CHAPTER 1

1.7K 78 32
                                    

PANAGINIP, PANGITAIN?

PINAGPAPAWISAN siya ng lubos. Nanginginig ang buo niyang katawan. Hindi ito makapaniwala sa mga nariring.

"Kristine! Guys! Tulungan ninyo ako. Hirap na hirap na kami!" sigaw ni Jeaneth.

"Huh? Nasaan ba kayo? Hindi ko kayo makita. Napakadilim ng kinalalagyan ko," tanong at tugon ni Kristine.

"Hah! Tama na! Tigilan n'yo na kami. Parang awa n'yo na!" pagsisigaw din ni Jhenn.

Halos mataranta si Kristine at sa hindi inaasahan ay nagising siya mula sa napakasamang panaginip. Hingal na hingal siya na parang totoo ang lahat ng napanaginipan niya. Ipinikit niya muli ang mga mata at idinilat nang marinig na may tumatawag sa kanyang pangalan.

"Kristine, bangon na diyan. Kanina pa naghihintay ang mga kaibigan mo sa labas," wika ng kanyang ina.

"Huh?" At nagmamadali siyang bumangon.

Binilisan niya ang pagligo at pagbihis. Kumain ng kaunti at agad na sumakay sa kotseng pagmamay-ari ni Kris na sasakyan nilang magkakaibigan patungong eskwelahan.

"Bakit mukhang naging masarap yata tulog mo?" ngiting sabi ni Andrei.

"Kaya nga e. Kanina pa kami naghihintay dito o! Ngayon ka lang lumabas," pagsang-ayon ni Jonelyn.

Nagtawanan silang magbabarkada maliban kay Kristine na labis ang kalungkutang makikita sa mga mata nito. Napatigil sa halakhak ang lahat.

"Teka, ba't ba ang seryoso mo ngayon, Kristine?" tanong ni Kris.

Huminga muna ng malalim ang dalaga bago magsalita dahil hanggang ngayon ay nanatili sa kanyang dibdib ang naramdamang takot at kaba mula sa panaginip.

"Guys, naaalala n'yo ba si Jhenn at Jeaneth?" tanong muna ng dalaga.

"Oo. 'Yung barkada nating nag-transfer daw sa ibang School," tugon ni Mariane.

"Hindi ko kasi alam kung bakit ko sila napanaginipan. Humihingi ng tulong at halata sa mga boses nila ang takot at paghihirap. Nakapagtataka lang kasi dahil kahit ako ay sobrang natakot," nagbabadya na ang luha sa mga mata ni Kristine.

"Baka na-over ka lang sa imagination at kaya mo naisama sa panaginip sila Jhenn at Jeaneth o dahil sa nami-miss mo na rin sila. Tama ba?" patanong ni Andrei.

"Marahil. Pero..." hindi maituloy ng dalaga.

"Tama na nga 'yang drama. Dapat magsaya tayo dahil mamaya sa School ay gaganapin na ang concert ng ating mga crush. I'm very excited!" halata sa mukha ni Jonelyn ang pagkakilig.

Ngumiti na lamang ng pilit si Kristine dahil para sa kanya ay kabaligtaran ang panaginip. Pinaandar na ni Kris ang sasakyan papuntang School. Pagpunta roon ay agad silang nagsipasok sa kanilang classroom dahil magkaka-klase rin naman sila. Ilang minuto lang ay dumating na ang guro nilang si Mrs. Cassandra.

"Good Morning, class! Today, magko-concert ang schoolmates ninyong The Hunters para sa ilang bisitang darating. I hope for your cooperation," bigkas na hindi man lang tumititig sa kayang mga istudyante.

Sobra tuloy nagtataka sina Kristine sa naging kilos nito mula nang sabihing nag-transfer ang anak nitong si Jhenn kasama ang kaibigang si Jeaneth. Pero nasanay na rin sila dahil mahigit isang taon naman ng mawala ang mga ito rito. Matapos ang ilang sandaling pag-uusap ay pinalabas na sila upang maghintay sa pagdating ng mga bisita at ang grupong The Hunters.

"Alam n'yo, naiinis na ako kay Mrs. Cassandra dahil kahit tayo ay dinadamay sa paglayo ng kanyang magandang anak." Wika ni Stephanie at nagtaas ng mga kilay.

