ANG SUSING LATIN
SA KINALALAGYAN ni Jhenn.
"Kamusta ang napakaganda kong alaga?" tanong ng baliw na si Dr. Lertez, lolo ni Jhanjo.
Nakaupo si Jhenn sa isang malambot na kama na nasa isang may kaliitang kuwarto. Doon ito pinapakain at inaalagaan ng babaeng scientist.
"Ano ba'ng gusto mo, ha? Ba't mo 'to ginagawa sa mga kaibigan ko? Baliw ka ngang talaga, kayo! Darating din ang para sa inyo!" pasigaw ng dalaga.
"Roz— Jhenn, para naman 'to sa 'yo, gusto kitang maging masaya," paliwanag nito.
Napalunok ng laway at napakagat sa labi si Jhenn. Alam niyang ginagawa ito ng pinuno ng mga scientist sa kanya sapagkat naaalala sa kanya nito ang anak na yumaong, si Rozell. Pero hindi niya nais ang ginawang pagkukulong sa kanya ng mga ito at pananakit sa mga kasamahang nais magligtas sa kanya.
"Masaya? Baliw! Kung pakakawalan mo kami, doon ako magiging masaya. At alam mo ba, Dr. Lertez? Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa manirahan dito habang ang mga kasama ko ay unti-unti mong pinagpapatay," bigkas ng dalaga.
Tumawa at humalakhak ng pagkalakas-lakas ang scientist. Hinawakan ng mahigpit ang magkabilang pisngi ni Jhenn dahil halata dito na nainis sa tinuran ng babae. Tinitigan niya ito ng masama at hindi nagpasindak. Sa tinagal-tagal niya pa naman sa kamay at poder nito ay napaka-imposibleng hindi niya pa ito kilala.
"Hindi lang unti-unti, iha. Kundi uubusin at gagawin ko silang mga mababagsik na alaga." Tumayo ito at akmang lalabas ng pinto. "Oo nga pala, Jhenn. May nagsabing kasama raw ang mommy mo sa mga nais magligtas sa 'yo." Pagkuwan ay tuluyan itong lumabas.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa pagkabigla. "Ano?" Napapikit siya ng pilit.
"Mommy, miss na miss na po kita. Sana hindi na lang ako nagsinungaling noon sa 'yo. Sana ay walang may nagtangkang magtungo pa rito. Ang dami ng napahamak." Tuluyang umagos ang luha sa mga namimilog nitong mata.
Subalit mas lalong nabuhayan ng loob ang dalaga sagagkat may mga taong handang ibuwis ang buhay nila para makuha at mailigtas lamang siya. Huminga siya ng malalim at hindi niya hahayaang masayang ang mga pagsasakripisyong iyon ng mga dating kasamahan at sa ngayon ng mga matatalik na kaibigan at sa kanyang mommy. Pumasok sa isip nito si Kristine. Kung nandirito ang pinakamamakahal nitong si Kris? Ibig sabihin ay kasama niya rin ang dalaga. Napapanaginipan nitong mga nagdaang gabi ang dalagang si Kristine na nais raw nitong puntahan sa Isla at tulungan sa kanyang paghihirap. Mukhang senyales nga ang panaginip na iyon dahil nandirito na nga ang iba sa kanila. Ngunit nababahala siya sa huling sinabi ng scientist mula sa mababagsik na alaga.
Napatingin siya sa kisame at pader ng kuwartong kinalalagyan niya. Halos walang gamit maliban sa kamang kinauupuan niya. Huli siyang nailabas dito para lang ipakita ang kalagayan nila Kris at Stephanie. Pero ano na kaya ang nangyari sa mga iyon? Narinig na minsan ng dalaga na maraming pasikot-sikot at sekreto ang tower ng mga scientist lalo na ang laboratoryo ng mga ito. Pero alam na ni Jhenn doon inilalagay ni Dr. Lertez ang mga malalakas nilang pamatay sa mga halimaw at ang mga gamot o halamang ginagamit sa bagong likha.
SA KINALALAGYAN naman nila Kris, kitang-kita ng binata ang panginginig ng katawan ng mga kaibigan niyang lalaking sina Marjon, Gemini at Jerry matapos turukan ng kakaibang gamot. Halos masuka siya nang may lumabas sa mga bunganga nitong kulay berdeng likido.
"Perfect, Malilikha na rin natin ang halimaw na walang kamatayan!" malakas na pagkakasigaw ng isang baliw na scientist.
"Huh? Walang kamatayan?" bulong ni Kris at tila nasindak sa mga narinig.
Mayamaya'y pumasok sa loob ang pinuno na si Dr. Lertez. Namangha ito at nilapitan ang tatlong nanginginig at tila may gustong lumabas mula sa loob ng mga katawan nito.
"Ayos!" nangingislap ang mga mata nito bunga ng tuwa at tumitig sa nagtatakang binata. "Ano kayang halimaw ang kalalabasan kung ikaw naman ang pag-aaralan mamaya?" at humalakhak ito na hindi na bago kay Kris.
Hindi na nakapaglabas ng tinig ang binata dahil sa mga binanggit nito. Mas nanaig sa kanya ang pagdarasal at hiling na sana'y may tulong na darating. Na sana ay ligtas lang sina Kristine.
Bigla namang bumula ang mga tubig na nasa loob ng mga lalagyang kristal.
"Mukhang ngayon na yata ang panahon para sa kanila." Hinimas ni Dr. Lertez ang kristal na kinalalagyan ng katawan ni Mariane.
Biglang dumilat ang mga mapupula nitong mata. Imbis na ang mga scientist ang magulat ay si Kris ang nagimbal sapagkat kita niya rito ang kakaibang pagbabago at galit. Mula sa loob ng tila garapong lalagyan ay nagwawala ang katawan ni Mariane at parang nais lumabas at manakit ng kahit sino. Naghalakhakan at nagpalakpakan ang mga baliw na scientist. Hindi na matiis ni Kris ang maaaring kalabasan ng walang hiyang pinaggagawa sa kanyang mga kasamahan.
Sa hindi inaasahan ay dinalaw ng antok sina Sir Jude at Jhanjo. Hindi namalayang nakatulog na pala sila. Napangiti naman ang mapagpanggap na si Winston. Hinintay niya talagang makatulog ang ito upang makuha ang isang napakai-mportanteng bagay na narinig niyang nasa mga ito. Napatitig siya sa bag na nasa tabi ni Kristine.
"Matagal ko na sanang gustong kunin 'yan kaso nasa inyo lang pala," sa isip nitong pagkakasabi.
May itinurok ito sa kanyang binti at nawala na lamang ang hapdi at init mula sa epekto ng lason sa palaso ni Jhanjo. Tinanggal niya ang telang itinali ni Sir Jude kanina at tumayo siya na parang wala lang tinamong pinsala.
"Kaunti pa lang ang alam ko sa sikreto ng mga scientist subalit kapag nakuha ko ang matalinghagang Latin, madadagdagan pa ang kaalaman ko," bulong nito at marahang lumapit kay Kristine.
Dahan-dahan nitong binubuksan ang bag ng dalaga at hinahanap doon ang isang papel na may nakasulat na Latin. Kakaiba ang ngiti nito ng makita ang hinahanap. Nasulyapan pa ni Winston na gumalaw ng bahagya si Jhanjo pero nananatili itong tulog.
"Ngayon Jude, tingnan natin kung sino ang mas lamang sa mga nalalaman tungkol sa sikreto ng Islang ito." Tumitig sa naiidlip na kapatid.
Tumayo muli ito at akmang lalakad na palayo. Pinagmasdan nito ang mga nakasulat sa papel. Sa harap ay kung paano gawin ang malalakas na panlaban na armas. At sa likod ay nahating kasulatan. Hindi iyon maunawaan ni Winston sapagkat hindi ito marunong magbasa ng Latin na mga salita. Tumingin muli ito sa mga natutulog na nakasama.
"Kailangan ko ng marunong magbasa nito." Natuon ang atensyon nito kay Sir Jude. "Hindi bale, mamaya ko na lamang kayo kakailanganing muli pagdating sa tower." Napangiti ng pilit at tuluyang lumakad palayo dala ang isa sa mga dapat panghawakan nila Kristine.
Ilang sandali lamang ay nagising ang dalaga mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napansin niyang wala na ang kuya ni Sir Jude. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa puso kaya't ginising niya ang mga kasama.
"Sir Jude, Mrs. Cassandra, Jonelyn, Jhanjo!" nagising ang mga ito. "Nasaan na 'yong kapatid mo?" tumingin sa ama ng binata.
Nagmasid ito sa paligid at alam niyang wala na nga ito roon. Tuluyang bumangon si Sir Jude at diretsong lumapit sa tabi ng dalaga.
"Masama ang kutob ko." At nakita nito ang bukas ng bag ni Kristine. "Sinasabi ko nga ba!" bakas sa mukha nito ang kakaibang takot.
"Bakit, ama?" tanong ni Jhanjo.
"Nakuha niya ang papel na may Latin!" pasigaw nito nang hindi makita ang hinahanap.
"Po?" tumulong na rin si Kristine sa pagkalkal sa kanyang bag subalit wala na nga ito roon.
"Nasa likod nito ang matagal ko ng gustong matuklasan," kakaiba ang galit sa mga mata ng lalaki. "Dapat ay hindi talaga tayo nagtiwala!" galit nitong bigkas.
—————————————
A/N: O, no! Gaano nga ba ito kahalaga? Mababawi pa kaya ng ating mga bida ang Latin na kasulatan? Saan ito hahantong? 😱
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Mystery / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...