ANG KATOTOHANAN AT PANGANIB
MAY isa pa silang nakuhang papel sa loob ng envelop. Hindi nila maunawaan ang mga nakasulat dito.
"Latin ang ginamit sa paglalahad niyan at siguradong importanteng malaman natin ang kahulugan ng bawat salita," bigkas ni Kristine.
Nakita nila sa labas si Mrs. Cassandra na tila may hinahanap at alam nilang ang envelop 'yon. Nagkatinginan muna ang dalawa. Napapaisip ang dalaga kung dapat niya bang sabihin sa guro ang ginawa at nais na pakikiisa sa paghahanap sa kaibigan.
"Ano'ng balak mo? Saan tayo mag-uumpisa?" sunod-sunod na tanong ni Kris.
"Kailangan talaga nating makipagtulungan kay Mrs. Cassandra." Binuksan ng dalaga ang pinto ng kotse at akmang lalabas.
"Saan ka pupunta?" patanong ng binata.
"Kay Mrs. Cassandra. Buo na ang desisyon ko." At ipinagpatuloy ang paglabas.
Sa paghakbang ay sumusunod lamang ang binata sa kanya. Nang makarating sa opisina ay diretsong pumasok si Kristine sa loob at nakaupo ang guro sa harap ng lamesa.
"Bakit Kristine? May problema ba at naparito ka sa opisina?" tanong ng guro.
"Pasensya na po kung bakit ko kailangang makialam." Inilapag ng dalaga ang envelop sa lamesa. "Nais ko rin pong tumulong sa paghahanap kay Jhenn na isang bagay na hindi n'yo inamin sa amin. Bakit po? Bakit kailangang n'yo pong magsinungaling?" sunod-sunod na tanong ng dalaga.
Imbis na magalit si Mrs. Cassandra dahil sa pangingialam ng dalaga ay bigla itong nalungkot nang marinig ang pangalan ng anak.
"Dahil gusto ko ring malaman ang totoong nangyari sa kanila at 'yang mga nabasa't nakita mo ang sapat na ebidensya." Tugon nito na tila luluha.
Sa mga sinabing iyon ng guro ay parang statwa ang dalaga sa pagkakatulala. Ngayon ay talagang nasa panganib nga ang kanyang matalik na kaibigan.
"Wala po ba kayong gagawin? Tayo? Lagi ko pong napapanaginipan si Jhenn na humihingi ng tulong!" Lumakas na ang boses nito.
"Hindi ko rin alam kung saan ako mag-uumpisa, Kristine. Nang mabasa ko ang tungkol sa Isla ay labis na takot din ang naramdaman ko. At iniisip ko nga na sana ay nananatili pang buhay ang anak ko!" Tuluyan ng dumaloy ang luha sa mga mata ng guro.
"Buhay si Jhenn. Naniniwala akong buhay siya kaya't kailangan na nating gumawa ng paraan at magtungo sa Islang 'yan!" matapang na bigkas ng dalaga.
Tumango ang guro bilang pagsang-ayon sa nais ni Kristine. Sa labas ay nakinig lamang si Kris at kahit siya ay sang-ayon sa nais ng dalaga. Pinatahan muna ng dalaga ang guro dahil naramdaman muli nito ang pangungulila sa anak na si Jhenn.
"Hintayin natin ang mga private investigator na pinapapunta ko sa Isla. Ngayon sila muling darating dito," wika ng guro.
Lumipas ang bawat oras at malapit ng sumapit ang gabi ngunit hindi pa rin dumarating ang hinihintay nila. Naiinip na ang tatlo hanggang sa tumunog ang cellphone ni Mrs. Cassandra.
"Hello? Kamusta ang paghahanap ninyo? Bakit hindi kayo nag-report sa akin ngayon?" tanong ng guro dahil ang mga private investigator niya ang tumawag.
Ilang segundo ngunit walang may nagsasalita mula sa kabilang linya.
"Hello?" ulit ni Mrs. Cassandra.
"Hah! Tama na! Mrs. Cassandra! Nanganga-" naputol sa pagsasalita na alam ng guro na 'yon ang kanyang tauhan.
Labis na kinabahan ang tatlo at kinuha ng dalaga ang cellphone at maigi pa itong pinakinggan.
"Tigilan n'yo siya! Maawa kayo sa kanya! Ako na lang ang pahirapan ninyo!" sigaw sa kabilang linya na pamilyar ang boses sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Misteri / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...