ANG PAGTUKLAS SA ISLA
"O, NO! JUSKO!" sigaw ng dalaga dahil sa pagkagulat.
Umakyat paitaas ng puno ang isang matsing. Nagtawanan lamang ang dalawa dahil sa naging reaksyon ni Stephanie. Tinarayan lamang sila ng dalaga at muli nitong kinuha ang bag.
"Tara't magpatuloy tayo," galit nitong sabi.
Walang pakialam ang tatlo sa madadaanan at kahit alam na nilang naliligaw sila ay tuloy pa rin ang mga ito sa paglakad.
SAMANTALA, sa kinalalagyan ni Kristine ngayon.
"Sa tower na iyon naninirahan ang aking ama. Isa siya sa mga scientist na lumikha sa kakaibang mga halimaw," wika ng babaeng nakaputi kay Kristine habang itinuturo ang isang bagay sa malayo.
Napatingin naman doon ang dalaga. Pinagmasdan niyang mabuting ang kausap at lubos siyang nagtataka kung ba't ito nag-iisa sa gitna ng kagubatan.
"Doon ka ba nanggaling sa sinasabi mong tower?" tanong ni Kristine.
"Huwag mo ng alamin. Ako na ang nagsasabi na buhay pa ang kaibigan n'yong si Jhenn. Magmadali kayong magtungo roon at iligtas siya dahil narinig ko sa aking ama na may gagawin ito sa kanya nang makalikha ng bagong halimaw," ngiting salaysay ng babae.
"Ano? Ibig mong sabihin na gagamitin si Jhenn sa kanilang eksperimento?" pabigla ng dalaga.
"Kristine, Kristine!" may mga tinig na papalapit sa dalawang nag-uusap at batid ng dalaga na sila Kris iyon.
"Oo, at huwag na huwag kayong maghihiwalay upang malaman n'yo kung buhay pa ang bawat isa sa inyo. Mag-iingat ka," huling sabi ng babae.
Naramdaman ni Kristine na may kumalabit sa kanya sa likod kaya't agad siyang napalingon.
"Kanina ka pa namin hinahanap," bigkas ng binata na hinihingal.
"Huh? May kinausap lang kasi ako sandali at-" muling humarap si Kristine subalit wala na dito ang babae.
"Kausap? Ikaw lang naman mag-isang nakatayo diyan," singit ni Andrei.
"Hindi, nandito talaga siya." Napa-isip ang dalaga na baka isang kaluluwa na lamang ang nakausap niya kanina.
"Ano ba'ng ginagawa mo rito Kristine? Dapat nagsasabi ka man lang kung aalis ka. Nag-alala tuloy kami." Wika ni Jonelyn at lumapit sa dalaga.
"Sige na nga, hindi ko kayang maipaliwanag pero ang mahalaga ay dapat tayong magtungo roon." Turo nito sa hindi kalayuan.
Natanaw nila ang tuktok ng isang tore. Labis ang pagtataka ni Kris kung bakit pati gano'n ay mayroon dito.
"Ano'ng mayro'n sa tower na 'yon?" tanong ng binata.
Lalo tuloy nalito ang dalaga sa isasagot.
"Sabihin na nating lugar kung saan makikita ang kaibigan nating si Jhenn," ngiti nitong tugon.
"Wow, talaga? Sige, bilisan na nating magpunta roon," may tuwa sa labi ni Mariane.
"Wait, sila Mrs. Cassandra ay hindi pa natin kasama," pabigla ni Andrei.
"Ano? Naghiwa-hiwalay pala kayo?" nagulat si Kristine at naalala ang sinabi ng babae.
"Oo, nahati kami sa dalawa para hanapin ka," tugon ni Kris.
Napabuntong-hininga ang dalaga. Lumakad ito at sinundan iyon ng iba pa.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jonelyn habang sila'y naglalakad ng mabilis.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Misteri / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...