"Yeah, I'm agree. Wala na nga yatang ganang magturo pa sa atin." Pagsang-ayon ni Loraine at inilagay ang mga kamay sa baywang.

"Oh, I see something." Tumingin si Jhyrica sa grupo nila Kristine at sinundan iyon ng dalawa. "Is that Kristine? Our weird classmate? 'Yung babaeng inagaw sa 'yo si Kris?" tumitig naman ito kay Stephanie.

Lalo pang tumaas ang mga kilay ni Stephanie at diretsong lumakad kasabay sa pagsunod ng dalawa patungo sa direksyon nila Kristine. Ang iikli ng Short at damit ng mga ito at sobrang makakapal ang mga make up sa pisngi.

"Hello, Kristine." Pagtatawag ni Stephanie at napatingin ang barkada ng dalaga.

"Bakit Stephanie?" tanong nito.

"Oh?" nagtawanan ang tatlo. "Mukhang nakalimot yata ang malanding nang-agaw sa boyfriend ko!" pasigaw nito sa dalaga.

Napayuko lamang si Kristine at ramdam niya sa puso ang mga masasakit na sinasabi nito mula noong sagutin niya si Kris. Araw-araw siyang pinagtutulungan ng mga ito at kung wala lamang siyang mababait at mapagtanggol na mga kaibigan ay marahil matagal na siyang tumigil sa pag-aaral.

"Pakisara ng bunganga mo, Stephanie. Wala namang gusto sa 'yo si Kris kaya't 'wag mong ipagpilitan at pagbintangan ang kaibigan namin," taray na sabi ni Andrei.

"Yup! At tingnan n'yo mga itsura ninyo, parang manika," pang-aasar ni Mariane.

"Talaga?" sambit ni Stephanie at sasabunutan niya sana ito nang biglang dumating si Kris.

"Stop it! Kailan ka ba titigil, Stephanie? Hindi ka ba nagsasawa?" tanong ni Kris.

"Hinding-hindi, Kris!" pagsabi ay tumalikod ito. "May araw din ang mang-aagaw na 'yan!" bigkas nito at ipinagpatuloy ang paglakad paalis.

Tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata ni Kristine. Mabilis itong tumakbo pabalik sa loob ng kanilang classroom. Agad naman siyang sinundan ng mga kasamahan.

"Hayaan mo na sila, Kristine. Maiintindihan din ng mga iyon balang araw na mali ang pinaggagawa nila." Pinapatahan ito ni Jonelyn.

"Hindi, ang sakit talaga. Parang gusto ko ng itigil 'to!" iyak nitong tugon.

Nakikinig lamang si Kris sa kanya at nakayuko sa kinauupuan. Mahal na mahal ito ng binata at alam niyang mahal din siya ng dalaga. 'Yun nga lang ay parang masisira ang kanilang relasyon dahil kay Stephanie na patuloy na sumisira sa kanilang pagmamahalan.

"Dapat masanay ka na sa ugali ng mga 'yon. Mas matalino ka at mabait kaya ikaw na lang ang magpakumbaba Kristine," wika ni Andrei.

Tumango ang dalaga at pinunasan ang luha gamit ang panyong iniabot ni Kris. Matapos ay niyakap siya niyon ng mahigpit. Kinilig ang kanyang mga kasamahan. Ilang minuto pa'y dinig na ang tugtugan sa labas dahil mag-uumpisa na ang concert. Inalalayan ni Kris ang dalaga at magkahawak-kamay silang lumabas.

"Huwag mo na silang pansinin," ngiting sabi nito.

At nagdatingan na nga ang mga panauhin. Nasa entablado na ang naglalakihang drums at iba pang mga instrumentong pantugtog. Nasa gitna na rin ang mga mikropono. Sa ilang sandali ay lumabas na ang The Hunters at dahil doon ay isang malakas na hiyawan at sigawan ang maririnig sa loob ng kanilang paaralan. Napansin ng dalaga na wala sa kinauupuan ng mga guro si Mrs. Cassandra.

-------------
A/N: Take time to read, guys! I think, the next scenes would hook your curiosity. 😉

Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon