C H A P T E R 5

1.3K 46 3
                                    


Nagkatumba-tumba ako sa daan noong pabalik na ako sa unit ko. Nahihilo ako at sumasakit na rin ang ulo ko kakaisip kung ano ang ipapaliwanag ko kay Edison kung bakit ko tinanong sa kanya kung ano 'yong nota at kung malaki ba ang nota. Gosh! Nakakahiya talaga. Feel ko talaga, lumayas na 'yong self respect ko sa katawan ko. Pati na 'yong eloquence ko at 'yong dignity ko. Lahat-lahat.

"Excuse me folks, dadaan lang ako!" umiiyak kong pinahinto iyong mga sasakyan sa gitna ng daan. Tumawid lang naman kasi ako sa pedestrian lane nang hindi tinutulungan ng traffic enforcer. Hindi ko alam pero dahil sa pagkabigla ng mga drivers na nasa harapan ko, may ilang nagkabanggaan ng mga puwetan ng sasakyan sa likod.

"I'm very sorry po! Medyo destructed lang kasi ako sa mga thoughts ko lately," pagpapaliwanag ko sa harap ng mga sasakyan. Pero nagmukha lang akong timang noong sabay-sabay silang nagbusina.

"Umalis ka na nga!"

Tama! Bakit nga ba hindi na lang ako umalis? Gosh! Nawala na yata ang pagiging logical ko.

Mas lalo akong naiyak noong nakarating na ako sa unit ko. OA na kung OA pero sensitive talaga kasi ako. I hate it so much kapag nagkakamali ako.

Humagulgol ako habang nakadapa sa kama. Naka-strike two na ako kay Edison. Kagabi at ngayon. Pero mas malala 'yong ngayon.

Gusto ko siya. Sabi ko nga, I see so much potential on him pero siguro siya e wala ng makitang potential sa akin. Kawawa naman ako. Sino na lang ang matinong lalaking magkakagusto sa akin? I hate my self so much.

Nag-ring 'yong phone ko. Umiiyak akong sinagot iyong tawag.

"Hello?" I carefully sneeze my nose using a hybrid tissue. Hindi ko na nakita kung sino 'yong tumawag.

"Fate."

Natulala ako. Si Edison pala 'yong tumawag. Mabilis kong binalik ang composure ko kahit na magang-maga na ang mga mata ko.

"What?" tanong ko.

"I've measured it already."

"What!!?" Tumaas ang boses ko.

"It's 4.9 inches when it's flaccid. 7.3 inches when it's hard. You know what I mean right? The one that you asked me a while ago."

Mas lalo akong napahagulgol nang marinig ko ang sinabi ni Edison. Nakakainis kasi. Ba't niya sineryoso 'yong sinabi ko? I ended the call. Kumuha ako ng ruler ss drawer na nasa study table ko. Tinansya ko 'yong 7.3 inches tapos nang matapos ako, "Gosh! Ang haba pala ng nota niya." Naiyak ulit ako. Naiyak ulit ako kasi I feel so gross.

After kong mag-drama, (I call it drama kasi masakit talaga), kumain na ako ng breakfast ko. I eated a slice of french bread, a small serving of oatmel tapos kaonting egg na may tamang calories at protein na needed lang ng body ko. I need to be firm. Mawalan man ako ng dignity sa mga mata ni Edison, atleast fit naman ako.

Lumabas ako ng unit ko with a white shirt tapos nag-suot lang ako ng yellow coat para patungan 'yong shirt. Then denim jeans tapos high heels para magmukha akong may dangal. I used liptint for my tiny lips tapos kinulot ko lang ng kaonti ang bangs ko para hindi naman ako magmukhang nakakaumay. Naka-ponytail ako tapos 'yong ginamit kong pang-tali is goma. Sabi kasi ni Fear, Cheesy at Rachello Ngo, lucky charm daw 'yon. Sana nga. Kahit na pakiramdam ko inuuto lang nila ako.

Nag-commute lang ako para medyo gumulo 'yong outfit ko. Feel ko kasi ang formal-formal ng coat ko. Gusto kong magusot 'yon kaya nagpakahirap akong mag-commute kahit na puwede naman talaga akong lumipad. O my gosh? Lumipad? Am I joking right?

Pagdating ko sa Wilson University, dumerecho agad ako sa office ng department ng business administration. Ako ang governor doon at may task kami ng mga co-officials ko na mag-submit sa sa school admin ng list ng aming mga nagawa throughout the whole year.

"Tinitingin-tingin niyo?" I told my co-officials noong nagsisimula na kami sa work namin. Nasa mahabang table kami at ako ang nasa gitna. May isa-isa kaming mga laptop at nainis talaga ang mga dandruff ko nang makita kong nakatingin lang sila sa akin.

Sabay-sabay silang umiling tapos nag-focus na sila sa ginagawa nila. Palihim akong kumuha ng mirror sa bag ko sabay puwesto sa ilalim ng table at noong tumingin nga ako sa reflection ng mukha ko, mabilis kong hinarap ang mga co-officials ko. "Why is it that no one told me that I have a booger?" malamig kong tanong habang naroon pa rin 'yong booger sa labas ng ilong ko.

Tinanaw ko sila ng maiigi. Bigla silang nanginig. "Why is it that no one told me that I have a booger!!!" Tumili ako tapos naiyak na lang. Kaya pala sila nakatingin sa akin all those time because I have a booger.

Mabilis natapos ang ginagawa naming lahat. Whole day dapat 'yon pero natapos 'yon ng half day. . . at dahil iyon sa booger.

Noong nasa lobby na ako ng university, umupo lang ako sa isa sa mga upuan doon pero nakaharap lang ako sa wall. What a day naman kasi! Napahiya na ako kay Edison tapos napahiya pa ako sa mga co-officials ko. Yet, I have to stay strong. Mahaba pa ang araw kaya dapat siguro, kapalan ko na lang ang mukha ko.

Pagkatapos ng ilang minutes, sinundo ako ni Edison doon. It felt so awkward while I'm in his scar. Hindi ako makatingin sa kanya. Tapos hindi rin siya makatingin sa akin, pero ang kaibahan lang, minsan, natatawa siya mag-isa.

He's wearing denim too, naka-espadrilles din siya showing some of his ankles. Naka-blue shirt lang siya pero medyo fit kaya medyo hapit na hapit 'yong muscles niya. Tirik na tirik din 'yong nipples sa chest niya. Tapos sobrang bango rin niya.

"Naka-full aircon ba 'to?" tanong ko, pertaining his car.

"Yes," sagot niya.

"Gosh! Ang init! Sira yata 'yong aircon mo!"

Natawa siya. Tapos habang nagmamaneho, gamit iyong isang kamay, hinawakan niya 'yong kamay ko. "Please don't feel intimidated Fate because I get intimidated too. Just feel normal. Isipin mo lang na hindi ganoon ka-haba ang---" namula siya, "ang nota ko."

"WHAT?" Kamuntikan ng malaglag ang false eyelashes ko sa sinabi ni Edison. Bigla siyang nahinto sa pagmamaneho. Nasa flyover kami.

"Hindi ka mapakali because you're still thinking of it right?" tanong niya. "I just want to joke around para hindi na 'yon maka-intimidate sa'yo. So that we can have our conversation smoothly," dagdag niya.

"Harapin mo ako," nanggigil na turan ko. I feel my gums clenching with each other. "Isa," nagbilang na ako.

"Dalawa." Hinarap niya ako. He's expecting na sasampalin ko siya sa mukha niya pero. . .

"OUCH!" Biglang umungol ng malakas si Edison nang sinampal ko ang nota niya.

"Oh my gosh! I'm sorry Ed!" Bigla akong nataranta nang grabe na talaga 'yong pag-ungol niya sa sobrang sakit na naramdaman niya to the point na namumula na siya at hindi na makahinga. O my gosh? What should I do? C-C-Cpr ko na ba nota niya? Gosh! Nakakaloka 'to!

* * *

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon