MYSTERY IN ISLAND 2 (Sypnosis)

667 31 4
                                    

SYPNOSIS

NAPAKALAWAK ng syudad na iyon. Napakaingay ng mga taong nag-uusisa, naglalakad, nagtatrabaho at isama pa ang busina ng mga nagkalat na sasakyan sa buong kapaligiran. Lingid sa nangyayaring araw-araw na buhay sa lugar, sa ilalim ng lupaing iyon ay naroon ang isang laboratoryo na pinamumunuan ni Doctor Lertez, isa sa pinakamahusay na scientist ng panahon. Isa siya sa mga itinutiring na malaking sagot kapag nagkakaroon ng pandemya, mga cancer at iba pang sakit na mahirap hanapan ng gamot.

Napakaperpekto kung titingnan ngunit sa kanyang isip at sarili, may kulang at alam niyang natatangi iyon. Isang lihim na lugar na gustong-gusto niyang matuklasan ngunit magpa-hanggang sa ngayon ay isa pa rin iyong lohika o bugtong na mahirap hanapan ng sagot. Kaya ngayon, patuloy siyang nagtatrabaho sa loob ng laboratoryo upang makahanap ng perpektong medisina sa lahat. Patuloy rin silang naglalakbay upang matagpuan na ang sinasabing Isla ng Danayon- malaparaiso raw ito sa ganda at ayon sa mga kuwento at alamat, naroon ang mga sangkap na hinahangad ng buong daigdig.

Habang abala sa pag-i-eksperimento, nagmamadaling pumasok ang isa sa tauhan ng doctor, si Jude. Hingal pa ito at tila may mahalagang bagay na gustong sabihin.

"Dr. Lertez, ang Isla ng Danayon... natagpuan na!" bigkas nito.

Gumuhit ang napakatamis na ngiti sa mukha ng doctor. Marahan itong napatayo sa pagkakaupo at hinarap ang nagsalita.

"Talaga?" mangha nitong tanong, bakas sa mukha ang pagkasabik sa tinuran ng tauhan.

"Opo, at totoo raw na napakaganda nito." Kumalma na ang tauhan at nangiti rin sa tuwa.

"Huwag na tayong magsayang ng oras, tayo na!" pagmamadali ni Dr. Lertez.

Lulan ng may kalakihang yate, binaybay nila ang asul na karagatan kasabay ng mga along galit na galit at handa silang hampasin. Mahirap man ang paglalakbay, kita sa kanila ang pursigidong mapuntahan ang nakatagong Isla. Sa wakas, makakamit na nila ang sagot sa napakaraming tanong. Habang nakatanaw sa kawalan, inaalala ni Dr. Lertez ang matalinghagang kuwento tungkol dito.

Hatinggabi noon, nabulabog ang lahat dahil sa nakasisilaw na liwanag at tunog ng pagsabog na may kasamang mahinang lindol ang bumagsak kung saang parte ng Pilipinas. Walang makapagsabi kung ano iyon na kahit mismo ang mga meteorologist ay hindi ito na-predict. Inisip nalang nila na isa iyong bulalakaw- bumagsak sa malawak na karagatan, natunaw at hindi na muling nag-iwan ng bakas. Ngunit, maraming kuwento ang biglang kumalat. Naging isa raw itong malaking tumbok ng kalupaan at sa pagkalipas ng maraming taon, naging isang ganap na Isla.

Una ng naglakbay ang kanyang ama ngunit sa kasamaang palad, nasawi ito at kinain ng walang kasiguraduhing asul na karagatan. Bilang anak at sumunod dito, siya ang magpapatuloy sa sinimulan ng kanyang namayapang ama.

"Dad, sigurado ba kayo para rito?" Tanong ng anak nitong si Rozell, tumanaw rin sa kawalan.

"Oo naman! Walang mawawala kung susubukan natin, 'di ba?" Tinapik sa balikat ang anak.

"Kung sabagay," pagsang-ayon nito. "Sige po, pasok muna ako loob. Gusto ko muna magpahinga." Paalam nito, tumango naman ang isa.

Habang naglalakad ang dalaga, naroon si Jude. Nang magtama ang kanilang paningin, sabay silang napangiti.

"Goodluck?" Lumapad pa ang ngiti ni Rozell.

"Goodluck!" ganti ng isa.

Sa pinakadulo ng yate, naroon si Winston. Mataman lang pinagmamasdan ang dalawa ngunit may halong pagdududa.

"Ngayon ka lang masuwerte, kapatid. May panahon din at ako naman ang makaka-score sa kanya." Nangiti ito at nagpasiyang lapitan ang doctor.

Ilang oras, sa wakas ay bumungad na sa kanila ang hulma ng Isla. Nanlalaki ang mga mata ng mga taong nakakakita rito, sobrang ganda! Tila gustong-gusto na nilang tumalon upang marating ito.

Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon