Bago makarating sa carriage house, kinailangan muna naming bumaba ni Edison ng burol kung saan nag-landing ang helicopter na sinakyan namin kanina.
Matarik ang daan pababa niyon at kaonting pagkakamali lang sa mga hakbang ay paniguradong gugulong ka pababa sa dagat.
Pagkatapos naman ng pagbaba sa burol, kailangan namang maglakad sa ibabaw ng mga bato at corals. Kailangan ding mag-ingat sa paglalakad doon kasi madulas at matulis ang mga batong hahakbangan.
Minsan din ay dumadating ang malalakas na mga alon kaya kailangang bumalanse ng maayos.
Hindi pa roon natatapos ang kalbaryo dahil pagkatapos bumaba ng burol at maglakad sa mga bato at corals na hinahampas ng mga alon ay kailangan na naman pumanhik pataas sa malalaking bato kung saan naroon nakatirik ang carriage house at lighthouse. Sa katunayan nga ay noong papanhik na kami ni Edison ay pina-piggy back ride niya na ako sa likod niya. At kahit ako ang nakasakay sa likod niya ay ako pa talaga iyong hiningal noong makarating kami sa taas.
"I'm sorry, naduguan ko 'yung likod mo," mahinahon kong sabi noong ibinaba niya na ako. Hinihingal ako at nagliliyab ang mga pisngi. Mahangin rito sa tuktok at kung hindi ang burol sa kabilang dako ay puro dagat ang nakikita namin.
Tinanaw ni Edison ang layo ng nilakad namin na halos kalahating kilometro. Dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha niya ay naningkit ang mga mata niya bago siya bumaling sa akin. "It's okay. We'll just rinse off pagdating natin sa loob. Tara na," hinawakan niya na ang kamay ko sabay hila sa akin. Sa nipis ng katawan ko ay hindi ko na ako nakaalma pa. Edison's built is so strong compared sa petite kong katawan na kapag hinipan ng hangin ay paniguradong madi-dislocate ang mga buto ko.
Habang hila-hila niya ako ay makailang beses akong napatingin ako sa likod niya. My bloodstain is on his back at medyo kumalat talaga iyon ng to the point na kahit medyo may distance iyong paghila niya sa akin ay naamoy ko ang langsa kada iihip ang hangin.
Napapaisip tuloy ako kung ano ang iniisip niya sa akin. Kanina pa lang sa helicopter ay natagusan na ako. At ngayon ay sa likod ko naman siya minarkahan. Nandidiri na kaya sa akin? He looked very good on his summer polo tapos nadumihan ko lang.
"Wait for a while," nginitian niya ako sabay tanggal ng kamay niya sa pagkakahila sa akin. Yumuko siya at may kinuha sa ilalim ng paso na nasa gilid ng entrance ng carriage house. Narinig kong may kumalampag na bakal sa paghahanap niya at nang makatayo na nga siya ay ipinakita niya sa akin ang dalawang pares ng susi.
Nginitian ko lamang siya at habang binubuksan niya nga iyon ay napatingin akong muli sa harapan ng carriage house. Gawa sa bricks ang kabuuan ng bahay ay kahit iisang palapag lang ito ay matayog ang pakakatayo nito.
Sa magkabilang side ng pinto ay may tig-iisang bintana at sa ibabaw naman ay may labasan ng usok.
May mga tumutkang ibon din sa bubong at noong nabuksan na nga ni Edison ang pinto ay nagsiliparan ang mga iyon.
Sa hindi kalayuan ng carriage house, siguro mga dalawampung hakbang ay naroon ay puting light house na nakaharap sa dagat pasipiko.
"Please come in my princess," ani Edison sabay lahad ng kamay papasok na para bang isa siyang courtier. Kulang na lang ay magsuot siya ng tinggang helmet na may buhok ng manok at pulang kapa na nakasabit sa bakal na kasuotan.
Ginawaran ko siya ng ngiti sabay hawak sa braso niya nang sagayon ay sabay kaming maglakad papasok at nang sagayon ay hindi niya makita ang tagos ko. I was very amazed on the interior of the carriage house. Maliit lang ang loob pero sobrang linis. May iisang kuwarto, may cute na banyo, maliit na espasyo ng kusina, may sala na puno ng libro at sa labas ay may veranda na nakasaklay sa ledge ng malaking bato na tinitirikan ng carriage house at light house.

BINABASA MO ANG
Crucify Me
Romantik"Crucify me," he begs. Metrosexual Edison Bermundo-Chavez is a masochist on his own self. He is one of the most successful investment magnate throughout the country holding large shares on different real estate and banking companies. Scarred by his...