PROLOGO:
ISANG gabing napakalakas ang buhos ng ulan na sinamahan ng maiingay na mga pagkulog at pagkidlat. Patuloy sa pagtakbo ang magkaibigang sina Jhenn at Jeneath upang takasan ang mga nilalang na hindi pa nakikita sa buong buhay nila.
"Ayaw ko na! Ayaw ko na!" Paiyak na sigaw ni Jeneath.
"Tumakbo lang tayo. Kailangan nating makalayo," wika ni Jhenn na labis din ang takot na nararamdaman.
"Kasalanan 'to ni Nelson. Kung hindi ka niya pinilit, hindi sana tayo mapupunta rito." Hinihingal na pagkakasabi nito.
Biglang nadapa si Jeneath dahil hindi napansin ang nakausling bato.
"Aray, Jhenn!" pagtatawag niya sa kaibigan.
Dali-dali itong nagbalik upang tulungan ang kaibigan. Inalalayan niya ito sa pagtayo subalit mukhang hindi na kaya nito.
"Sumakay ka sa likod ko!" Pasigaw ni Jhenn at halos hindi na marinig ang boses nila dahil sa malakas na pag-ulan.
"Iwan mo na lang ako. Tumakbo ka na," pagmamakaawa ni Jeneath.
"Hindi! Sabay-sabay tayong nagtungo rito kaya't magkakasama rin tayong aalis!" pasigaw ni Jhenn.
Kinuha niya ang kamay ng kaibigan at mahigpit iyong hinawakan. Pareho na silang lumuluha dama ang labis na paghihirap.
"Jhenn? Jeneath? Ba't kayo narito? Kanina pa kami naghahanap," wika ng isa pa nilang kasamang si Nelson.
"Nelson, totoo ang sinabi nila. Totoo ang mga hali-" naputol sa pagsasalita si Jhenn nang marinig ang nakakakilabot na mga ungol na nagmumula sa kanilang likuran.
Sabay-sabay silang napatingin doon at dahil sa bilog ang maliwanag na buwan, kitang-kita nila ang mga nilalang na may mga mapupulang mata. Naglalaway ang mga bibig nitong puno ng nagtatalimang mga ngipin. Nakataas ang mga mahahabang kamay na may matutulis at maiitim na kuko. Halos mapanganga ang tatlo nang wala ng limang metro ang layo ng mga ito sa kanila.
"Takbo!" sigaw ni Jhenn.
Mabilis na inakbay ni Nelson si Jeneath at agad na humakbang. Hindi pa man malayo ang nararating nang makarinig din sila ng mga ungol sa kanilang unahan. Lalo pang lumakas sa pagtibok ang kanilang mga puso.
"Wala na, wala na tayong pag-asa..." bigkas ni Jeneath at agad silang napaluhod sa maputik na kinatutungtungan.
-----AUTHOR:
Readers, prologo pa lamang iyan. Nakaraang pangyayari na sasagutin at may kinalaman sa pag-uumpisa ng bawat kabanata. Abangan at subaybayan ang nobelang hindi ninyo dapat kaligtaan.
Hello, Wattpad Readers!
Ito po ang unang pagkakataon na susulat o magpa-publish ako ng isang novel dito sa mundo ng Wattpad. Ang nobelang 'Mystery in Island' ay umaabot ng 46 Chapters kung saan hindi ninyo palalampasin ang bawat mangyayari.
Syempre, bilang bago rito ay nais ko pong hingiin din ang inyong isip at puso upang basahin ang aking akda.
Please do READ, FOLLOW, leave some FEEDBACK/S and VOTE for every chapter. Umaasa po akong susubaybayan ninyo ito. Hindi man ako isang magaling na writer, pero ibinigay ko na ang best ko para nobelang ito.
Godbless and Enjoy! 😇
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Mystery / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...