Tinulungan ako ni Edison maglaba. T-shirt at shorts niya at ang damit na nagamit ko lang ang nilabhan namin pero dahil pareho kaming mabagal magkusot ay halos inabot na kami ng isang oras sa paglalaba.
"Naglalaba ka ba talaga?" tanong ko.
"Hindi," sagot niya. Seryosong-seryoso siya sa pagkusot ng cardigan ko. Iisang planggana lang ang ginagamit namin at pareho din kaming nakaupo sa maliit na bangko. Magkaharap kaming dalawa. Basa na 'yung shorts niya at sobrang dami na ng bula sa katawan niya.
"Sa laundry shop ko pinapalbhan ang mga damit ko. Hindi na nga ako sanay na ginagawa ko 'to."
"Eh bakit ka pa naglalaba ngayon? Panty lang naman dapat ang lalabhan ko..." tanong ko.
"Para may kasama ka."
Natulala ako at namula.
"Edison," tumitig ako sa kanya. "Alam mo bang minsan e pakiramdam ko, binobola mo na lang ako?" tanong ko sa kanya.
Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. "Tapos?" tanong niya.
"Anong tapos? Ulol ka ba?" untag ko. "Sinabi ko nga 'yun sa'yo kasi pakiramdam ko, nangbobola ka lang talaga minsan."
"Ganu'n ba?" walang ka-inte-interes na sabi niya. Patuloy pa rin siya sa paglalaba.
Nakaramdam ako ng inis. Dala na rin siguro ng aking regla. Ang bilis kong mairita.
"Ganu'n nga," sagot ko.
"Well," tinitigan niya ako, "gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi kita binobola. Totoo lang ng sinabi ko sa'yo. Galing 'yun lahat sa puso ko," aniya.
Natawa ako. "Para naman 'tong tanga..." aniko at mas lalo pa akong natawa. Ewan ko ba. Mood swing.
"Binobola lang kita," agad niyang bawi na nagpawala ng kilig ko.
Sinimangutan ko siya tsaka binato ng bula. Umilag siya at natawa.
"Kainis ka!" sigaw ko nang makailag siya sa pagbato ko. Binato ko pa siya ng isa pang beses pero nakailag ulit siya. Tumawa siya.
"Huwag kang umilag kasi babatuhin kita ng panty ko, kita mo 'to?" Itinaas ko 'yung panty na naduguan ko.
"'Di na ako iilag, ibaba mo lang 'yan," utos niya. Nirolyohan ko lang siya ng mga mata at binanlawan ko na 'yung dinuguan ko. Tawang-tawa pa rin si Edison sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Nag-focus na lang ako sa ginagawa ko.
"Nandidiri ka?" sigaw ko nang lumabas siya.
"Hindi! May kukunin lang ako," aniya at nang lumingon ako ay nakita kong may kinarga siyang pusa sa may salas. Iyon iyong pusang pinakain ko sa kanya kanina. Isang tuxedo cat.
"Ohh," medyo napagitla ako nang kinarga niya iyon na parang sanggol. Hindi ko alam pero noong tinitigan ko siya, nag-hallucinate ako bigla. Napalitan bigla ng imagination ko ng sanggol ang pusa. Nag-slow motion ang paligid ko habang tinatanaw si Edison na kinakarga ang kunyariang sanggol namin. Parang natutunaw na tsokolate ang puso ko dahil sa saya. Bumibigat din ang damdamin ko at para bang gusto kong umiyak.
Lumingon sa akin si Edison at ngumiti sabay pakita ng anak namin.
Wow! What an awful view pero tae, kailangan ko nang itigil ang hallucination ko.
Nilalaro pa rin ni Edison ang pusa. Tuwang-tuwa siya sa pusang iyon. At iyong pusa naman, parang tuwa-tuwa rin kay Edison.
Kakatitig sa kanya, hindi ko namalayan na nabutas ko na pala 'yun panty ko kaka-brush kaya ang ginawa ko, fi-nlash ko na lang iyon sa bowl. Ang lakas makasalaula pero wala na akong pake. Kami lang din naman ang nandito ni Edison at ni baby pusa.

BINABASA MO ANG
Crucify Me
Romance"Crucify me," he begs. Metrosexual Edison Bermundo-Chavez is a masochist on his own self. He is one of the most successful investment magnate throughout the country holding large shares on different real estate and banking companies. Scarred by his...