NALALAPIT NA PAGTATAPOS
NAGLAKIHAN at naggalawan ang mga ugat sa buong katawan ni Dr. Lertez. Humaba nang humaba ang mga tainga, kuko at balahibo nito. Lumaki ang katawan, paa at mga kamay. Naglabasan ang maiitim at nagtataliman nitong mga ngipin kasabay ng pagtulo ng tila asido ring laway. Labis na nagigimbal ang lahat sa mas matinding halimaw na kaharap nila ngayon.
"J-jusko!" Tila nais tumigil ng iba sa kanilang paghinga mula sa labis na kaba at takot.
Mabilis na hinatak ng mahahabang kamay sina Sir Jude at Jhanjo at inihagis sa matitigas na mga pader. Sunod sina Marjon, Jerry at Gemini na tumilapon din kung saan. Hindi rin pinalampas ang ibang kasamahan.
"Kristine, Jhenn..." nakapangingilabot na tinig nitong tawag sa dalawang natitira.
Pupulutin sana ni Sir Jude ang nabitawang shotgun ngunit mabilis iyong dinurog ng naglalakihang mga paa.
"Hindi kami natatakot!" matapang na bigkas ni Jhenn habang hawak ng mahigpit ang spear.
Hinawakan din ng maigi ni Kristine ang hawak na latigo at naghanda sa paglapit ng bagong halimaw sa katawan ni Dr. Lertez.
Walang may nagtangkang muling lumaban sa bagong halimaw dahil wala sila mga armas at sandata. Kahit ang palaso ni Jhanjo ay hindi pinatawad ni Dr. Lertez at winasak iyon.
"Hah!" pasigaw ng dalawang dalaga nang hawakan sila ng malalaki at mahahabang mga kamay.
Iniangat sila sa ere at nararamdaman nilang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanila.
"Bitawan mo sila!" Sigaw ni Jhanjo at mabilis itong tumayo at sumugod sa halimaw.
Humalakhak lamang ito at isang malakas na sipa ang natanggap ng binata at muling tumilapon.
"Wala na kayong magagawa, katapusan na ninyo!" Isa-isang muling pinagsisipa ang mga kasamahan nila Kristine at Jhenn.
Huminto ito at tumitig sa dalawang nahihirapan ng huminga dahil tila nais sila pisain nito sa madaling panahon.
"Pagmasdan ninyo kung paano ko pagbabali-baliin ang buto ng dalawang ito. Ang mga taksil na tumulong sa 'yo, Jude!" Marahan nitong hinihigpitan ang pagkakahawak sa mga dalaga.
"H-huwag... Hindi!" naisisigaw na lamang ng kanilang mga kasamahan.
"Huh?" nabigla sina Marjon, Gemini at Jerry nang matanaw ang isang nilalang sa itaas ng hagdan na may hawak na spear.
"Hindi ako papayag!" Mabilis at malakas nitong ibinato ang spear kay Dr. Lertez at tumusok sa kaliwang dibdib.
Napatingin ang lahat sa naghagis nito. Unti-unting nanginig ang katawan ng halimaw at dahan-dahang nabitawan ang dalawa na wala ng mga malay. Bumaba sa itaas ng hagdan ang taong nakapaslang kay Dr. Lertez.
"Kris?" hindi makapaniwala ang lahat.
"Tapos na ang kasamaan mo, Dr. Lertez." Lumapit pa ang binata at hinawakan ng mahigpit ang spear at mas idiiniin sa dibdib ng halimaw. Bumaon pa iyon sa puso nito.
Isang nakakatakot na sigaw ang maririnig dito bago tuluyang malagutan ng hininga at bumagsak sa kinatatayuan.
Natigil sandali ang oras sa kanyang mga kasamahan dahil sa hindi makapaniwala na totoong buhay siya. Mabilis silang nagsibangon at nabuhayan ng loob. Mahihigpit na yakap at labis na pagpapasalamat ang natanggap ni Kris sa lahat ng mga kasama.
"Totoo nga, hindi kami makapaniwala, buhay ka nga Kris!" bigkas ng The Hunters.
"Natutuwa ako sapagkat hindi lang ang pag-aalay mo ng buhay ang nagligtas sa lahat kundi ang muli mong pagbabalik." Nakipagkamay si Sir Jude.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Mystery / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...