MGA BAGONG PANGANIB
SINIPA-SIPA ni Kris ang pinto subalit ayaw ng bumukas.
"Pssst!" paglingon ng binata sa tumawag ay isang lalaking nakaputi ang kanyang nakita.
Bumagsak ito sa kinatatayuan dahil sa paghampas ng matigas na bagay sa kanyang ulo. Pamilyar sa kanya ang taong nakangiti sa harap.
"K-kristine..." huling pangalan bago siya tuluyang mawalan ng malay.
SA PANIG naman nila Jhanjo, natapos na nito ang mga panlabang sandatang ginawa. Isa-isang binigyan ng binata ang mga kasamahan.
"Wow, ayos 'to, Jhanjo! Parang spear lang ang itsura," wika ni Andrei.
"Hindi kami marunong gumamit nito," bigkas ni Jonelyn.
"Kailangan po nating protektahan ang ating mga sarili gamit ang mga sandatang ito. May lason ang sangang nakadugtong dito na kung ilang beses mong isasaksak sa isang halimaw ay maaari mo iyong mapaslang," paliwanag ni Jhanjo.
"Tara na, huwag na tayong magsayang ng oras," wika ni Mrs. Cassandra.
Tumango ang binata at tumayo sa kinalalagyan. Itinaas nila ng kaunti ang mga dalang bag upang hindi mabasa.
"Sa tingin ko ay mga hanggang baywang lamang ang lalim nito." Wika ng binata at unang lumusong.
Ramdam niya ang lamig mula sa tubig. Sumunod sa paglusong ang tatlo. Nanginginig pa ang kanilang mga tuhod habang ginagawa iyon.
"Hanggang baywang nga lang ba ito?" Halata sa mukha ni Andrei ang kaba.
Nasa kalagitnaan na sila nang makarinig ng tila ungol sa ilalim ng tubig na kinatuntungan nila. Napahinto at napatingin ang apat sa paligid.
"Ano 'yon?" pabigla ni Mrs. Cassandra.
"Ito na nga ang sinasabi ko!" pasigaw ng binata at mahigpit na hinawakan ang hawak na sandata.
Ganoon din ang ginawa ng iba. Sa kaliwang kamay ay mahigpit nitong hinawakan ang palad ng guro patungo kay Jonelyn at Andrei. Ipinagpatuloy nila ang paghakbang. Mababakas sa mukha ni Jhanjo ang kakaibang kaba. Nagpaulit-ulit pa ang ungol.
"Bilis!" sigaw muli ng binata at kahit tubig man ang dinadaanan ay mabilis na paghakbang ang kanilang ginawa.
"Natatakot ako," bigkas ni Jonelyn.
Umabot na sa dibdib nila ang lalim ng tubig. May dinukot na lubid ang binata sa bag na nasa kanyang likod. Pinagmasdan niya ang kakaunting puno sa tatawiring banda at napangiti ito. Agad niya iyong inihagis at pumasok sa nakausling sanga ang dulo ng lubid na may kahoy.
"Kumapit kayo ng mabuti sa isa't isa. Kailangan nating magmadali, malapit na siya." At hinawakan nito ng mahigpit ang lubid.
Ginamit iyon ng binata upang hatakin ang sarili at mga kasama. Tila sumisisid lamang sila sa ilalim.
"Hindi!" pasigaw ni Andrei nang tila may mga galamay ng pugita ang pumulupot sa kanyang mga paa.
Naramadaman ni Jhanjo na hinahatak din sila nito. Napatingin siya kay Andrei at alam niyang nasa tabi na nila ang halimaw na tinutukoy niya kanina.
"Gamitin mo 'yang hawak mong sandata," utos nito.
Iniangat ng dalaga ang hawak at pinagtutusok ang nilalang na nakakapit sa kanya.
"Ayaw bumitaw!" sigaw nito subalit napatigil siya nang maramdamang parang sinisipsip ang kanyang dugo.
"Andrei?" pagtataka nila Mrs. Cassandra.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Mystery / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...