CHAPTER 5

717 59 15
                                    

SIMULA NG PAGLALAKBAY

NASUNDO na ang lahat at agad naman silang nakarating bahay ng kanilang guro. Naabutan nila itong nakaupo at hawak ang isang litrato. Lumapit sila rito at tumingin.

"Ang ganda po ng ngiti ni Jhenn diyan," wika ni Andrei.

Napangiti rin si Mrs. Cassandra dahil sobrang nami-miss niya na ang anak. Sa ilang sandali ay inilabas at isinakay na nila ang mga dala-dalang gamit sa may kalakihang van ng guro. Ito sasakyan nila patungo sa baybayin kung saan makikita ang yateng maghahatid sa kanila sa Isla.

"Wow! Excited na ako. Yate pala ang gagamitin natin mamaya," bakas sa mukha ni Jerry ang tuwa.

"Tandaan n'yo na hindi camping ang balak natin doon kundi ang paghahanap sa kaibigan nating si Jhenn," paalala ni Kristine.

"Yup, naiintindihan namin," tugon ng mga lalaki.

Pinaandar na ang van at si Kris na mismo ang nag-drive. Magkatabi sa bandang harapan sina Mrs. Cassandra at Kristine. Sa pinakalikod naman ay ang tatlong lalaking barkada ni Kris.

"Sino po ba 'yung tinutukoy ninyong sasama sa atin na may karanasan na sa Isla?" tanong ng dalaga.

"Mamaya, makikita n'yo siya dahil ang tao ring 'yon ang magdadala sa atin sa Isla," ngiting tugon ng guro.

NAGHANDA ng mga dadalhin sina Stephanie.

"Bilisan n'yo ngang maglipit at magpasok ng mga dadalhin natin!" sigaw niya sa dalawang kaibigang mga babae.

"Saan ba tayo pupunta Stephanie? Ba't para yatang magka-camping tayo?" pagtataka ni Loraine.

"Basta, ikatutuwa n'yo rin, nasisiguro ko," ngiti nitong tugon.

"Alam ko 'yan, alam ko!" napangiti na rin si Jhyrica dahil nakuha niya ang mga titig ng kaibigan.

Isang van din ang sinakyan ng grupo nila Stephanie. Inggit ito kay Kristine kaya't hindi ito papayag na magsaya kasama ang dating nobyo. Subalit hindi talaga naunawaan ng dalaga ang tunay na misyon ng grupo nila Mrs. Cassandra.

NAKARATING na sila Kristine sa baybayin ng dagat. Malayo pa lang ay tanaw na nila ang yateng pagsasakyan.

"Sarap ng hangin!" pasigaw ni Marjon.

Sari-sarili silang dala ng mga gamit papunta isang Cottage. May kinausap sandali si Mrs. Cassandra bago muling bumalik sa mga kasamahan.

"Mga kasama, si Sir Jude. Siya ang magdadala sa atin sa Isla," pakilala ng guro.

"Magandang umaga po, nice to meet yo, Sir!" unang nakipag-kamay si Kristine at sinundan naman iyon ng iba.

"Hello, sa inyong lahat." Si Sir Jude.

Umupo sa pino't maputing buhangin ang magkakaibigan at ganoon din ang ginawa ng lalaki. May kinuha itong litrato at iniharap sa walo.

"Ito ang hitsura ko matapos akong makaligtas at makalabas sa Isla ng Danayon," una nitong salaysay at maigi nila itong sinuri.

Malayong-malayo ngayon ang hitsura ng lalaki noong nakalabas ito sa Isla. Makikita sa larawan na halos puno ng mga sugat ang buo nitong katawan.

"Paano po kayo nakaligtas at anong klaseng mga nilalang ang nakaharap n'yo?" tanong ni Kris.

"Sa pamamagitan ng dala namin noong Yate. Hindi ko man maalala lahat ngunit may mapapait na nakaraan pa rin ang patuloy na lumalabas sa natutulog kong isipan," matalinghaga nitong pahayag. "Kakaiba talaga sila. Mga tao ang anyo nila sa umaga subalit kapag sumapit ang gabi ay para silang mga baliw na nagwawala at nagbabago ang pisikal na kaanyuan. Nagkakaroon ng mahahabang balahibo, matatalim na mga kuko at ngipin. Huwag na 'wag ka ring tititig sa kanilang mga mata sapagkat-" hindi maituloy ang sasabihin at napapahawak sa ulong nananakit.

Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon