C H A P T E R 35 (Edited)

742 23 3
                                    

Note: Edited version of Chapter 35. May error kasi akong nailagay sa first version. Haha. If trip mo ang story na ito, you can vote and comment po! Thank you! Malapit ka na sa ending!
___
Nang dumating ang gabi, napasama kami ni Edison sa isang piyesta sa isa sa mga baranggay ng Batan. Wala talaga kaming planong makisaya roon dahil wala naman kami kakakilala, yet wala na kaming nagawa nang ang isa sa may-ari ng pinagkainan namin sa bayan ay in-imbetahan kaming makisalo sa piyesta nila nang malaman niya na first time kong makapunta rito. It was Chef Joseph, the owner of the restaurant na kinakinan namin ni Edison ng mga lutong Ivatan. Papaasara na sana siya noong makarating kami ni Edison sa restaurant niya pero dahil nagmakaawa si Edison para sa akin, na gutom na gutom na raw ako na girlfriend niya, ay pinagbuksan kaming muli ni Chef Joseph. Siya mismo ang nagluto ng mga kinain namin gaya nalang ng payi (lobster), tatus (coconut crab), dibang (flying fish), lataven a amung (kinilaw) na pinaresan ng sobrang lamig na beer sa sobrang murang halaga lang.

Hindi pa roon natapos ang pagkain namin nang makarating kami sa baranggay ni Chef Joseph. Kapitan pala ang asawa niya roon at sobrang dami nga ng handa nila pati na ng mga kapitbahay nila. Pinakilala niya kami sa pamilya nila bilang mga dayo o turista at iyon nga, pagkatapos ng salo-salo ay pinasali rin nila kami sa disco sa labas ng bahay nila.

Sari-sari ang mga taong naroon. May bata, may teenagers at pati na rin matatanda. Despite of our differences, sabay-sabay kaming umindayog sa saliw ng nakakabinging musika.

"Ubos na ang napkin mo kanina. Labhan na lang natin 'yung iba," aniya. Medyo lasing na.

"Baliw!" Natawa ako habang nakayapos ang mga kamay ko sa leeg niya habang gulong-gulo ang mga tao sa paligid namin kakasayaw. Lasing na rin yata ako. Uminum kasi kami ni Edison kanina ng lambanog. "Hindi nalalabhan ang napkin. I need new one. You need to buy me a new set of it. Ayaw mo naman sigurong magkalat ako 'di ba?" I told him.

He chuckled. "I'm sorry. I don't really have any idea about menstruation. And I'm not also joking. I'm serious. I'm trying to be a good citizens and a good taxpayer pero hindi talaga ako marunong mag-joke," aniya.

Tumawa kaming pareho. "Matalino ka pero wala ka ring common sense e," sabi ko sa kanya. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Lasing na talaga kaming pareho. Kung anu-ano na lang ang pinaguusapan namin.

"Naiwan natin sa carriage house ang parehong phone natin. Sayang. Hindi tayo makakapag-picture. Wala tayong maipo-post sa social media. Remembrance you know," I told him. Hilong-ilo na ako.

"When I'm with you, I don't need the whole world to know what I'm doing. I don't need social media. Ikaw lang, sapat na na nandito ka," halos pabulong niya ng sabi. Nakadantay na ang ulo niya sa balikat ko. He's almost hugging me.

"Sana lahat," I jokingly told him. Natawa siya. It's a common expression used in social media kada may makikitang post ang isang user ng isang guy na may pa-surprise sa babaeng mahal niya. Sana lahat.

"You're drunk. I've made my baby drunk," he told me. Namula ang dibdib ko.

"Ikaw rin. Lasing ka na. Mag-ingat tayo sa mga sasabihin natin. Hindi natin gaano masyadong kakilala ang mga tao rito. Let's watch our words so we don't offend no one. Lasing pa naman tayo."

"I don't apologized when I'm just me," he justified.

"We're not we when we are drunk," I replied.

"You sure?" tanong niya.

"Maybe?" sagot ako at naidantay ko na lang ang mukha ko sa chest niya. Inaantok na ako, masakit na ang ulo at nawawalan na ng balanse.

"You're wrong princess. We're on our real selves when we're drunk. Kaya maraming gustong magpakalasing kasi kapag lasing sila, mas nasasabi nila ang gusto nila. The spirit of alcohol gives them the intact courage to express what they feel like the aches of their hearts and as well as their exhaust about their lives."

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon