CHAPTER 31

421 39 10
                                    

LABAN, LABAN! PAKIKIPAGSAPALARAN!

LUMAPIT sa dalaga si Winston at ngumiti.

"Kung gano'n ay huwag na tayong magsayang ng oras. Kailangan nating tumakas bago tayo abutan ng ibang mga scientist dito." Pagkuwan ay tinanggal ng lalaki ang pagkakatali ng dalawa.

"Salamat," wika ni Jhenn.

"Saan naman tayo pupunta? Paano ang mga kabigan naming iyan?" pagtutukoy ni Kris sa The Hunters at Mariane.

"Mamaya na, kung mababasa ni Jhenn ang mga nakasulat dito at magagawa natin ay ssaka natin sila iligtas," kalmadong tinig ni Winson.

Alam ng binata na kinukuha lamang nito ang loob nila. Napatitig siya sa mga mata nito at mapagtagong ngiti.

NASA harap na sila Kristine, Sir Jude, Jhanjo at Mrs. Cassandra ng tower na kanina pa nila nais matungo. Napahinga sila nang malalim ng matanaw na ito ng malapitan.

"Paano po tayo makakapasok diyan? Ang tataas po ng mga pader, Sir Jude," tanong ni Mrs. Cassandra.

"Alam ko ang pasikot-sikot diyan at kung paano mapapasok. Pero bago natin gawin iyon, nakikita n'yo ba ang tinititigan ko?" turo nito sa mga maliliit na bagay na nagkalat kung saan sa bawat pader.

"Iyon po bang may kulay pula?" patanong ni Mrs. Cassandra.

"Oo, mga CCTV iyan dahil mula labas at loob ng tower ay napapanood ng mga baliw na scientist. Jhanjo," tawag nito sa anak. "Nais kong gamitin mo ang iyong palaso upang masira ang mga iyon," bigkas ni Sir Jude.

"Sige po, ama." At kinuha nito ang sandata sa likod at nilagyan ng unang bala.

Isa-isa iyong tinamaan. Kinuha rin ng ama nito at ni Kristine ang mga dalang patalim at ibinato sa mga natitirang CCTV.

"Ayos. hindi nila makikita ang pagpasok natin. Hindi ko nga lang alam kung may pagbabago sa loob." Humakbang ang lalaki.

"Paano naman po tayo papasok? Nasaan ang daan?" pagtataka ni Kristine.

"Sumunod lamang kayo." Ngumiti ito at muling naglakad papalapit sa mataas na puting pader.

Paglapit ay pinagmasdan iyon ni Sir Jude. Tila may kinakapa siya sa malapad na pader.

"Ang pagkakaalam ko'y nandirito lamang iyon." At napangiti siya at idiniin ang kanang palad.

May tila pala pindutan ang kakaibang pader at may isang lagusan ang nagbukas.

"Wow, ang galing." Bigkas ni Mrs. Cassandra at sumunod sila sa pagpasok ni Sir Jude.

Tanging tatlong pinto lamang ang tumambad sa kanila. Napangiti naman ang lalaki dahil mukhang pabor sa kanya ang ganitong istilo ng mga baliw na scientist.

"O, ba't may tatlo pang mga pinto? Ano 'to, puzzle? Kailangang pumili ng isa para sa mga susunod pa?" hindi napigilang nasabi uli ni Mrs. Cassandra.

"Talagang ganito rito sa tower. Maling pinto, maaaring kamatayan ang sasalubong sa 'yo. May mga pintong kapag nabuksan ay halimaw ang naghihintay. Mayroon din namang kung tama ay may tatlong muling pinto ang pagpipilian," paliwanag nito.

"Grabe, kailangan ng isa para sa mga susunod pa. Alin naman kaya sa tatlong iyan?" tila kinakabahan si Mrs. Cassandra.

"Kabisado n'yo pa po ba ang mga pinto rito?" tawag ni Kristine kay Sir Jude dahil tila malalim ang iniisip nito marahil ay sa mga alaalang gumugulo.

"Naalala ko ang iba pero hindi ako gano'n kasigurado. Ngunit susubukan nating lahat. Handa na ba kayo?" tanong nito sa dalaga at iba pa.

"Opo, ama." At hinawakan ni Jhanjo ng mahigpit ang palaso.

Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon