa akin ang mga dala niya. Pagkatapos niya akong bihisan ng rain gears ay siya naman ang nagsuot niyon.

"Let's go!"

"Teka!" Hinila niya ako papunta sa ng carriage house. Akala ko magje-jet ski kami papunta sa bayan pero nagkamali ako kasi umupo lang pala kami roon sa ledge ng batong tinutungtungan ng carriage house at lighthouse. Below our booted feet are the wild waves. The rain is also pouring harshly towards us pero hindi naman kami gaanong nababasa dahil sa parehong suot namin.

"Bakit mo ako dinala dito? Delikado rito ah?"

Tumitig siya sa karagatan na sobrang lalakas ng mga alon. "I want us to talk again. I want this vacation to have a lot of conversation with you."

"Okay." Natawa ako. "Pero ano naman ang pag-uusapan natin?"

"Anything," mabilis niyang sagot. "My friend Kei, Darryle, Niko and my half brother Haven knows that I'm a silent person. That I randomly talk especially when they are the one's talking. I usually let them talk a lot. And me, I just listen on them. Despite of that fact that I'm really silent all the time, it's also true that I'm really a talkative person. It's just sometimes, you know, I just tend to speak my mind louder than my mouth."

"Wow ha?" bahagya akong natawa.

"Yah, totoo ang mga sinabi ko." He already sounded defensive kaya pareho na lang kaming natawa.

I want to talk about what happened before we fell asleep kanina pero naisip ko na masyadong alive ang conversation namin ni Edison ngayon at baka masira lang ito kapag in-insert ko pa iyon. Aminado ako na hanggang sa sandaling ito ay high pa rin ako sa epekto ng marijuana sa akin. Things are so vivid for me as if I have a photographic memory. Aware na aware ako sa bawat detalye ng mundong ginagalawan ko. And it's quite intimidating.

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon