C H A P T E R 2

1.6K 42 4
                                    

"Ayaw mo pa bang umuwi?" tanong ko kay Edison na nakatutok lang sa pinapalabas na movie sa Netflix. Hindi siya sumagot kaya gamit ang kanang paa ko, ginalaw ko 'yong malinis, malaki, at maugat niyang kaliwang paa na nasa center table. Iyon nga lang, hindi ko pa rin nakuha ang atensyon niya sa ginawa ko kaya kinausap ko na lang siya ulit. Ayaw ko na ng skin to skin contact sa kanya. Baka mamula na naman ako.

"Hoy! I said, ayaw mo pa bang umuwi? It's already late!" sigaw ko. Ngumuya lang siya ng pop corn at benalewala lang ako.

"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya. Nakakainis kasi. Ayaw niya akong pansinin. Isang oras na kaming ganito.

"Hanggat hindi mo sinasabi sa'kin kung ano ang dede, hindi ako uuwi," aniya. Nag-init bigla ang cheeks ko. Kinagat ko ang labi ko dahil sa pagka-childish niya. Inisip ko kung ano ba ang english ng dede kaso I found it gross kaya hindi ko masabi-sabi.

"Mayroon kang ganoon!" I told him.

He chuckled. "Anong ganu'n? Marami akong body parts. Asan du'n?"

"Iniinis mo lang ako, hata naman," utas ko sa kanya. Tinanaw niya ako. Kamuntikan na akong matunaw. Pagod pa ring nakasandal ang likod niya sa lean back ng sofa.

"Come here, using your forefinger, point where's my dede," utos niya.

"Edison, ano ba!" Sobrang init na ang nararamdaman ko sa katawan ko. Naka-aircon ang buong unit ko pero pinagpapawisan ako.

"Bahala ka diyan Fate. Manigas ka. I will not go home unless you point where's my dede."

"Kainis ka talaga!" Sinapak ko siya ng unan sa braso niya pero parang wala lang iyon sa kanya. In fact, tumawa pa nga siya. Hindi ko nga alam kung ang dahilan ba ng pagtawa niya ay ang pinapanuod niya o ako na nagmumukha ng ewan sa kanya. My Gosh! I'm losing my dignity!

"Sige na, come here!" He opened his arms widely. Nakita ko ring nag-protrude ang adams apple niya pagkatapos ng huling salitang binigkas niya. For the sake of him to go home, dahan-dahan akong umusog papunta sa kanya. He closed his eyes as he opened it again nang makarating ako sa gilid niya. Napalunok ako. He's still very intimidating. Pinagpapawisan ako. Sa sobrang guwapo niya, hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Parang hinihigop niya ang kaluluwa ko kapag nagkakatagpo ang aming mga mata.

"Come on, honey."

Namula ako lalo. Hinawakan ko ang kamay ko at iginaya palapit sa dibdib ni Edison. His chest is quite wide kaya nalito ako kung saan ko papadapuin ang hintuturo ko.

And in a very sudden moment, nagulat na lang ako nang hinila niya ang kamay ko sabay inilapat niya ito sa dibdib ko.

"So this is my dede?" nakangiti niyang tanong.

Tumango ako tsaka binitiwan niya na ako. After that, hindi niya na ako kinibo ulit making me think na baka hindi niya talaga alam ang word na iyon. Katulad ni Edison, expose rin ako sa kakonyohan kaya kahit ako ay nahirapan ding alamin ang salitang 'yon before. Nalaman ko lang 'yon nang marinig ko si Fear na iniinis si Cheesy na flat daw ang dede nito. Sabi ko pa nga nu'n, "What's dede?" At nagmukha pa akong tanga sa harapan nila nu'n kasi tinawanan lang nila ako. Malay ko bang boobs 'yon? Akala ko nga tuhod 'yong dede eh. Well.

"Ano ba kasing iniisip mo nu'ng narinig mo sa'kin 'yong dede?" inis na tanong ko kay Edison. Nagtapos na iyong movie pero hindi niya pa rin ako sinagot.

