"Puwede bang magsuot ka na ng damit? Ang sakit mo na sa mata." Edison just laughed at my remark. Mataray ang pagkakasabi ko niyon sa kanya ngunit pagtawa lamang ang kanyang iginanti. Nanatili pa rin siya roon sa kanyang puwesto na malapit sa bathroom. Naglagay siya ng deodorant sa kanyang parehong kili-kili at pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa mini closet at pagbalik nga ay bihis na siya. He's already wearing a white shirt partnered with black board shorts. Paglabas niya ay nakita ko pang hinihigpitan niya ang tali niyong shorts kaya napatitig talaga ako ng matulis sa ginagawa niya na para ba akong sayantipikong nasa isang laboratoryo at pinag-aaralan sa mikroskopyo ang isang kakaibang organismo. Lumayas lamang ang aking pagtingin nang bumaling siya sa akin.
"Plans for today? Tapos ko ng ma-book ang flights natin. Batanes, Camiguin, and Mati, Compostela Valley."
"Tatlong places ang pupuntahan natin?" May pagkabigla sa pagkakatanong ko. At tsaka, masyado bang mahaba ang pagkakahimbing ko at ang dami niya nang nagawa noong tulog ako? O baka hindi naman siya ang gumawa. Edison has people. Isang tawag niya lang sa mga tauhan niya ay puwede niya ng gawin ang kung ano man ang gusto niya.
"Hindi kaya masyadong marami 'yun? At isa pa, 'yung funds ko na naka-allocate dito, pang isang place lang. Baka mamulubi ako." Tumahik ako saglit at agad na inisip ang laman ng bank accounts ko. My parents had left me a lump sum of money enough that I could not starve until I'm 45 years old. Pero kahit na no. Ayaw kong maging impulsive sa mga decisions ko. I should be sharp as possible or atleast minimize my mistakes. I don't want to commit a lifetime error.
"Why not? We all have the whole summer. And don't worry, it's all up to me." He smiled at me. I flushed. Ni-hindi ako nakapag-react. Ngiti pa lang niya iyon ha.
Lumapit siya sa isa sa mga shelves at gamit ang kanyang hintuturo ay ipinatakbo niya iyon sa nga spines ng books hanggang sa huminto ang daliri niya sa isang libro. Kumurap siya ng isang beses at nang masiguradong iyon ang librong gusto niyang basahin ay mahinahon niyang binuklat iyon, as if parang dahon iyon na madaling mapunit. Hindi ko matukoy kung ano iyong librong binabasa niya dahil nakalatag nang malawak ang hard cover niyon sa mga palad niya. But I'm sure it was a classic one.
He scanned some pages at at pagkatapos ng isang minuto ay natapos na siya. Ibinilik niya na iyon sa kung saan niya man iyon kinuha. Medyo nalito ako sa ginawa niya. He picked a book, scan its pages at agad na ibinalik. What?
"What did you just do?" tanong ko. Nasa kama niya pa rin ako at nakabalot pa rin sa aking legs ang mabangong sheet.
"I have just finished reading the third chapter of Plato's Republic," said he.
Tumawa ako ng may sarkasmo. "Are you kidding me? Nag-skim ka lang ng pages."
Yumuko siya at tumawa. "I have a photographic memory, Fate. I can memorize a whole book in just one seating."
"You're joking right?" tanong ko.
"Nope," nagpunta siya sa may balcony. Nilagpasan niya lang ako. "Magpinsan ang parehong grand grandparents ko sa side ng Dad ko. The first and second generation didn't recieve the effect of what they've done, but on the third generation, doon na maraming naapektuhan. I have two cousins, parehong panganay. The first one suffered a rare bone disorder and eventually died on his sixth birthday. The other one didn't last long until his tenth birthday. And here's me, alive and kicking possessing a unique kind of memory."
Nagulat ako sa sinabi niya. Naging blangko bigla ang laman ng isipan ko. Ni hindi ako nakakurap at nakahinga ng ilang segundo.
"But don't worry, the effect is only the on the third generation. Hindi na iyon masusundan pa."
Agad akong umarangkada. "But wait, how about Heaven Chavez? E 'di ba kapatid mo rin siya?"
Mabilis din niya naman akong binuweltahan. "Because he's not the first born baby. Ako ang kuya niya."
BINABASA MO ANG
Crucify Me
Roman d'amour"Crucify me," he begs. Metrosexual Edison Bermundo-Chavez is a masochist on his own self. He is one of the most successful investment magnate throughout the country holding large shares on different real estate and banking companies. Scarred by his...