PAKIKIPAGSAPALARAN NG LAHAT
ITINAAS ni Stephanie ang kanang kamay na tila naman ngayon ay nagmamakaawa. Sa isip ni Kris ay sobra itong nagsisisi dahil hindi nila nailigtas ang tatlong kasamahan.
"Kris, mahal ko..." nakakatakot na bigkas ni Stephanie.
Isang metro na lang ang layo ng mga ito sa tatlong binata subalit hindi nila magawang umatake. Sila na lamang ang marahang umatras habang patuloy ang tatlo sa paglakad.
"Hindi, Stephanie." Pinipigil ni Kris ang mga nanginginig na kamay.
Huminto ang mga dalaga sa paghakbang at yumuko kasabay ng pagngiti. Mayamaya'y nagpaikot-ikot ang mga ulo nito kasabay ng pagtanggal ng mga tahi sa pisngi. Nanginig din ang mga katawan at unti-unting naglabasan ang maiitim at matataas na mga balahibo.
"Nagiging halimaw na sila!" pasigaw ni Jerry.
"Arrrggghhh! Arrrggghhh!" nakakakilabot ang mga boses ng bagong anyo ng tatlong dalaga.
Lumaki ang mga bibig nito na may mga matatalim na ngipin at tumutulo pa mula roon ang malagkit na laway. Tumitig ang mga ito sa tatlong binatang sobrang nagigimbal.
"Kris, akin ka lang!" tuluyan ng naging tinig halimaw si Stephanie.
"Takbo!" malakas na sigaw ng binata.
Humalakhak lamang ang mga halimaw habang pinagmamasdan ang paglayo nila. Tumingin ang mga iyon sa lupa at mabilis na paghukay ang ginawa.
"Ano'ng gagawin natin? Hindi na sila sina Stephanie, Jhyrica at Loraine. Anyo na sila ng mga halimaw na gawa ng mga baliw na scientist," salaysay ni Marjon.
"Hindi ko alam." Lumingon si Kris doon subalit wala na ang mga ito.
Himinto ang tatlong binata sa pagtakbo kahit alam nilang wala silang tatakasan dahil sa nagtataasang mga pader. Sinuri nila ang paligid subalit hindi nila mapagmasdan ang bagong anyong halimaw ng mga kaibigan.
"Saan sila nagpunta?" tanong ni Jerry.
"Nasa paligid lang ang mga iyon. Ihanda n'yo ang mga sarili!" sigaw ni Kris.
Naramdaman nila ang ingay mula sa ilalim ng lupang kanilang kinatutungtungan. Napatingin sila doon at tila umaakyat at lumalakas iyon.
"Takbo!" sigaw muli ng binata.
Nakahakbang ng mabilis sina Kris at Marjon subalit may mga kamay na may mahahabang kuko ang humawak sa paa ni Jerry.
"Mga Bro!" pagtatawag nito.
Paglingon ng dalawa ay kalahati na ng katawan ng binata ang kinain ng lupa.
"Jerry!" mabilis na lumapit si Kris subalit parang bulang naglaho ang matalik na kaibigan pailalim.
"Hindi!" sigaw ng dalawa ngunit tuluyan ng nagsara ang lupa.
Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ni Kris at nang maulit ang ingay na pumapaitaas ay hindi siya umalis sa kinatutungtungan. Humakbang palayo si Marjon at nang lumabas ang mahahabang kamay ay mabilis na iwas ang ginawa ng binata. Kasunod ay itinusok niya ang hawak na sandata.
"Waaahhh!" sigaw ng halimaw nang maramdaman ang kuryenteng higit pa sa kidlat.
Nanatili ang nasunog na katawan ng halimaw habang nakalabas ang mga kamay. Lumakad ng bahagya si Kris at panibagong mga kamay naglabasan sa kanyang kinatutuntungan. Tulad ng nauna ay tinusok niya ito at nasunog mula sa malakas na kuryente.
"Dalawa na." Tuwang sigaw ni Marjon.
Lumabas sa lupa ang katawang halimaw ni Stephanie na nasa likuran ng binata. Paglingon ni Kris ay sinaksak siya ng mga matutulis nitong kuko.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
غموض / إثارةSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...