MATINDING KATAKSILAN
PAGPASOK ni Dr. Lertez, Winston at iba pang mga scientist sa experiment room ay tumambad sa kanila ang mga nagwawalang katawan nila Gemini, Jerry at Marjon. Galit na galit mga mata nito at nais ng makatakas sa pagkakadena. Nakahiga pa rin ang mga iyon habang may kadena ang parehong kamay at mga paa.
"Dr. Lertez, mabuti at nakabalik na kayo. Ang mga bagong likha ay nais ng makawala at makakain. Ano po ang gagawin natin?" tanong ng babaeng scientist na isa sa mga nagbabantay sa loob.
"Itali n'yo na ang babaeng 'yan!" pagtutukoy nito kay Jhenn na walang malay.
Itinali rin sa isang upauan katabi ni Kris. Labis ang kabang nararamdaman ng binata at galit dahil sa dugong natuyo sa bandang noo ng katabi ngayong dalaga.
"Jhenn? Jhenn!" Panggigising niya.
Bigla namang nagmulat ng mga mata ang dalaga at napa-aray sa sakit mula sa ulo. Agad siyang napatitig sa mga mata ni Kris.
"Kris?" napapapikit pa rin ito dahil sa hapdi.
"Magaling, gising na ang dalawa. Mga kasama." Tawag ng Doctor sa mga kasamahang scientist. "Silang dalawa na lamang ang ipakain ninyo sa mga nagugutom nating likha." Napakasama ng tinig nito at nagsimulang humalakhak ng kapangi-pangilabot.
Humalakhak din ang iba maliban kay Winston na halos hindi makapaghintay na makuha ang papel na nasa sa bulsa ng damit ni Dr. Lertez. Napatingin siya kina Kris at Jhenn. Napapa-isip siya at baka maaari niyang magamit ang dalawang ito.
"Winston, sumunod ka sa akin at may pag-uusapan tayong mahalaga." Lumakad si Dr. Lertez at sinundan iyon ng lalaki.
Naiwan sa loob ang ilan sa mga baliw na scientist at hinihintay na lumabas ang tunay na anyo ng mga bagong likha. Naglalaway na ang mga bunganga ng The Hunters at tila mapuputol na rin ang mga kadena. Tila rin naman mababasag ang tatlong kristal na garapon na ang isa ay kinalalagyan ng galit na galit na si Mariane.
"Ano'ng nangyari Jhenn? Ba't ka may sugat sa ulo?" patanong ni Kris.
"Nais ko kayo sanang iligtas subalit nahuli ako ni Dr. Lertez. 'Yung pinuno nila kaya hindi na ako nakalaban pa, pero mukhang huli na rin pala." Napatitig ang dalawa sa katawan ng tatlong The Hunters Group.
"Nalulungkot ako kung ano man ang kalalabasan nila at natin." Nalungkot nga ang mga mata ng binata. "Sila Kristine kaya? Kamusta?" dagdag nitong bulong.
"Tama ba ang narinig ko? Ang matalik kong kaibigang si Kristine? Nandirito rin siya upang iligtas ako?" may matamis na ngiting bumalot sa labi ni Jhenn at tila nawala na lamang ang sakit na nararamdaman nito.
"Oo, siya nga ang may nais na magtungo kami rito dahil palagi ka niyang napapaniginipang humihingi ng tulong at nagmamakaawa. Matagal ka ng pinapahanap ng ina mong si Mrs. Cassandra na nandito rin upang makipagsapalaran at iligtas ka," kalmadong tinig nito.
Napaluha si Jhenn nang biglaan dahil sa mga narinig mula kay Kris. Napakarami pa lang nais magligtas sa kanya. Marami ring buhay ang napahamak at nasa kapahamakan. Bigla niyang naalala sina Stephanie.
"Sina Stephanie? Nasaan na sila? Hindi ba't nakalabas kayo? Iyon ang pagkakarinig ko," mga tanong nito.
"Ikinalulungkot ko. Napakasakit na ginawa rin silang halimaw at wala kaming magagawa kundi labanan sila at pata—" hindi maituloy ni Kris ang mga sasabihin.
Ibinaling niya na lang muli ang tingin sa barkadang nagbabagong anyo. Naglalabasan na sa buong katawan nila ang naglalakihang ugat na gumagalaw. Nag-iitim na ang mga labi at mata ng mga ito. At dahan-dahang humahaba ang mga kuko.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Misteri / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...