Sa tansiya ko ay magmamadaling araw na. Mas maliwanag na ang buwan sa mga sandaling ito. Sobrang tahimik na rin ng paligid at sobrang lamig na rin. Sa katunayan nga ay nangangatog na ako. Nakayakap ang aking mga kamay sa aking parehong mga paa. Edison is still infront of me. Nakaupo rin siya sa tiles ng bathroom as he is looking at the emptiness of his vision, as if he's looking at the abyss. Siguro dahil sa lakas ng pangangatog ko ay napansin niya iyon. He suddenly jolted his darting eyes on me. He gazed at me for a few momentum as if I'm sort of a unique specimen. Nang kumurap ang kanyang mga mapupungay na mga mata dala na rin ng pagka-antok ay doon niya pa lang totoong napansin ang pangangatog ko.
"You're trembling," aniya. Lumapit na naman siya ng kaonti sa akin. Gusto ko siyang barahin na nagba-vibrate lang ako yet I know this time is for no joke. Ginaw na ginaw na talaga ako. Summer na summer pero bakit ganito? Ang lamig lamig ng madaling araw.
"I want to give you some clothes yet If I'll do it, mahuhubaran ako," said he. Napatingin ako sa billowy shorts niya. Nainis ako bigla kaya tinampal ko siya. "Are you some sort of ulol? Siyempre, hindi mo 'yan puwedeng hubarin! Kainis ka!" Inirapan ko siya. Huminga ako ng malalim. Nakaka-imbyerna. Tinanong ko siya kung may towel ba rito pero wala raw kasi hindi naman daw madalas gamitin ang comfort room na ito. Usually, iyong bathroom sa second floor daw ang ginagamit niya kung saan naroon ang kuwarto niya.
"If you want, I'll just hug you," turan niya. Mabilis na lumipad ang mga mata ko patungo sa kanya.
"Kita mo 'to?" Itinaas ko ang kamao ko. Bihirang mas maliit iyong kamao ko kaysa sa kamao niya pero hindi ko naman iyon gagawing pangsuntok. I'm just giving him a warning. Kahit pa may kamuntikang mangyari sa amin kanina sa salas niya, hindi pa rin kami puwedeng magkaroon ng physical contact. Mahirap na't baka hindi na namin ang mapilan ang isa't-isa.
"I'm just giving a suggestion, nilalamig din kasi ako," said he at para siyang aso na biglang nabahag ang buntot noong yumuko siya. Wait, did I saw him blush? Namula rin ako. "Well," umiwas din ako ng tingin. "I'm sure totoo naman ang sinasabi mo na nilalamig ka. Wala kang shirt. Kaonti lang ang suot mong damit kaya sige, you can hug me pero walang malisya ha?"
Ay tanga! How can he hug me without any malice? Sige nga!
O my gosh! Nasaan na ba ang logic at self-awareness ko? Did I just lose it or something?
Minsan talaga sa buhay natin, may pagkakataong nagiging lutang tayo. Lalo na kapag nasa harap natin iyong taong gusto natin.
"Will it be alright for you? Will I not offend you Fate?"
Kumabog ang puso ko. Napaka-gentleman at napaka-caring kasi ng pagkakasabi niya. Siguro kung nagba-balance ako sa isang manipis na tali na nakasabit sa dalawang bundok at sinabi iyon ni Edison sa akin, siguro nahulog na ako sa bangin.
I regained my puzzled thoughts. "Yah, sure why not. Afterall, we're just two human being trapped in a comfort room both in need of heat right? Basta, 'wag kang gagawa ng kahit ano ha? I trust you. And when I say I trust you, it means I love you, este----" Bigla akong napatakip ng bibig ko. Jusko! Anong klase bang bunganga mayroon ako? During class presentations, hindi naman ako ganito. I always say the precise words as much as possible, pero ngayon, mali-mali na ako. Kumusta naman 'yong IQ ko?
Gosh! Nakakahiya talaga. Ito 'yung mga pagkakataon na gusto ko na lang maging invisible eh. Or 'yung tipong maglaho na lang or kainin na lang ako ng lupa?
Tumawa si Edison tsaka lumapit na siya sa akin at niyakap na ako paharap. Hindi ako nakahinga at dilat lang ang aking mga mata noong naramdaman ko ang paglapat ng balat niya sa balat ko. Para rin akong nakainum ng Burgundy noong naamoy ko ang muscular scent niya.

BINABASA MO ANG
Crucify Me
Romance"Crucify me," he begs. Metrosexual Edison Bermundo-Chavez is a masochist on his own self. He is one of the most successful investment magnate throughout the country holding large shares on different real estate and banking companies. Scarred by his...