Edison is like this. He likes silence so much. Sa kanilang lima sa grupo nila ni Heaven, Niko, Kei at Darryle, siya 'yong pinakatahimik. Some say he's snob, but for me, he's cool. For me, siya kasi 'yong lalaki na may substance at hindi purong guwapo lang. Gosh? Ba't parang nasabi ko na 'to?

At wait, siya rin pala ang hinirang na MVP player ng university namin this year. Sa apat na laro kasing naganap sa year na ito, tatlong beses nanalo ang team nila at siya 'yong may pinaka-promising na performance. He could dunk and perfectly do a three point shot, even perfect a free throw.

He's a silent man but he has a lot of stories to tell. He already looked professional pero marami na siyang pinagdaanan. Hindi ko nga lang alam kung iyong mga alam ko na patungkol sa kanya ay iyon na ba talaga 'yon o baka marami pa. I want to know him more kahit nakakatakot. Gusto kong gawin 'yon simply because I like him. And when I say I like him, I mean not only to date him but to marry him soon when we're ready. Edison Bermundo is more than of a potential. At sana ganu'n din ako sa kanya. Kahit papaano ay may maibubuga rin naman ako pagdating sa papers, except nga lang sa dede?

Shocks!

Nagkatitigan kami nang nag-black na 'yong screen ng LCD ng flat-screen TV ko. Dim ang lights sa sala ko kaya hindi ko siya masyadong maaninag.

"Uuwi ka na?" Malungkot ang boses ko. Natawa siya roon. "I mean, umuwi ka na kasi mag-a-alas dose na," pagpapaliwanag ko.

"Bakit atat na atat kang pauwiin ako?" aniya. Ganoon pa rin ang posisyon ng pagkakaupo niya. Tahimik lamg din sa buong sala ko. Ang awkward.

"Kasi baka mapa'no ka sa daan kung nagpagabi ka pa lalo," anas ko.

"Hmm," tumango siya. "Pa'no kung mag-sleepover na lang ako dito, tipong tabi tayo," eksplika niya.

"Edison, ano ba!" giit ko. Sa sobrang init ng pisingi ko, pakiramdam ko, naluto na ito ng sariling heat ko.

Natawa siya. Maya-maya pa, lumapit siya sa akin as he kissed me on my forehead while it's dark. Napapikit ako nang dumampi ang labi niya sa noo ko.

Parang humawi ng kusa ang mga bangs ko sa pag-arrive ng lips ni Edison.

Binuksan ko ang mga mata ko. Bumungad ang guwapo niyang mukha sa harap ko. I can smell his very masculine fragrance. Mahihimatay din yata ako sa sa sobang intimidation na nararamdaman ko.

"Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong sipain kita," banta ko. Ngumiti lang siya. His usual warm and genuine smile. One of his greatest asset.

"Edison please," I begged.

"Please what?" tanong niya. Marami naman kasi ang puwedeng i-please, ang shunga ko. Pumiyok ako. Nawala bigla ang boses ko.

"Naiintimidate ako sa'yo," pag-amin ko sa kanya.

"And why is that so?" Hinawi niya ang mahabang buhok ko. Nakita niya bigla ang pawisang leeg ko.

"Kasi, nakaka-intimidate ka lang," sagot ko. Umiwas ako ng tingin. Hinawakan niya bigla ang chin ko na naging dahilan ng pagharap ko sa kanya.

"Can we practice it now? The kiss?" tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Naka-indian seat ako at umigtad bigla ang mga daliri ko sa paa ko.

"Baka magkamali lang tayo. Next time na lang, 'pag may ilaw."

"Then buksan natin ang ilaw." Tatayo na sana siya pero hindi niya na nagawa nang bigla kong hinila ang shirt niya. Nakagat ko ang labi ko nang nagkadampi ang mga ilong naming dalawa. I want to kiss him right now. Kaso madilim. Kaso malamig. Baka. . .

"Umuwi ka na!" Tinulak ko siya at tumayo na ako sabay on ng ilaw sa may wall. Narinig ko siyang tumawa sabay binigkas ang iilang mga mura. Natawa ako. He's having a very hard time. Well, ganoon din naman ako. Gosh! Ano ba 'tong pinasok ko?

* * *

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon