SA NILALANG NA TAGAPAGBANTAY
"HINDI ko inaasahan na ang pagtataksil ng aking kapatid ay mauuwi sa ganito. Bakit naging isang halimaw si Kuya Winston?" tanong ni Sir Jude.
"Dahil po kay Dr. Lertez. Iyong sinasabing kasulatan na nasa inyo ay nais niyang muling mapanghawakan. Hindi ko ba alam kung gaano kahalaga iyon," tugon ng scientist.
Tumango sila Kris at nagpatuloy sila sa paglalakad.
INILABAS nito ang mga gamot at malinis na injection sa loob ng kahon. Pinapila niya ang mga tauhang scientist na nanginginig sa takot ngunit napipilitan dahil sa respeto sa amo.
"Tingnan natin kung hindi pa mauubos ang grupo ni Jude." Patuloy sa pagturok si Dr. Lertez ng may itim na likido.
Ang bawat natuturukan niya ay nanginginig ang katawan at biglaang bumabagsak sa kinatatayuan. Nawawalan ng malay habang dilat ang nagputiang mga mata. Hanggang sa lahat ay natumba at tila mga patay na nakahandusay sa sahig ng kanyang laboratoryo.
"Ilang minuto lamang ay babangon na kayo at muling mabubuhay sa bagong anyo, halimaw at nilikha. Kaytagal ko ng nais magamit ang pormulang ito at ngayon dumating na ang panahon para sa bagong mundo ni Dr. Lertez!" at humalakhak ng nakakapangilabot.
Sa kanang kamay nito ay hawak ang isa pang injection na naglalaman ng puting likido na handa nitong iturok sa sarili. Lumakad ang doctor palabas ng laboratoryo.
SA KINALALAGYAN nila Kristine.
"Kris, Sir Jude!" sigaw ng dalaga nang matanaw na papalapit na ang mga ito.
"Ama!" sigaw din ni Jhanjo.
Nagyakap-yakap sila bilang matamis na handog sa muli nilang pagbabalik.
"Nahanap n'yo ba ang mga halaman?" patanong ni Mrs. Cassandra.
Napatingin muna sina Kris sa scientist na nakikinig sa kanila. Lumapit si Kristine dito at inilapit sa ilong nito ang dahong nakapagpapatulog. Bumagsak ito sa kinatatayuan.
"Mahirap na magtiwala sa naging tauhan ni Dr. Lertez. Ano? Nakuha n'yo ba ang mga halamang hindi maaaring sikatan ng araw?" pag-uulit ng dalaga sa tanong ng guro.
"Oo, narito." At inilabas ni Sir Jude ang tela kung saan nakabalot ang mga sanga na may mga dahon at bulaklak.
Binuksan niya iyon at namangha ang mga bagong nakakita sa mga ito.
"Kakaiba, kahit putol na ang mga iyan ay tila buhay na buhay!" mangha ni Jhenn.
Isinalaysay din nila Sir Jude ang mga pinagdaanan bago ito nakuha. Gano'n din kina Kristine kung paano nila nalampasan ang mga harang na likha ni Dr. Lertez.
"Sa hagdan bang iyan ang daan patungo sa tuktok ng tower?" tanong ni Kris sa apat.
"Oo, at sinasabing may isang pinto riyan at sa loob ay may isang nilalang na nagbabantay na kailangan mong malagpasan bago marating ang itaas ng tower," paliwanag ni Jhanjo ayon sa salaysay ng scientist kanina.
"Nilalang?" napangiti si Kris. "Isang halimaw na naman ba na walang kamatayan? Hindi na nagsasawa si Dr. Lertez?" mayabang na pagkakasabi ni Kris.
"Malakas ang kutob ko na baka hindi lang ordinaryong nilalang ang nasa itaas na kailangan nating daanan. Handa na ba kayo?" patanong ni Sir Jude sa kanila.
"Handa na!" at hinawakan ni Kristine ang latigo ng mahigpit ganoon din sa ibang mga kasamahan na may kanya-kanyang armas at sandata.
Sinimulan nilang tahakin pataas ang hagdan. Nang nasa kagitnaan na sila ay tanaw ng mga ito ang nag-iisang pintong daraanan.
"Tama nga ang sumbong ng scientist." Bigkas ni Mrs. Cassandra at sa wakas ay nasa harap na sila ng pinto.
Nagkatinginan muna sila bago hawakan ni Sir Jude ang doorknob ng pinto. Huminga siya ng malalim at pinihit iyon.
NAGSIGALAWAN ang katawan ng mga bumagsak na scientist. Bumangon ang mga ito na nagpabali-pabali ang iba't ibang parte ng katawan at dilat pa rin ang mga puting mata. Nakakatakot ang mga ungol nito habang papalabas na ng laboratoryo. Tila mga zombie ang paglakad ng mga ito patungo sa lahat ng mga maisip daanan.
"Humayo kayo at ubusin ang grupo ni Jude. Hindi nila maaaring magalaw ang matagal ng nananahimik na sagradong palapag ng aking ama." Humalakhak ito ng masama. "Nasa itaas na pala sila." At mabilis na isinara ni Dr. Lertez ang pinto ng silid na sandali niyang pagtataguan.
BUBUKSAN na sana ni Sir Jude ang pinto nang sabay-sabay silang mapatingin sa ibaba ng hagdan dahil sa napakaraming yapak na naglalakad. Napatitig sila roon at nakita ang napakaraming Sscientist na mapag-aalamang wala na sa ordinaryong anyo ang mga iyon.
"Ano'ng ginawa sa kanila ni Dr. Lertez? Ito na yata 'yong matagal nilang kinatatakutan," bigkas ni Jhenn.
Nang matanaw sila ng ilang mga bagong anyo ng scientist ay nagbago ang kulay ng mga mata nito. Mas lumalaki at nagiging kulay pula. Ang pagngiti ng mga iyon ay naglalabas ng matatalim na ngipin kasabay ng laway na tila asido dahil napapaso ang sahig na natutuluan kahit pa sementado. Nagtungo ang mga ito paakyat sa hagdan sa direksyong kinaroroonan nila.
"Kris, samahan mo ang mga babae. Mauna na kayo sa loob at uubusin muna namin sila ni Jhanjo," utos ni Sir Jude.
Tumango ito at hinawakan ni Kris ng kamay ni Kristine.
"Sigurdo po ba kayo?" patanong ng dalaga.
"Oo." Tumingin si Sir Jude sa nag-aalalang mga mata ni Kristine. "Malaki ang paghanga ko sa taglay mong tapang Kristine at sa talino ninyo ng mga kasamahan mo. Sige na at alam kong magagawa n'yong lagpasan ang sinasabing nilalang." Ngumiti si Sir Jude at iniangat nito ang shotgun ganoon din sa palaso ni Jhanjo.
Isinuot sa likod ni Kris ang bag na iniabot ng lalaki kung saan nakalagay ang mga mahiwagang halaman. Si Jhenn na ang pumihit at nagpatuloy sa pagbukas ng pinto. Nang tuluyang mabuksan ay kita nila ang malawak na espasyo ng silid na wala namang laman. Inilibot nila ang mga tingin at nagtataka dahil wala namang kahit sino ang nasa loob. Sa pinakagilid sa bandang kaliwa ay may isa pang mababang hagdan patungo sa itaas na marahil ay ang tuktok ng tower.
"Nasaan ang sinasabing nilalang?" nagtataka si Mrs. Cassandra at nagpatuloy ito sa paglalakad.
Ngunit napahinto nang marinig nila na may nagsalita.
"Ivam ne ku talas tiyah! Umben di." Napadilat ng mga mata si Jhenn mula sa nagsalita dahil naunawan niya ang mga sinasabi nito.
"Ano raw? Sino 'yon at saan nanggaling ang tinig?" tanong ni Kris at napapatitig sila sa bawat pader dahil parang kahit saan lang maririnig ang tinig.
Bago nakasagot si Jhenn ay narinig na nila ang mga putok ng baril ni Sir Jude sa labas at ang mga ungol ng mga bagong anyo ng scientist na tinatamaan.
"Sabi ng tinig. Bakit daw narito tayo at ano ang nais nating gawin? Iyon ang pagkakaintindi ko," paliwanag ni Jhenn.
"Isagot mo ang dahilan. Baka maintindihan niya. Sabihin mo ang mga hindi kaaya-ayang likha ni Dr. Lertez," mabilis na sabi ni Kristine.
Nang mabanggit niya ang ngalan ng doctor ay lumabas ang ulo ng nagsasalitang tinig sa pader na may mahahaba't nakangingilabot na sungay. Nang magulat sila ay bumalik din ito at nawala ng parang bula.
"K-kon viha! Dr. Lertez as ti na moliha!" nanginginig na pagkakasabi ni Jhenn at napalunok ng laway.
Muling nagsalita ang tinig at ngayon ay naunawaan na ni Jhenn na hindi pala ito sang-ayon sa pinaggagawa ni Dr. Lertez.
"Anak niya si Dr. Lertez. Siya ang unang nakadiskubre ng Islang ito— ang Isla ng Danayon." Nakangiting nakatingin ang dalaga sa mga kasamahang nakikinig. "Hindi niya raw nagustuhan ang ginawa ng kanyang anak sa mga halamang pinangalagaaan niya noon," dagdag nito.
Nagtataka tuloy ng labis sina Kristine dahil bakit halimaw ang itsura ng ama ni Dr. Lertez kung hindi nito nais ang kasamaan tulad ng ginagawa ng kanyang anak? Lumapit siya kay Jhenn upang gabayan ito sa napakaraming katanungang nais niyang ipahatid sa nilalang na nagtatago sa pader.
—————————————
A/N: Magtagumapay kaya ang ating mga bida? 😱
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Mistério / SuspenseSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...