CHAPTER 37

398 34 10
                                    

SA GITNA NG MGA BAGONG KALABAN

TILA mga ugat ng halaman ang paglanta ng mga buhok na nakabalot sa katawan ni Sir Jude. Lumitaw na ang lalaki at napatumba sa kinatutungtungan. Lumapit si Kris sa halimaw at sinipa iyon sa likod.

"Sir Jude, ayos ka lang po ba?" patanong ng binata at inalalayan itong tumayo.

"Patay na ba siya?" si Sir Jude naman ang nagtanong at napapahawak pa sa leeg dahil sa nahirapan siyang makahinga mula sa pagkakabalot sa naggagalawang mga buhok.

"Hindi po ako sigurado pero sadyang itinusok ko ang spear sa pulang matang nasa batok niya." Lumapit ang dalawa at hindi na gumagalaw ang halimaw na katawan ni Mariane.

Binunot muli ni Kris ang spear at pinaharap ang nakadapang halimaw. Bumalik na rin sa normal na haba ang mga buhok nito.

"Kung gano'n ay 'yon pala ang sikreto sa sinasabing mga halimaw na walang kamatayan. Nakapagtataka, bakit walang kamatayan ang sinabi ni Dr. Lertez kung may paraan din pala para mapaslang sila?" Yumuko sandali si Sir Jude at tinitigan ang mukha ni Mariane.

Biglang dumilat ang mga mata nito na siyang ikinatayo ng lalaki at iniangat muli ni Kris ang spear. Itutusok na muli sana iyon ng binata ngunit hindi naman ito gumawa ng kahit anong kilos.

"Ba't hindi siya umaatake?" pagtataka ng binata.

"Nalilito na talaga ako. Pero marahil ay ganyan na siya kahit ano pa ang mangyari. Umalis na tayo at baka may hindi magandang maganap." Humakbang si Sir Jude at sinundan iyon ng binata.

Napatitig pa siya sa tulalang kaibigan bago nila tuluyang pinasok ang pintong napili. Nagpatuloy sila at walang halimaw ang nagbabadyang sumugod o umatake.

NAPATIGIL sa paghakbang sina Kristine paakyat sa hagdan ng tila may malaking ibong lumilipad sa itaas nila. Napatingin sila roon at natanaw ang aatakeng bagong halimaw sa katawan naman ni Marjon. Napayuko sila at malapit ng madagit si Mrs. Cassandra.

"Ano namang klaseng halimaw 'yan?" nagigimbal sina Jhenn.

May pakpak ito ng isang paniki. May katamtamang maitim na dalawang sungay sa ulo. Asul ang mga mata nito at mabalahibo ang walang damit na katawan.

"Jusko!" wika ni Mrs. Cassandra at muli silang yumuko dahil muli itong umatake.

"Yumuko na lamang kayo!" At itinutok ni Jhanjo ang palaso subalit nahihirapan siyang asintuhin ito dahil mabilis ang paglipad at palipat-lipat.

Nanatiling nakatayo si Kristine at hinawakan ng mahigpit ang latigong nasa kamay. Nagpakawala ng bala si Jhanjo subalit hangin lamang iyong dumaan sa pag-iwas ng bagong anyo ni Marjon. Ngumanga ang halimaw at may lumabas sa bibig nitong berdeng usok at patungo sa kanila.

"Mrs. Cassandra, Jhenn!" pasigaw ni Kristine subalit bumagsak na ang katawan ng dalawa sa kinatatayuan.

Napatakip ng ilong sina Kristine at Jhanjo at sa pagkawala ng usok ay may mga paang humawak sa buhok ng dalaga at inilipad siya sa ere.

"Kristine!" Pasigaw ni Jhanjo at hindi niya mabitawan ang bala ng palaso dahil baka tamaan nito ang dalaga.

Sobrang sumasakit ang ulo ng dalaga dahil sa pagkakahawak sa kanyang buhok. Ihuhulog na sana siya ng halimaw ngunit mabilis niya itong hinawakan sa dalawang mabalahibong mga paa. Itatama na sana siya sa pader ngunit sinipa iyon ng dalaga. Huminto sa pagpapalipat-lipat ang halimaw at tumitig sa paanan kung nasaan nakakapit ito. Ngumiti iyon at bubuga na sana ng berdeng usok subalit isang bala ng palaso ang pumasok sa bunganga nito dahilan upang mawalan ng balanse at pabagsak sa lupa. Nang malapit na ay mabilis na tumalon si Kristine.

Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon