SA NALALAPIT NA SUSI
INILIBOT ni Kris ang hawak na flashlight at tumabad sa kanila ang mga pasong naglalaman ng may kataasang mga halaman. Nagliliwanag ang mga iyon sa iba't ibang kulay kung matututukan ng panilaw ng binata.
"Wow, nakakamangha! Ito na ba ang mga iyon? Ang mga halamang kakailanganin sa tuktok ng tower?" naaakit sila sa ganda at kulay ng mga halaman.
"Oo, marahil ay matagal ng nakakubli ang mga ito rito. Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako nakakita ng ganito kagandang mga tanim. Ano kaya ang taglay nitong epekto at sinasabing maibabalik nito ang mga naging halimaw na nilalang sa dati?" nagtataka rin si Sir Jude.
Lumapit si Kris at naaamoy niya ang napakabangong mga kakaibang bulaklak nito. Parang napaka-payapa na ng kanyang pakiramdam at tila nais niyang manirahan na lamang dito. Lumapit pa ng lumapit ang binata at napapapikit sa halimuyak ng mga iyon.
"Kris? Kris!" sigaw ni Sir Jude pero mukhang hindi siya naririnig nito.
Mabilis niya itong nilapitan at hinatak. Saka lamang natauhan ang binata at napangiti sa harap ng lalaki.
"Ano'ng ginawa ko?" ngiti niyang tanong dahil nawala pala ang isip nito sa mundong ginagalawan.
"Hindi mo alam?" napangiti si Sir Jude at muling nadagdagan ang kaalaman niya tungkol sa taglay na epekto ng mga mahiwagang halaman.
Napa-hindi si Kris dahil ang alam niya lang ay gumaan ang pakiramdam nito.
"Tama, kaya pala kaya nitong pabalikin sa normal na nilalang ang isang naging halimaw sapagkat may kakaiba itong halimuyak na kayang pakalmahin ang magulong isip at puso ng nilalang na makakaamoy. Kailangan nating madala ang iba sa mga ito dahil nasisiguro kong wala ng masamang halimaw ang makakalapit sa atin." At sinubukang pumitas ni Sir Jude
Ngunit napataas ng kamay ang lalaki nang may maglabasang mga tinik sa sanga ng halaman.
"Huh?" piniga niya pa ang dugo mula sa tusok ng tinik.
"Ano po'ng nangyari?" patanong ng binata habang itinututok ang flashlight.
"Ewan ko pero mukhang hindi basta-basta nagpapakuha ang mga halamang ito. Masyadong mahirap at naglalabas ng mga tinik," labis na nagtataka si Sir Jude.
Muling nawala ang mga tinik dahil sa hindi na sila muling nagtangkang pumutol dito.
"Paano po 'yan? Mahihirapan tayo." Tinutukan iyon ng binata.
"Sa tingin ko ay may paraan at dapat gawin upang makuha ang mga 'yan." Nag-iisip si Sir Jude. "Ano... ano kaya?" naglakad-lakad siya.
Napatigil sila nang marinig ang kalabog mula sa pinto. Pagtutok ni Kris ng hawak na flashlight ay bukas na ang pinto.
"Huh?" nagulat siya at mabilis na inilibot ang hawak sa paligid.
"Ano 'yan?" pagulat ni Sir Jude nang matutukan nito ang isang kakaibang halimaw sa itaas ng kisame na nakadikit na parang butiki.
Mahaba ng kaunti ang naglalaway nitong dila. Parang sa Leon ang katawan nito at buntot pero tila tao ang hugis ng ulo. Mahahaba ang mga tainga at mapupula ang mga galit na mata. Mabilis na iniangat ni Sir Jude ang shotgun at pinaputok iyon.
Tumalon ang halimaw pababa at humahakbang patungo sa kanila. Nahihirapan si Kris na kumilos sapagkat hawak niya ang flashlight. Pinaputok nang pinaputok ni Sir Jude ang baril ngunit mabilis ang paggalaw at pag-iwas nito hanggang sa hindi nila mapansing tumalon na ito kay Kris at pinipilit siyang kagatin.
"Lumayo ka!" pilit din itong itinutulak ng binata gamit ang dalawang kamay.
Isang malakas na paghampas ang ginawa ni Sir gamit ang baril at tumilapon ang halimaw sa mga halaman. Tumayo ito ng mabilis ngunit napahinto ng malanghap ang kakaibang bango ng halaman. Kumalma ito at napaupo. Unti-unting napapikit at ilang saglit ay agad na nakatulog.
"Sabi ko na nga ba, ito na ang tunay na susi at solusyon." Napatingin ito kay Kris na tila nangilabot nang muntik na siyang makagat.
"Ang problema, paano natin makukuha ang mga 'yan?" patanong ng binata dahil hindi niya pa ramdam na mapapakinabangan nila ito.
"May naiisip ako at sana ay tama ito." Lumapit si Sir Jude sa harap ng mga halamang tila sumasayaw at mas nakakaakit iyong pagmasdan.
Sumunod si Kris at napatitig pa sa halimaw na nakatulog. Naaalala niyang malapit na siyang matulad dito.
"Mga halamang biyaya mula sa Islang ito at pinangalagaan ng unang taong nakatuklas sa inyo. Nais namin makahingi kahit iilang mga sanga sa inyo dahil kakailanganin namin sa gagawing pagwawakas sa mga masasamang nilalang. Maaari ba?" huminto sa pagsasayaw ang mga mahiwagang halaman.
Napangiti si Sir Jude at marahang muling hinawakan ang mga ito.
SA PANIG nila Dr. Lertez.
"Tila napakatagal yata si Winston. Hindi kaya't napaslang na siya ng kanyang kapatid?" napakasama ng ngiti nito. "Mahirap talaga kung isang traydor ang gagawing alaga." Lumapit siya sa kristal na aparador at kinuha roon ang kahong kanina pa tinititigan.
Nagkatinginang muli ang mga scientist. May isa sa mga iyon ang natatakot at palihim na lumabas ng laboratoryo.
"Dr. Lertez, hindi pa po tayo nakasisiguro na magtatagumpay ang ating mga kalaban. Huwag muna nating gagamitin 'yan at baka tuluyang mawala ang matagal mo ng pinaghirapan at ng iyong ama." Bubuksan na sana iyon ng doctor ngunit napatigil ito at inilapag na lamang iyon sa lamesa.
"Sige, sandaling panahon lamang ang paghihintay na gagawin natin at kung walang magandang balita at resulta mula sa lahat, mapipilitan akong gamitin ito sa ating mga scientist." At humalakhak siya na sinabayan ng ibang napilitan lang din.
IKATLONG hagdan na ang nilalakbay nila at sa tingin ng mga ito ay nasa mataas na silang palapag. Nakarinig sila ng mga yapak kaya't mabilis nilang inihanda ang mga hawak na sandata.
"Saan ka pupunta?" matapang na tanong ni Jhanjo sa nag-iisang pababang scientist.
Napataas ito ng mga kamay dahil sa takot. Napalunok ng laway at hindi nagtangkang gumalaw sa kinatatayuan. Marahang lumapit ang tatlo at naghanda dahil baka may hindi ito magandang gagawin.
"Magsalita ka, bakit ka narito? Inutusan ka ba ni Dr. Lertez?" matapang ding tanong ni Jhenn.
"H-hindi. S-samakatuwid ay lumabas ako ng l-laboratoryong nasa itaas sapagkat hindi ko gusto na maging isang hindi k-kanais-nais na bagong n-nilalang." Nanginginig ang tinig nitong sumagot at halata rito ang takot.
Inayos nito ang suot na salamin sa mata. Binigyan ito ng masasamang titig nila Kristine bago muling magsalita.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Nakakatuwa yatang natatakot ka sa sariling mong amo?" itinaas ni Kristine ang isang kilay.
"Oo, talagang natatakot ako. Hindi lamang ako kundi lahat ng mga kapwa ko scientist sapagkat kapag ginamit ni Dr. Lertez ang pormulang iyon sa kanya at sa amin, mawawasak ang tower na ito at magkakaroon ng mga bagong halimaw na walang patawad sa pagpatay." Paliwanag nito at nakatutok ang palaso ni Jhanjo.
"Nasa itaas ba siya at ang iba?" patanong ni Jhanjo.
"Oo." Tugon nito at lumuhod sa hagdan. "Parang awa n'yo na, huwag n'yo akong papatayin at ayaw ko ring maging bagong halimaw. Gagawin ko ang lahat, ilayo n'yo lamang ako rito." Pagmamakaawa nito.
Napa-isip sina Kristine at nagkatitigan sila ng mga kasamahan. Alam nilang magagamit nila ang isang ito.
"Kung gano'n, papayag kami. Sa isang kondisyon." Itinutok ni Jhenn ang spear sa leeg nito.
"A-no 'yon? K-kahit ano." Nanginginig muli ang tinig nito.
"Ituturo mo sa amin ang mabilis na daan patungo sa tuktok ng tower at sasagutin mo ang lahat ng katanungan namin, maliwanag ba?" pananakot ni Kristine.
"Sige, iyon lang ba?" tumayo ang scientist at naglakad. "Sumunod kayo sa akin." Pahakbang nito.
"Subukan mo kaming lokohin at ibabaon ko sa iyo ang hawak ko." Pananakot ni Jhenn at napapangiti dahil sa mga sinasabi nila.
Nagpatuloy ito sa paglakad at sinusundan iyon ng apat.
—————————————
A/N: Hindi nga ba ito magtataksil? Mapagtatagpi-tagpi na nga ba nila ang susi at solusyon? Abangan. 😇
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Misterio / SuspensoSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...