CHAPTER 19

454 43 12
                                    

MGA HAMON NG PAGLALAKBAY

NAGPAULIT-ULIT ang bawat pagkaluskos na mapag-aalamang isang malaking hayop. Nanlaki ang kanilang mga mata mula sa nakikita sa likod ng tatlong punong magkakadikit.

"Sshhss! Sshhss!" Lumabas mula roon ang ulo ng sobrang laking ahas.

"S-sir J-jude!" nanginginig ang tinig ni Kristine.

"Huwag ka munang hihinga at gagalaw," pabulong ng lalaki.

Napalunok ng laway ang dalaga dahil mas matindi pa ang takot na nararamdaman niya ngayon kaysa noong una ng makaharap nila ang tatlong halimaw na Leon.

"Ba't po ganyan ang itsura?" mahinang tanong ng dalaga.

Apat ang mga mata ng ahas. Asul ang lumalabas na mahabang dila. Hindi pabilog kundi matutulis ang mga kaliskis nito sa katawan.

"Dahil nga sa ginawa ng mga scientist, mahihirapan tayo nito kung hindi tayo kikilos upang lumayo," pabulong na tugon ni Sir Jude.

Patuloy sa pag-amoy ang higanteng ahas. Hindi ito tumitigil dahil sa nararamdaman ang dalawa.

"Wala naman po tayong ibang magagawa." Marahang iniangat ni Kristine ang palaso at itinutok sa ulo ng ahas.

"Sshhss!" tumitig ang halimaw sa kanya dahil sa nakita ito.

"Kristine, huwag," pinipigil ng lalaki ang paghinga.

Subalit binitawan na ng dalaga ang bala. Parang hangin lang para sa ahas ang pag-iwas sa ginawa nito.

"Jusko!" bigkas ni Kristine.

Mabilis na pagtuklaw ang ginawa ng ahas. Agad naman itong dumapa. Kinuha ni Sir Jude ang kamay ng dalaga at hinatak upang lumayo. Lumingon ang higanteng ahas at sinundan sila.

"Tingnan lang natin!" sigaw ng lalaki at biglaang humarap at pinindot ang hawak na baril.

Napakalakas ng pagputok ang maririnig at umabot din iyon kina Jhanjo. Napatingin lamang ang binata at ng kanyang mga kasama sa mapunong gubat.

"Sila ama, nasa panganib," nasabi ni Jhanjo.

Sunod-sunod pa na mga pagputok ang ginawa ng lalaki. Hanggang sa matamaan niya ang dalawa sa mga mata ng ahas.

"Sshhss!" naglabasan ang matatalim na mga ngipin nito at nagbadya ng pagsugod sa lalaki.

Pinindot ni Sir Jude ang hawak na baril subalit naubos na ang bala nito. Dalawang metro ay makakain na sana siya.

"Tsukk!" tumusok sa noo ng higanteng ahas ang bala ng palaso na pinakawalan ng dalaga.

Napayuko pa ang lalaki sa pagbagsak ng katawan ng halimaw. Ngumiti si Kristine at ibinaba ang palaso. Inalalayang tumayo ang ama ni Jhanjo.

"Bilis!" pagmamadaling sabi ng lalaki.

"Bakit po?" pagtataka ng dalaga.

Binilisan ni Sir Jude ang paglakad habang hawak-hawak ang kanang kamay ng dalaga.

"Sshhss!" narinig muli nila ang tinig ng ahas.

"Buhay pa 'yung halimaw?" pagtataka ni Kristine na sumusunod sa bawat hakbang ng lalaki.

"Oo, mas matindi ang magiging anyo nito. Magiging tatlo ang ulo," tugon ng lalaki.

Sa kaba't takot ay mas lalo silang bumilis sa pagtakbo at hindi pansin ang bawat madadaanan. Mayamaya'y huminto na sila na sobrang hinihingal.

"Mukhang malayo na tayo sa higanteng ahas," wika ni Sir Jude.

"Paano po 'yung pupuntahan natin?" tanong ng dalaga.

Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon