C H A P T E R 22

673 22 1
                                    

"Huy! Ba't tulaley ka 'jan girl!" Kumurap ako ng limang beses matapos akong sitahin ni Georgina. Natulala kasi ako sa sinabi niya. It was just an opinion from him pero pakiramdam ko ay parang totoo iyon, or maybe iniisip ko na kay Edison 'yun nanggaling. But no. Malakas ang sampal ng katotohan. It is already clear that Edison has no plans of putting a label on our relationship. Hindi ko alam kung okay ba iyon sa akin o hindi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatanto. That's why, I'm asking Georgina his opinion. And his answer clearly states that he's very opposite with Edison. Mas gusto niya ng may label.

"Uhm." Inayos ko ang sarili ko. Yumuko ako sagit, nagkamot ng bangs at noong nasigurado ko ng nawala na iyong pamumula ng pisngi ko ay hinarap ko na ulit si Georgina. He took a sip from his slurpee at dinilatan ako ng mata.

"So mas gusto mo ng label," I agitated. He nodded. Nagsimula na ulit kaming maglakad sa pathway. "Oo," sagot niya. "Mas maganda 'yung may label kasi alam mo kung saan ka lulugar. Having no label feels like floating on the top of the water tapos bigla ka na lang malulunod, alam mo 'yun. Siguro, nakakasakal lang kapag nagkasawaan pero mas maganda pa rin kung may label talaga. Tipong alam mong boyfriend mo siya at girlfriend ka niya," dagdag niya. Mahihon akong tumango, digesting what he had recently said. At habang iniisip ko nga ang sinabi ni Georgina, hindi ko namalayan na napatulala na pala ako. My body is still moving pero ang isipan ko at kaluluwa ay naiwan ko na yata kanina.

"Hala girl, ba't mo tinatanong? Patungkol ba 'yan sa inyo nu'ng juwa-juwaan mo?" Bumalik ulit sa katawan ko ang nawala kong isip at kaluluwa nang kinausap ako ni Georgina. Na-bother ako sa term na ginamit niya, iyong 'juwa-juwaan"' pero natanggap ko rin naman agad iyon kasi totoo naman talaga na juwa-juwaan pa lang kami ni Edison.

"Parang ganu'n na nga," matamlay kong sagot sa kanya. Georgina teased me na luma-love life na raw ako pero hindi ako natawa o kinilig. Infact wala akong ibang maramdaman kundi pagod sa araw na ito.

Nang makalabas na kami roon ay umupo kami sa gilid ng kalsada, watching all the different vehicles passed by in front us. Malapit nang mag-alas onse ng gabi at medyo ang lamig na rin ng polluted na hangin.

"Chika mo na," atat niyang banggit. Tinusok niya rin ako sa aking tagiliran gamit ang kanyang matigas na hintuturo.

Umirap ako. "Ano ba! Huwag mo nga akong sundutin!" Inayos ko ang compusure ko. "Sinabi ko na kaya sa'yo ang lahat kanina sa loob ng Cinema 6. Hindi ka kasi nakikinig e," inis na turan ko. Tumaas ng kaonti ang boses ko. I really feel very tired this day. Parang gusto ko na ring maiyak. Ayaw ko rin namang umuwi na sa unit ko kasi for sure, pagdating ko roon, malulungkot lang ako. Ako lang kaya ang mag-isa roon.

"Sorry girl, ang guwapo kasi ni Piolo." Tumili siya. Umirap naman ako.

"After two days, pupunta kami sa Batanes. We'll stay there for some days, and then pupunta kami ng Camiguin at ang last stop namin ay Mati City," pagod kong sabi sa kanya, telling him the details that I forget to share kanina.

"Wait, ito ba 'yung guy na tinanong mo kung malaki ba ang nota niya?" natatawang tanong niya. Pinukulan ko siya ng matalim na tingin. "O my gosh!" Grabe 'yung pagtili niya. "Girl, pakasalan mo na!" aniya.

"Sira! Kasal agad? E ayaw nga ng label," pagsalungat ko sa kanya. I sighed again. Siguro blessing na rin 'yung wala pa kaming label. I can back out anytime if may hindi ako nagustuhan sa kanya. Pero talaga bang magba-back out ako? I'm already too drawn with Edison at kahit saang anggulo ay hindi ako makahanap ng rason para lisanin siya. He'd already said strong words on me na mas lalo pang nagpatibay sa pagkahumaling ko sa kanya. At kahit pa siguro lokohin niya ako o paglaruan, isang paghingi niya lang ng sorry o isang beses a pag-iyak lang niya sa harap ko ay mabilis ko na siyang mapapatawad. I don't know how it happened. Maybe nagsimula 'yon kakatitig ko sa mga mata niya at hindi ko namalayan na nakulong na pala ako roon at hindi na ako makalabas. Aside from the fuzzy feelings I felt for Edison, I'm also feeling a very deep longing for him. Noon ngang naghiwalay na kami sa tulay na 'yun, totoong gusto pa talaga siyang makasama pero nagpigil lang ako. Edison has some work to do at palagay ko ay masyado ng marami ang oras ang nailaan at ilaan pa lang niya para asa akin. I don't want to be abusive. At isa pa, gusto ko rin siyang bigyan ng space. I don't want to be a bother to him. Sapat na 'yung na-trap ako sa CR ng bahay niya buong magdamag kaming nagkasama. At sapat na sapat na rin 'yung nakasama ko siya ngayong araw na ito. Bunos pa 'yung makakasama ko siya the whole summer.

Sa lalim ng iniisip ko, nakalimutan ko tuloy na katabi ko pa pala si Georgina. Natauhan lang ako na nadiyan pa pala siya nang nagbigay siya ng panibagong opinyon sa huli kong sinabi.

"Ano ba 'yan, ka-urat nu'ng walang label girl ha. Pero malay mo naman 'di ba? Baka magbago pa isip niya. At isa pa, ilang araw pa nga kayong nagkakaaminan tapos gusto mo na ng label? Nakakasakal din 'yung label no. . . "

"Pero alam mo, ramdam kita girl." Bumaling siya sa akin. "Ganu'n talaga e, kapag may gusto tayo sa isang tao, gusto agad natin na maging atin 'yung taong 'yun. Para hindi na sila makawala, alam mo 'yun. Para sa atin na lang sila. But things doesn't work like that. Minsan, 'yung taong gusto natin, kahit gusto rin tayo, may utak din sila no. For sure, magsasagawa pa sila ng self-evalution, meditation, projection at iba pang may syon na may kinalaman sa pag-commit nila sa atin. Baka mamaya, drug adik pala 'yung tingin nila sa atin kaya what's the use of pagmamadali 'di ba? Atat lang?"

"You're right Georgiana. Atat lang siguro talaga ako. Ewan ko ba. Ang tali-talino ko on both minor at major subjects pero padating sa ganitong bagay, nauulol ako," komento ko, staring at the nearby traffic light.

"Pero seryoso 'to girl ah. Kung ako 'yung lalaki tapos ikaw 'yung babae na kajuwa-juwaan ko, jusko day. 'Di na ako magdadalwang isip na ligawan ka at baka maagaw ka pa ng iba."

Tumingin ako kay Georgina na ngayon ang mukha ay parang nakainum ng suka. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Sana lalaki ka na lang Georgina no? Nang maisip naman ni Edison na habulin din ako. Na kailangan niyang gumawa agad ng hakbang bago pa ako makuha sa kanya ng iba. Sana lalaki ka na lang." Hindi ko alam kung anong nangayari pero naiyak ako bigla. Then here's Georgina, infront of me, quite shock on what I've just said.

"Girl, kaloka ka! Pinagpapawisan ako sa'yo!" nanatawang aniya sabay pagpapahangin sa kili-kili niyang walang buhok.

Natawa rin ako. "I love you Georgina. Thank you for being my bestfriend. Nakakainis ka. Ba't ka kasi naging bakla."

"Eww! Girl, ano ba 'yan! Tara na nga, uwi na kita sa inyo! Lasing ka na siguro!" Hinila niya na ako. Unlike Edison, madalas itong gawin sa akin ni Georgina kapag gumagala kami. Kanina, bago kami naghiwalay naghiwalay ni Edison sa may tulay, ti-nest ko siya. Ti-nest ko siya kung ihahatid niya ba ako kahit na tatanggihan ko siya. And then it happened. Edison didn't pushed more. Hinayaan niya akong umalis mag-isa. Girls has their own language. Kapag sinabi nilang "Okay lang, I can handle my self" kapag niyaya silang na ihatid, it doesn't really mean na ayaw nila magpahatid, gusto lang na nilang suyuin pa.

And what just happened this day proves that Georgina is much more gentleman than Edison. Despite that fact, kahit na-disappoint ako, hindi pa rin matibag-tibag ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Girl, hindi ako ang juwa mo. Usog ka!" pagtulak sa akin ni Georgina noong kamuntikan na akong makatulog sa balikat niya. "Manoong! Marcelo Hills kami!" sigaw niya sa taxi driver at maya-maya pa ay nagsimula na iyong umarangkada. Right then, I'm sure that my mind and my soul is already with me. Iyon nga lang, iyong puso ko, nakalimutan kong isama. Saan na kaya 'yun?

* * *

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon