CHAPTER 15

531 43 10
                                    

LIKHA NG MGA SIYENTIPIKO

ILANG hakbang lang ay natanaw nila ang isang hagdan paitaas.

"Saan papunta 'yan?" tanong ni Kristine.

"Patungo sa labas. 'Pag nasa itaas na tayo ay matatanaw na natin ang tower. Mag-iingat kayo dahil—" Naputol sa pagsasalita si Jhanjo nang muling lumindol.

"Hah!" natumaba ang iba sa kanila.

Habang lumalayo sila mula sa pinanggalingan ay mas lalong dumidilim ang paligid. Inalalayan nila ang mga itong tumayo. Sa ilang sandali, naglabasan ang mga kulay pulang matang kanina pa sa kanila nagmamasid.

"Guys, ano ang mga 'yan?" takot na tanong ni Jonelyn.

"Huwag kayong tititig sa kanila. Delikado dahil papasailalim kayo sa kasamaan." Ngunit huli na si Jhanjo dahil tila hanging naglalakad si Mrs. Cassandra papunta sa mga ito.

"Mrs. Cassandra!" sigaw ni Kristine at niyakap niya ito sa likod.

Hindi mahatak ng dalaga ang guro sapagkat ang isang kamay nito ay hawak-hawak na ng kakaibang halimaw. Makakapal ang itim na balahibo sa kamay at napakatulis ng mga kuko. Ngunit talagang pinigil ni Kristine ang tumitig sa mga mata nito kahit na nasa harapan niya pa. Tulala naman si Mrs. Cassandra na tila statwa na pinag-aagawan ng halimaw at ng dalaga.

"Yumuko kayo!" utos ni Jhanjo sa mga babae at kay Sir Jude.

Kinuha niya ang palaso sa likod kasunod ng isang bala. Nakapikit siya habang itinututok ang sandata sa kinalalagyan nila Kristine. Pinagmasdan siya ng ama at sa isang pagkurap ng mga mata ay bumitaw sa mga daliri at tumama sa ulo ng halimaw na umaagaw kay Mrs. Cassandra.

"Ang galing!" mangha ni Andrei dahil sa nagawa ni Jhanjo ng hindi man lang dumidilat.

Tila naman nagalit ang ibang halimaw kaya't nagsilakad ang mga ito patungo sa kanila.

"Tumakbo na kayo papunta sa hagdan!" utos at sigaw ni Jhanjo.

Lumapit ang binata sa dalawa at tinulungan ang dalagang alalayan ang gurong bigla na lamang hinimatay. Humakbang sila patungo sa hagdan palabas.

"Bilisan natin, nandiyan na sila!" sigaw ni Kristine.

"Ako na ang bahala kay Mrs. Cassandra. Gamitin mo ang patalim na ibinigay ko sa iyo upang proteksyonan ang mga dadaanan natin," bigkas ni Jhanjo.

Kinuha ito ng dalaga sa kanyang bulsa. Nakita ni Sir Jude ang anak kaya't bumalik upang tulungan sa pagdadala sa guro.

"Huwag ka lang tititig sa mga mata nila," paalala ng binata.

Sa paglapit ng ilang halimaw na tila tao lamang ang laki ay pinagsasaksak iyon ng dalaga kahit saan mang bahagi ng katawan.

"Hah!" saksak dito, saksak doon. "Ba't parang ang babagal lang nilang kumilos?" patanong ni Kristine na patuloy sa pagsaksak.

"Kristine!" sigaw ni Jhanjo sabay kuha ng palaso at itinutok sa halimaw na nasa likod ng dalaga.

Bumagsak iyon ng hindi muling gumalaw.

"Salamat," sambit nito.

"Walang anuman, binibini. Mabagal talaga ang mga iyan dahil hindi pa lubos na nagagalit at malapit na ring sumapit ang umaga," tugon ng binata.

Sa kinalalagyan naman nila Andrei na malapit na sa hagdan ay pinalilibutan sila ng napakaraming halimaw.

"Shet, ng dami nila!" sa ibaba lang sila tumitingin habang nagkakadikit-dikit. "Guys, help naman!" sigaw nila Andrei.

Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon