C H A P T E R 7

1.2K 37 0
                                    


Pagkatapos naming mag-lunch ni Edison, naghiwalay na ulit kami. Wala na kaming ibang pinag-usapan pa maliban sa pupunta kaming dalawa sa Batanes para sa aming summer vacation. He said that he's just going to settle things this day para magkaroon siya ng free days sa aming vacation. Hindi ko pa alam kung kailan kami pupunta sa Batanes at hindi ko rin alam kung ilang araw kaming mamalagi roon, but I hope that it will be longer than what I expected.

"Hi Ma'am? Ano pong hinahanap natin?" May biglang staff ang lumapit sa akin nang pumasok ako sa mga two piece section ng isang mall. Nainis ako kasi halata namang two piece 'yong hinanap ko kaya binara ko agad si ate girl.

"Toothpaste ang hinahanap ko, toothpaste," anas ko sa kanya.

"Taray naman nito." Inismiran niya ako tapos nilayasan niya na ako. Kapag pumupunta ako sa mga malls para bumili ng mga damit ko, minsan hindi ko talaga maiwasang maka-encounter ng mga staffs na kinulang sa logic. I mean, there really good staffs right there at in fact, nagiging friends ko pa nga sila pero minsan talaga, may mga lumilihis ng landas.

May nakita akong yellow na two piece sa isang corner at feeling ko, natipuhan ko 'yon kaya agad ko 'yong binili together with the blue one, pink one, orange one and red one. Hindi ko alam kung gusto ba ni Edison 'yong medyo showy na babae pero alangan namang mag-bestida ako habang nagsi-swimming 'di ba?

Sa second floor, may shades din akong binili, sunscreen, sunblock, summer shawl at iba pang mga stuffs. Binayaran ko ang lahat ng 'yon sa counter at pagkatapos niyon ay nagpunta na ako saglit sa bookstore para bilhin 'yong book na binabasa ni Edison kanina nu'ng nag-lunch kami. Feeling ko kasi, kung babasahin ko 'yung binabasa niya, parang malalaman ko na rin kung ano ang iniisip niya.

Si Edison 'yong tipong parang hangin na hindi mo alam kung ano ang susunod na gagawin. Kung bubugso ba siya rito, o roon. I need to think what he is thinking. Atleast may portion man lang neurons niya ang ma-decode ko.

"Oh my gosh! Ba't ang daming bed scenes?" Iyan 'yung naitanong ko nang mabasa ko na 'yong book na binili ko. Nasa Deterdiente Barista ako at nakaupo ako malapit sa window. Mabilis akong magbasa. Sa loob ng dalawang oras, naka-twenty chapters na ako at doon nga sa chapter twenty onwards, ang dami kong nabasang mga scene na out of the world. "Mas malala pa sa fifty shades 'to," I told my self sabay sip ng coffee ko sabay sign of the cross. I can never imagined Edison reading this one. Though hindi naman talaga highlight 'yong mga erotic scenes du'n kasi historical fiction naman siya, pero kahit na 'no!

"Hoy girl!"

"Ay bilat!" Naitapon ko bigla ang libro sa mamang kalbo na naka-upo across sa direksyon ko nang biglang dumating si Georgina. 'Yong bading na barista.

Humingi ako ng paumanhin sa mama at pagbalik ko sa table ko, sinampal ko ang nota ni Georgina. "Grabe ka naman 'te!" Umupo siya sa harap ko, tumatawa, sabay lapag niya ng i-order kong pig pie.

"Nakakainis ka! Where's your ethics? Nagbabasa ako tapos ano? Dadating ka na parang goons?"

"Goons? Kaloka!" Humagalpak siya sa kakatawa. "Oh ano? Alam mo na ang nota?"

Umirap ako. Tapos nagsalita na. "Ewan ko sa'yo Georgina. Malaking pahamak ang binigay mo sa akin sa araw na 'to. But oh well, I just want to tell you na baka mawalan na kayo ng costumer na kasing classy ko for a while kasi may pupuntahan ako next few days together with Edison."

"Talaga? Chika mo na man 'te!"

"Animal ka talagang bakla ka," natawa ako tapos sinabi ko na sa kanya ang lahat. Natuwa naman ako kahit papano dahil may napagsabihan ako sa mga nararamdaman sa araw na 'to. At noong natapos nga ako sa pakikipag-chikahan kay Georgina, binigay ko sa kanya 'yong pink na two piece ko. Hindi ko gusto 'yong kulay kaya pinagparaya ko na lang sa kanya. Tuwang-tuwa si bakla.

Umuwi na ako sa unit ko tapos ayun, the Fate Cazro who was so flaunt on the real world became a very lonely person pagdating sa madilim na unit niya.

Humiga ako sa kama ko kasama ang mga pinamili ko tapos tumingin ako sa ceiling ko. May kaonting aninag doon ng sunset sa labas at tanging kamay lang ng orasan sa wall ko ang nag-iingay.

I closed my eyes, and then suddenly remembers how my mom dies two years ago. She was lying on her bed fighting the pain that the stage four cancer had given on her. The same cancer na nakuha niya sa paningarilyo na sinabayan niya ng pag-iinum at pagda-drugs simula noong nawala si Papa ko. My father died in helicopter crash noong grade six ako kung saan pauwi siya para sa graduation ko. Isang buwan bago nakita ang katawan niya sa laot at hindi na namin siya halos makilala noong nakita namins siya. His two pilot survive at siya lang ang hindi nakaligtas. My mom told me that it was not an accident at gawa iyon ng kasama ni Papa sa politika. They killed my father simply because gusto niya ng tumiwalag sa grupong akala niya noong una ay para sa masa pero hindi pala. Sa mga balita, sinabing aksidente ang pagbagsak ng sinasakyan niya pero alam ni Mama na hindi iyon totoo kaya halos mabaliw siya. To fight the emotional pain, nagbisyo siya and after seven years, pinagbayad na siya ng katawan niya ng mga sigarilyo, alak at droga na naubos niya. Tandang-tanda ko ang araw ng pagpanaw niya. It was April 04, two years ago. Alas kuwatro sais ng hapon. Dapithapon. The doctors tried to revive her but her heartbeat still falls in a perfect line accompanied with a monotonous beat.

I wiped my cheek nang makabalik ako sa reality. Ipinikit ko ang mga mata ko para mag-dry ng mabilis ang mga luha ko.

Maya-maya pa, tumunog ang phone ko na sa gilid lang ng leeg ko. It was Edison calling me.

"I've already set up the date. Let's talk about this right away. Where can I fetch you?"

I smiled nang marinig ko ang boses niya. Parang nawala agad lahat ng sakit na naipon ko kanina sa dibdib ko. "Nandito ako sa unit ko. Pick me up here tapos let's go somewhere. Or maybe sa house mo na lang?"

"Sige. I'll hang it up now. I'll be there after ten minutes." Then he ended the call.

Kalahati na ng buhay ko ang pakiramdam kong hindi talaga ako totoong naging masaya. Right now, I just want to be happy. Ayoko na ring maghiganti sa kung sino mang hayup ang sumira sa amin ng family ko. I will let the Karma do that. I just want to be with someone who will always be there for me, at ganu'n din naman ang gagawin ko sa kanya.

Dear Edison, please don't fail me. Ngayon, ikaw na lang ang rason kung bakit ko pa pinipilit na huminga. Please don't fail me for it will crucify me. I will do anything for you not fail me. Kahit pa ang kapalit niyon ang pagsamba ko sa'yo. I will worship you, and will keep on praising you hanggang sa ako naman ang sambahin mo. O kahit hindi na. Basta ba't andiyan ka lang palagi. Please don't fail me.

Tinanaw kong muli ang ceiling ko. There was a noose there. Matagal na iyong nakasabit at minsan ay tinatangka kong gamitin iyon kapag nawawala ako sa sarili ko. Mabuti na lang talaga at palaging nariyan si Edison. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag wala na siya sa tabi ko.

* * *

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon