ISLA NG DANAYON
"Bro, may nakikita ka na ba?" tanong ni Gemini kay Kris na may hawak ng telescope.
"Wala, malinaw pa rin na halos ulap lamang lahat," tugon nito.
Nasa labas ng yate ang ilan sa kanila at iba nama'y masayang nag-uusap sa loob.
"Sir, malayo pa ba tayo? Ilang oras na rin po kasi ang paglalayag natin," tanong ni Kristine.
"Malapit na. Mayamaya ay matatanaw n'yo na ang Isla," tugon nito.
Ibinigay ni Kris kay Gemini ang telescope at pumasok ito sa loob para makausap ang nobya. Lumabas naman si Andrei upang pagmasdan ang gingawa ng binata sa pag-aabang ng makikitang Isla.
"Kristine, hindi ka ba kinakabahan? O nakakaramdam ng takot?" tanong Kris dito.
Sandaling tumingin ang dalaga rito at ngumiti.
"Papalapit na tayo kaya dapat ay patunayan na nais nating magtungo sa Isla upang hanapin at iligtas si Jhenn. Hindi ba? Kaya't kung totoo man ang kuwento ni Sir kanina sa atin, maging handa na lamang tayo," mahabang salaysay ni Kristine.
Lalo tuloy bumilib si Kris sa katapangan at katatagan ng dalaga. Mahalaga para rito ang matalik na kaibigan. Ilang sandali ay sumali na rin si Mrs. Cassandra sa kanilang usapan.
"Iyan ang iba pang impormasyon tungkol sa Isla at mga sinasabing scientist na naroroon." Iniabot ang nakatuping papel.
Nagtatakang inabot 'yon ng dalaga at binuksan. May nakita siyang isang larawan na parang pamilyar sa kanya. Nag-isip siya ng mabuti kung saan niya nga ba nakita ito.
"Ano po ang gusaling ito?" tanong ng dalaga mula sa nakita.
"Sabi ng mga tauhan ko rati na ilan daw 'yan sa matatagpuan sa Isla at tahanan na rin ng mga scientist," tugon ng guro.
"Po? Papaano nilang nakunan ng larawan 'yon?" pagtataka ng dalaga.
"Hindi nila nabanggit sa akin pero may isa pa silang sinabi, wala naman daw silang nakitang mga naninirahan sa Isla," tugon muli nito.
"Huh?" sobrang nagtataka na talaga ang dalaga. "Imposible po. 'Yung narinig natin sa cellphone ay sapat na ebidensya na may dumukot sa kanila at kay Jhenn. Alam ko pong ginugulat lang nila ang mga taong nagtutungo roon," salaysay ni Kristine.
"Sana nga'y wala pa silang ginagawang masama sa anak ko. Kung mayro'n, hindi ko sila mapapatawad," bakas sa mukha ni Mrs. Cassandra ang lungkot na hinaluan ng galit.
Muling tinitigan ni Kristine ang larawan. Hanggang sa may pumasok na alaala sa kanyang isipan. Napatingin siya sa dalawa.
"Naaalala ko na po. Katulad na katulad ito ng lugar na nasa panaginip nitong huling mga araw. Sa loob nito makikita ang mga kagamitan ng scientist at si Jhenn na-" naputol sa pagsasalita nang maalala rin ang hindi katanggap-tanggap na pangitain sa kanyang napanaginipan.
"Na ano, Kristine?" napatanong na ang guro.
"Wala po, hindi na po 'yon mahalaga." Napahawak sa ulo ang dalaga at nakaramdam ng sakit. "Kailangan ko po munang magpahinga," dagdag nito.
"Dito na!" wika ni Kris.
Humiga ang dalaga sa mga hita ng binata at agad naman itong nakaidlip. Hiniram ni Andrei ang telescope kay Gemini upang malaman kung paano ito gamitin. Hinawakan ng binata ang mga kamay nito at inalalayan. Hindi maiwasan ng dalaga na kiligin dahil napaka-gentlemen pala ni Gemini. Hanggang sa matanaw niya na parang may itim na bagay sa malayo.
"Teka, Isla ba 'yon?" turo nito habang sinisilip gamit ang telescope.
Kinuha ito ni Gemini sa kanya upang makita rin ang natanaw ng dalaga.
"Oo, Isla nga!" napasigaw ito kaya't naglabasan na rin ang iba sa loob maliban kina Kris at Kristine na natutulog pa.
Habang palapit nang palapit ay nagkakaroon na ng anyo ang kanilang nakikita.
"Malapit na tayo sa Isla ng Danayon," wika ni Sir Jude sa kanila.
Napahinga ng malalim ang lahat dahil sa kakaibang nararamdamang kaba at pagka-excited. Sa loob naman ay pinagmamasdan ni Kris ang dalaga na mukhang nanaginip na naman.
"Es tili poro miña satay Ivah! eret! Aliva! Aliva!" mga salitang binigkas ng bibig ni Kristine na hindi maintindihan ng binata.
Pinakinggan pa iyon ng Kris at tatlong beses itong inulit ng dalaga. Hanggang sa tumigil ito at nagmulat ng mga mata.
"Bakit?" napatanong ito dahil nakatitig lang sa kanya ang binata.
"Huh? E, wala, may iniisip lang ako." Palusot nito at inalalayang tumayo ang dalaga mula sa kanyang mga binti. "Malapit na raw tayo," dagdag nito.
"Talaga?" dali-daling tumayo si Kristine at lumabas para makita rin ang tinitignan ng mga kaibigan.
Sumunod si Kris. Halos lahat sila ay may matatamis na ngiti habang lumalapit ang yateng sinasakyan sa Isla ng Danayon. Makikita na ang berde nitong kulay dahil sa nagtataasang mga puno. Sa bandang gilid ay napakaputi marahil ay dahil sa napakalinis na baybayin o buhanginan.
"Ilang sandali na lang," bigkas ni Andrei.
Ilang metro na lang ang layo nila. Namamangha sila sa ganda ng Isla at nawala na sa isipan nila ang mga tungkol dito.
"Hindi na 'ko makapaghintay. Parang gusto ko ng tumalon," wika naman ni Jonelyn.
Subalit bigla namang nalungkot si Kristine. Iniisip niya ang naghihintay na panganib. Nasasabi ng kanyang isipan na ang ganda ba ng Islang ito ay kabaligtaran at kapahamakan lamang ang hatid? Ba't parang ang layo ng kinatatakutan niya mula sa naririnig at panaginip?
Tuluyan na silang nakalapit. Pinagmasdang maigi ng dalaga ang buong paligid at totoong nakakahanga at nakakaakit ang taglay na kagandahang ng Isla.
"Dito na lang muna tayo. Ibababa ko ang mga bangka para makarating tayo sa gilid." Wika ni Sir Jude at inihulog nga niya ang mga ito.
Nasa may kalaliman pa kasi sila dahil hindi na kaya ng yate ang dumaong sa pinakagilid. Isa-isang sumakay ang magkakaibigan at nagsagwan papuntang gilid ng baybaying dagat. Sunod na bumaba si Mrs. Cassandra at napapangiti dahil pakiramdam niya ay malapit na nitong muling makita ang anak.
"Mauna ka na," wika ni Kris sa dalaga.
"Ikaw na!" sabi naman ni Kristine.
"Babae ang mauuna." Pagbigkas ay hindi na nakapagsalita ang dalaga at nauna ng bumaba at sumakay sa bangka.
"Bilis, sunod na rito," pagtatawag ng dalaga.
Ngumiti ang binata at humakbang. Napatigil siya sandali dahil kanina niya pa iniisip ang mga binanggit ni Kristine habang natutulog.
"Es tili poro miña satay Ivah eret Aliva, Aliva?" pag-uulit ng binata. "Ano'ng ibig sabihin nu'n?" pagtataka niya.
Ipinagpatuloy nito ang pagbaba at pagsagwan papunta sa baybayin. Pag-apak nila ay ramdam ng mga ito ang mapino at maputing buhanginan. Masarap din ang lamig mula sa tubig ng dagat. Huling bumaba si Sir Jude.
Napatingin silang lahat sa nagtataasang puno na nasa likuran nila. Isang napakalawak na kagubatan ang sasalubong sa kanila na hindi nila batid kung ano ang nasa loob.
"Saan tayo unang pupunta?" tanong ni Mrs. Cassandra sa lalaki.
"Hindi ko maalala lahat pero kabisado ko pa ang ibang daan dito." Tugon nito at nag-umpisang humakbang. Sinundan iyon ng lahat.
SA PANIG naman nila Stephanie ay hindi rin makapaghintay na makita ang narinig na Isla. Hindi mapakali ang dalaga dahil sa excitement na nararamdaman.
"Kuya, malayo pa ba?"tanong nito sa nagdadala ng yate.
"Medyo malapit na," tugon nito.
Ilang sandali lang ay tanaw na nga nila Stephanie ang Isla ng Danayon.
"'Ayun na yata!" sigaw at pagtuturo ni Jhyrica.
"Hindi kami bulag!" taray na sabi ni Loraine.
Labis na rin ang tuwang nararamdaman ng grupo ni Stephanie sapagkat hindi rin naman batid ng mga ito ang tungkol sa katotohanan ng Isla.
-------------
A/N: Tuloy-tuloy na 'to, guys! Huwag ng itigil at pumunta sa susunod na kabanata. 😁
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Mystery / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...