C H A P T E R 29

656 17 3
                                    

"Bakit mo kasi pinatapon ang mga laman ng maleta ko? For goodness sake Ed, nandu'n ang mga napkin ko!" Natulala si Edison sa sinabi ko. This flight must supposed to be a romantic flight pero dahil ni-regla ako ng wala sa oras ay medyo naging mababoy at dirty ang mga pangyayari.

Mula sa pagkakatulala ay napalunok si Edison ng laway. Tinapunan niya ng tingin ang pilotong nasa harapan naming pareho at maya-maya pa ay pinagsalitaan niya ito. "Dalisay, ba't mo naman kasi tinapon ang laman ng mga maleta ni Fate?" aniya. Napakamot lang ng ulo si Dalisay at napasabunot na lang ako sa sariling mga bangs ko. Tinanggal ko ang cardigan kong kulay asul at inilagay sa harapan ko. Nahirapang tumitig sa akin si Edison. Ganoon din ako sa kanya.

"Wala na, nagkalat na ako!" Kamuntikan na akong maiyak. Napatingin na lang ako sa window na nasa gilid ko at nagkagat ng mga labi. The last time this thing happened to me was wayback when I'm still in sixth grade. Ako ang secretary niyon ng class namin at habang nagsusulat ako ng mga classmates kong noisy, biglang sumirit na parang tomato sauce iyong regla ko sa sahig. Hindi ako nagsalawal noon kasi hindi ko pa feeel at naiilang pa ako. Ako yata ang pinakaunang ni-regla noon sa mga classmates namin kaya ang nangyari, pinagkaguluhan namin 'yung regla ko na akala naming lahat ay tomato sauce. Tinikman ng iba ang regla ko at iyong iba naman ay ginawang palaman sa mga burgers nila. May iba ring nagsalok ng regla ko at ang iba naman ginawang condiments sa mga ulam nila noong lunch ang dugo ko. Doon lang namin nalaman na regla ko pala iyong nakain namin nang biglang sumakit ang tiyan ko at ng mga kaklase ko.

"You know what, it's okay. Pagdating natin sa Batan, papabilhan kita agad kay Dalisay ng napkin sa Makati. Don't worry."

Bigla ko siyang nasapak sa sinabi niya. "Makati? Papaliparin mo pa si Dalisay pabalik ng Makati para lang sa napkin ko? Bakit? Ano bang akala mo sa Batanes Edison? Nandoon sa pluto ang mga isla at walang puwedeng pagbilhan ng napkin?"

"I'm sorry, I don't have any ideas about napkins. Malay ko bang puwede rin pala 'yung bilhin sa Batanes," he said sincerely and apoligically. Namula ako sa sinabi niya. Namula ako dahil sa dalawang dahilan. Una, dahil naiinis ako sa kanya. At pangalawa ay na-cute-tan ako sa idea na wala siyang idea patungkol sa napkin? It's just very manly of him. O my gosh! Lumakas yata ang bugso ng regla ko.

"Malayo pa ba tayo? I'm already messing with the chair." At lagkit na lagkit na rin ako. Nag-pray ako na sana hindi niya maamoy ang lagkit ng regla ko or else, that would really be gross.

"Half an hour, we'll get there."

Tumango ako at kumalma na. Kung ilang minuto na kaming nasa ere ay hindi ko na makalkula. Edison and I were just fighting the whole time habang nakasakay kami rito sa loob ng rented helicopter niya. Lumingon akong muli sa gilid ko at natanto ko ngang pumasok pala kami sa isang matabang ulap. Namangha ako ng sobra at kahit kasalukuyan akong nireregla ay tunay akong napangiti. Kinalaunan ay mas lalo pang lumawak ang ngiti ko nang maaninag ko sa ibaba ang pulo-pulong mga isla. May iilan kaming islang nadaanan ngunit isa pa lang ang napansin kong okupado na ng mga tao.

"Batanes is a small province of ten islands pero tatlo lang ang may mga community na nagfa-function. Batan, Sabtan at Ibayat. The natives there are called Ivatan at ganoon din ang pangalan ng language na ginagamit nila. But don't worry, they're very fluent with both English and Tagalog too," said he sabay baling sa direksyon ko.

"Nakapunta ka na ba dito? At teka, saan tayo magla-landing?"

"Yup, the family of my bestfriend Niko has a hotel here. Minsan na nila kaming pinapunta rito. May lahi silang Ivatan kaya nakapagpatayo sila ng business dito. And we'll be staying in Batan. Not in the downtown pero doon sa pinakasulok ng island na iyon. There's an aloof one storey carriage house there facing the pacific ocean. Nakatayo iyon sa ibabaw ng mga bato. At sa tabi nga ng bahay na iyon ay may lighthouse na nakatirik. My company own that place." Nginitian niya ako.

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon