SA MULING PAGHAHARAP
NAGDIKIT-DIKIT at nagyakap-yakap sila dahil sa mga nangyayari. Nakasisilaw ang pagbagsak ng mga kidlat kung saan. Maiingay ang mga huni niyon lalong-lalo na ang mga pagkulog na parang nasa ilalim lamang sila ng lupa. Nilipad ng hangin ang kasulatan at nasunog iyon ng mapunta sa gumagapang na kuryente mula sa metal na higaaan patungo sa mga poste at pinakatuktok.
"Nagtagumpay ba kayo!?" halos isigaw ni Mrs. Cassandra ang tanong dahil sa napakaingay na paligid.
Sa lakas pa ng hangin ay para silang matutumba sa kinatatayuan kahit magkakadikit pa.
"Hindi ko pa alam. Pero sana, Sana nga!" pasigaw nitong tugon.
Nakatakip lamang ng mga tainga sina Jhenn at Kristine na naninikip pa rin ang dibdib. Ilang minuto ang pagkulog at pagbagsak ng mapapanganib na mga kidlat.
"Ano 'yon?" pagtuturo ni Jhanjo sa labas ng tower dahil tila may liwanag na patama sa kanila.
"Kidlat, yumuko kayo!" sigaw ni Sir Jude at sabay-sabay silang napadapa.
Isang napakalakas ngang kidlat ang tumungo sa kinalalagyan nila at nawasak ang mga kristal na pader. Naramdaman pa nila ang init at sa ilang minutong pagkakadapa ay napadilat sila ng mga mata at napamasid sa paligid. Unang tumayo si Sir Jude at dahan-dahan ding nagsibangon ang iba.
"T-tapos na ba?" patanong ni Jhenn.
"H-hindi, K-kris..." muling paghikbi ni Kristine at lalapitan na sana ang nakadapang katawan ng binata at nakatuntong sa likod nito ang natumbang metal na higaan.
Mabilis siyang niyakap ni Jhenn sa likod at pinatahan.
"Kristine, tanggapin na natin ang lahat." Tumitig sa kanya ang dalaga at gumanti sa pagkakayakap.
"Ang pagkawala niya ay isang napakahalagang kasaysayan na dapat malaman ninuman dahil ito'y pagsasakripisyo para sa nakararami." Ngiting sabi ni Sir Jude at sandaling lumapit sa katawan ng binata ngunit bumalik din naman sa tumpok ng mga kasamahan.
"Suriin muna natin ang mga nagyari sa ibaba at labas nitong tower. Matapos iyon ay kukunin natin ang katawan ni Kris upang mailibing nang maayos." Una ng humakbang si Sir Jude na may nararamdaman ding lungkot sa nawalang kasamahan mula sa pag-aalay.
Napatahan na ni Jhenn ang matalik na kaibigan. Napasulyap pang sandali si Kristine sa bangkay ng pinakamamahal bago sumunod sa pagbaba nila Sir Jude habang hawak ni Jhenn ang kanyang kanang kamay.
"Kris." Ngumiti na ang dalaga at isa itong hinding-hindi malilimutang alaala.
Pagbaba nila ay naggalawan na ang katawan ng mga scientist na halimaw kanina at tinamaan din ng kidlat. Nagbalik na sila sa anyong tao at nagtataka sa mga nangyari.
"Totoo nga ang mga himala mula sa pag-aalay." Ngiting sabi ni Mrs. Cassandra at nakatingin lang sa kanila ang mga scientist.
"Sina Gemini, Jerry, Marjon, Mariane, Jeaneth at iba pa, kailangan natin silang puntahan upang masigurong totoo ang sinabi sa kasulatan." Mabibilis ang paghakbang ni Kristine palabas ng pinto.
Napasunod na lang ang iba niyang mga kasamahan na natutuwa sa ibinunga ng pag-aalay ni Kris ng sariling buhay.
"Isama mo na rin si Jonelyn." Dagdag ni Jhanjo habang pababa sila ng hagdan.
"Si Andrei kaya? Hindi pa sa tubig siya napaslang? Sana may pag-asang maaari pa siyang mabuhay," bigkas ni Mrs. Cassandra.
"Malakas ang kutob ko at hindi lang sila kundi lahat-lahat," buo at mataas na pagkakasabi ni Kristine.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Mystery / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...