C H A P T E R 38

732 15 3
                                    

"Bothered?" turan niya nang makarating kami sa may labasan ng park. Saktong may turistang may dalang aso ang lumabas doon at dinilaan nga ako niyon sa mukha.

"Kiara, you're so bad!" ani ng amo.

"Okay lang." Tumawa ako. Amoy oyster 'yung laway ng aso.

It's already three o'clock in the afternoon. Dapat ay tapos na ang community service ko pero hindi ko pa rin napupuno ang sako ko.

Binalikan ko ng atensyon si Edison. "Hindi pa rin napupuno..." Ipinakita ko sa kanya iyong sako.

"Other than that."

"Ha?"

"Bothered ka ba sa sinabi ko kanina?"

"Ahh," tumawa ako. "Medyo. Parang sure na sure ka kasi sa sinabi mo."

'No! I'll treasure this. Ipapakita ko 'to sa magiging mga anak natin at pati na sa mga magiging apo natin.This will be seen until the next generation,' nag-echo ulit sa isip ko ang sinabi niya kanina.

Humilig siya sa upuan ng bike niya. "You know what, bago ako mag-invest sa stocks ng mga companies, sinisigurado kong sure akong kikita ako roon. Na 'yun na talaga."

"So?"

"So, I'm confident with you." He looked at me intensely using his piercing eyes.

Napapikit ako ng kaonti ng gumalaw siya. The three o'clock sun is behind him kaya nasilaw ako ng kaonti sa pag-galaw niya.

"Can we talk about this kapag napuno ko na 'to?" Ipinakita ko ulit 'yung sako ko sa kanya.

Natawa lang si Edison. "Hop in. We'll going somwhere."

"Again?"

Tumango siya.

Sumakay na ako ulit sa may likuran niya at maya-maya pa nga ay pina-andar niya iyong motorbike niya.

As we took the routes of the wide highway of Batan, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Edison is really in love with me. Ako? Oo siyempre. But how about the result of the investigation of the case of my father? Oo nangako na ako na panandalian lang akong magagalit sa kanya, pero paano kung sumobra ako? Paano kung maitaboy ko siya dahil sa galit ko?

Nadaanan namin ni Edison ang Chadpidan Beach and Nakabuang Beach. At nang makita ko nga iyon, natanto ko ulit that Batan has an amazing coastline. Ibang-iba ang sakanila rito. Paraiso.

Nadaanan din namin ang coastal terrain ng Diura Village's. Napakangda! Na-imagine ko bigla roon na tinuturuan namin ni Edison na mag-bike ang unang anak namin.

Pumikit ako nang maramdaman kong napaka-vivid a ng imagination ko. Napayakap na rin ako kay Edison mula sa likod niya.

"Inaantok na ako," I told him. Mahangin na masyado. Malamig na rin ang temperature ng paligid. Kinukuha na rin ng mga nanay iyong mga sinampay nila.

The sun is already setting on the horizon.

Tinigil ni Edison sa View Deck sa Mahatao ang motorbike. Chawa ang tawag sa lugar na iyon. Naka-carve ang pangalan sa isang patay kahoy sa may pasukan.

It has a wonderful view of cliffs. Pataas ang structure niyon at tinahak nga namin iyon ni Edison. Pagdating namin sa itaas, nakita namin ang malawak na coastline na niyayakap ng paglubog ng araw.

"Ang ganda! Totoo ba 'to?" Naiyak ako sa sobrang pagkabighani. Ganito na siguro yata ang magiging reaksyon ko kada dadalhin ako ni Edison sa mga lugar na ganito. Ang mamangha at maiiyak. Na-realize ko tuloy na ang suwerte-suwerte ko.

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon