C H A P T E R 9

1.1K 35 1
                                    

"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya habang diin-diin ko pa rin 'yung ice compressor sa noo niya. Nakaupo siya sa sofa dito sa sala ng bahay niya. Nasa tabi niya ako. Nakataas ang mukha niya nang sagayon ay hindi na muling umagos pa ang dugo mula sa ilong niya.

"I'm fine," turan niya at maya-maya pa ay inalis niya ang kamay ko sa noo niya. Nanatili siya sa ganoong posisyon habang ako ay nakatitig lang sa kanya. Sobrang solemn ng buong bahay niya. Maliwanag naman ang loob at tanging mga crickets lang sa may garden niya ang nag-iingay. Medyo maingay din pala ang aircon niya na nagbubuga ng malamig na hangin na nakapuwesto lang sa sulok ng sala. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa aircon na iyon pero matangkad iyon at hindi nakasabit sa ding-ding. Iyong aircon niya ay iyong usual aircon na ginagamit sa mga malalaking restaurants at fast food chains.

His house is a two storey house. Sa baba, kung nasaan kami ngayon, ay naririto ang sala niya pati na rin ang kitchen. May tatlo ring rooms sa left wing na hindi ko alam ang laman. Sa second floor naman, ang alam ko ay naroon ay kuwarto niya na hindi ko pa napapasok at ang alam ko rin ay may malawak na library doon. Edison like reading so much. Kahit saan siya magpunta, palagi siyang may dala na paperback. Hindi rin siya ganoong masalita but he can really speak well in public. His words are so eloquent when he is speaking.

His mom is Tanya Quezon na dati ay bestfriend ng mom ko. They were very close way back then dahil magka-partner sila sa business nilang flower shops. On the other hand, iyong Dad naman ni Edison na si Sunny Chavez na isang real estate magnate ay comrade din ng Papa ko. I remembered one time na noong tumakbo ang Dad ko biglang mayor sa lugar namin, isa ang Dad ni Edison sa mga nag-finance ng campaign ng Dad ko. Although our parents are close, ni minsan ay hindi ko nakita si Edison sa mga gatherings. Hindi ko alam kung bakit pero palaging Dad at Mom niya lang ang nakikita ko.

Years passed by, hindi na nagkaroon ng contact ang parents ko sa parents niya. Hindi rin sila dumalaw sa libing ng Dad ko. And we don't know why. Pero base sa mga narinig ko galing sa mga amiga ni Mom, naghiwalay daw ang parents ni Edison. Naghanap daw ng bagong asawa ang Dad niya at nagkaroon ng panibagong anak dito.

Until noong nag-fourth year high school ako, nalaman na lang namin ng Mom ko na na-comatose na pala 'yong mom niya. Before my mom died, binisita namin iyong mom ni Edison. On our visit, nalaman naming isang taon na palang comatose 'yong Mama niya. At ang sabi pa ng doktor, parang gulay na lanta na lang daw 'yong mommy niya. Machine na lang ang sumusuporta para mabuhay siya.

Bago nag-bigti ang mom ko, hinabilin niya sa akin na bantayan ko raw ang Mom ni Edison, in which ginawa ko naman. Pero sa mga pagkakataong iyon, hindi ko pa physically nakikita si Edison. Except na lang doon sa mga pictures niya noong bata pa siya. And I admit na noong tinitignan ko pa lang ang mga pictures na iyon, alam kong guwapo na siya sa personal. Hindi nga lang ako gaanong kasigurado kasi bata pa siya sa mga pictures na iyon.

Until one day, nagkita na lang kami sa university na pareho naming pinapasukan. Hindi ko alam na siya pala iyong kinakainisan ko. Nalaman ko na lang na siya pala iyon nang magkaroon ako ng connection sa buhay niya through his step brother na si Heaven Chavez na mas una kong nagustuhan kaysa sa kanya.

"I'm sorry if I ruin your night," panghihingi niya ng pasensya. Tumitig siya sa akin kaya namula ako. Edison has this very special eyes. Sobrang itim ng mata iya at sobrang bilog. Hindi kagaya sa akin na kulay brown at transparent. Edison's eyes is aesthetically opaque. Napaka-intimidating sa pakiramdam kapag tinititigan ka niya. Tipong kaya ka niyang basahin pero ikaw, hindi mo malaman-laman kung ano ang iniisip-isip niya habang nakatitig siya sa'yo. His face is sometimes lacking the correct emotion pero napakaguwapo niya pa rin kahit papaano.

"It's okay, kasalanan ko rin naman eh. I overreacted noong sinabi mong friend mo lang ako. I should've not expected a lot. Hindi ibig sabihin na gusto kita, e magugustuhan mo na rin ako." Parang may batong bumara sa lalaluman ko. Tumingin ako sa kanya saglit pero umiwas din agad ako. Just like what I've said. He's so good with reading people. Ayaw kong mabasa o malaman niya 'yong nararamdaman ko kaya iniwas ko ang tingin oo sa kanya. If he will know what I feel right now, it will just make me feel small. Shame on me.

Ramdam ko pa rin ang mga titig ni Edison sa akin. Nakaramdam ako ng matinding pagpapawis sa kili-kili at mga singit ko. "Please stop staring at me," halos pabulong ko ng sabi na hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi. Mahina lang ang pagkakasabi ko niyon pero pakiramdam ko ay namaos ako bigla.

"Why not?" turan. Bigla akong napatitig sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Why not expect na gusto ka rin ng taong gusto mo lalo na kung pinapakitaan ka niya ng motibo? Even on businesses, kapag investor ka at may businessesman na gustong makipag-partner sa'yo, talagang magpapakita siya motibo sa'yo. Hindi niya nga lang sasabihin at first, but your instincts will tell you so."

Nalalabuan ako sa sinabi niya. Kaya kahit nakakailang ay hindi ko pa rin inaalis ang mga titig ko sa kanya.

"Your instincts will tell you so," I repeated what he had just said---savoring his words coming from his mouth na ngayon ay nasa bibig ko na. Ang pakiramdam na bigkasing muli ang mga salita niya ay kakaiba. Para na rin akong nakipaghalikan sa kanya.

"So what does your instinct tells you?" Mas lalong lumapit si Edison sa akin nang itanong niya iyon. Hindi naman gaanong kalapit ang ginawa niyang pag-abante pero sakto na iyon para malunod ako sa mga mata niyang kakaiba. May ngiti rin sa mukha niya na para bang tinutukso ako na siyang lalong nagpa-alab sa nararamdaman ko.

"Na gusto mo rin ako," turan ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Hindi ako kagaya ng iba na mahilig sa paligoy-ligoy. I love to be direct as possible. Kung mali ako, eh ano naman ngayon? Atleast, nasabi ko kung ano ang nararamdaman ko.

"Then you're right. I like you too Fate. And when I like you, it also means that I am seing a potential in you. Potential not only as a girlfriend but as a long time partner."

Natawa ako sa sinabi niya dahil para lang kaming nagdi-discuss ng business proposal. Pero kahit ganoon, labis pa rin ang sayang naramdaman ko. Gusto kong tumalon at mag-celebrata but I remain cool and decent.

"Cheers for our correct instinct," ani Edison pagkatapos niyang lagyan ng wine ang wine glass ko na kanina lang ay nakapatong sa glass table na nasa gilid namin kasama ng bottle of wine na ngayon ay hawak niya na.

"Cheers," bigkas ko naman at maya-maya ay nag-toss na kami gamit ang wine glass ko at ang botte of wine niya. Pinagmasdan ko lamang si Edison nang ilapat niya ang bibig ng bottle ng wine sa mga labi niya. And when he's through, kinuha ko ang bote na iyon at kagaya niya ay uminum din ako sa ganoong estilo.

Nagulat si Edison sa ginawa ko pero mas nagulat pa yata siya nang ibaba kong pareho ang mga hawak ko at mabilisang inilapat ang mga labi ko sa labi niya.

Right now, I just want to follow my instinct. Gusto ko siyang halikan at pakiwari ko'y ganoon din siya. At napatunayan ko ngang tama ako nang hindi pa lumipas ang isang segundo ay tumugon din siya sa halik ko. Damn.

* * *

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon