CHARACTERS & OTHERS REVIEW

1.6K 51 0
                                    

AUTHOR:

Bago n'yo simulang pasukin ang Isla ng Danayon, try to read this first para magkaroon kayo ng sabihin na nating kahit kaunting ideya ukol sa iba't ibang personalidad na mayro'n ang ating mga bida at ekstrang gaganap sa nobelang ito. Medyo may karamihan sila pero kahit papaano, may ganap naman sila sa mismong kuwento. Here we go!

MAIN CHARACTERS

(Sa main character/s category, ipinasok ko lang rito 'yung may mga mahahalaga at malaking ganap sa kabuuan ng nobela)

1. KRISTINE - isa sa pinakamatapang nating bida. Sa pagkakaalala ko, tatlong beses siyang nanaginip tungkol sa kaibigang nawawala at nagbigay sensyales sa kanya na nasa kapahamakan ito. Napakalaki ng ginampanan nito upang makamit ng lahat ang tagumpay sa paghahanap.

2. KRIS - grabe po, sobra ako nitong pinahanga. Hindi lang sa tapang, malasakit o pagmamahal na mayro'n sa kanyang mga kasama kundi sa isang pagsasakripisyon na walang kasiguraduhan. Nagulat at tila maiiyak ako sa bahaging kailangan niyang gawin iyon para sa ikaliligtas ng lahat. Salute to this character!

3. MRS. CASSANDRA - isang guro at isang ina na nagpakita rin ng katapangan kahit alam nitong walang kasiguraduhan sa desisyong binitawan. Dahil sa pagmamahal sa nawalay na anak, ginawa niya ang lahat upang muli silang magtagpo.

4. SIR JUDE - isa ito sa mayro'ng karanasan pagdating sa isla. Ngunit dahil sa kagagawang ng isang tao, ang ilan sa kanyang alaala ay panandaliang nawala. Malaki ang naging kuwento nito sa Isla ng Danayon na lubos ding nakatulong sa lahat upang malagpasan ang pagsubok na dala ng mala-paraisong lugar. Gusto ko ang role nito!

5. JHANJO - isa 'to sa hinangaan ng aking mga mambabasa. Hindi lang dahil sa makisig, guwapo o matipuno kundi sa angking galing sa pakikipaglaban. Namuhay ng ilang taon sa Isla dahil sa nakaraang pangyayari ngunit sa pagdating ng magkakaibigan, muli siyang nabigyan ng pag-asa. Surprise nalang po sa bigateng role nito sa nobela.

6. STEPHANIE - syempre, mawawala ba sa isang kuwento ang panirang kontrabida? Well, hindi naman talaga siya ang main antagonist dito pero may dagdag siyang ganap upang mabuo ang daloy ng nobela. Ex-girlfriend siya ng isa sa ating character. So, watch out sa kanyang mga pasabog at kamalditahan.

7. DR. LERTEZ - super duper big role ang ginampanan nito. Sobra kayong maiinis sa kanya pero syempre, wala tayong magagawa dahil kinakailangan ng malupit at napakasamang character. Kung saka-sakaling magawan ko na ng Book 2 ang Mystery In Island, baka isa siya sa maging main character o malay natin, maging bida pa. Puwede!

8. WINSTON - hindi 'yan sigarilyo ha, character 'yan. Hehe! Kung si Dr. Lertez ay sakim, ito naman ay malihim. Maiinis kayo rito na matutuwa, abang nalang sa kanyang ganap.
-----

OTHER CHARACTERS

1. ANDREI - isa sa mga bestfriend ni Kristine. Matapang at handang ipagtanggol ang mga kaibigan.

2. JONELYN - same with Andrei, bestfriend din ito ng dalaga na may malasakit.

3. MARIANE - pangatlong bestfriend ng ating bidang si Kristine at tulad ng dalawa, may magandang ganap din sa nobela.

4. GEMENI - isa sa The Hunters na may layuning tumugtog ng musika. Isa sa mga barkada ni Kris.

5. JERRY - isa rin sa The Hunters na mahilig sa musika, guwapo tulad ng iba at isa rin sa matalik na kaibigan ng ating bidang si Kris.

6. MARJON - same kung ano ang description nina Gemini at Jerry. In addition, may malaki rin silang role na sobrang magpapagulat sa inyo. Watch out, keep on reading lang!

7. JHENN - after this part, mababasa n'yo kung bakit siya mahalaga sa paglalakbay ng ating mga bida patungong Isla. Masasabi ko lang ngayon, ang cool ng role nito sa bandang gitna ng kuwento.

8. LORAINE - isa sa mga kontrabida, slight lang. Isa sa mga bestfriend ni Stephanie.

9. JHYRICA - tulad ni Loraine, may personalidad din itong hindi kaaya-aya. Bestfriend din ni Stephanie na sunod-sunuran sa kanya.

10. ROZELL - kasintahan ni Sir Jude sa nakaraan. Kung saka-sakali ngang magkakaroon tayo ng Book 2, naka-focus sa kanila ang takbo ng kuwento dahil sa mga nagdaan talaga nagsimula ang lahat.

Nandiyan rin sina JENEATH, NELSON at marami pang iba.
-----

CREATURES OR MONSTERS

Dito, hindi ko na iisa-isahin dahil medyo may karamihan sila. Yes, as in ang daming iba't ibang nilalang ang nakaharap ng ating mga bida. May higanteng ahas, malaking ibon, halimaw sa tubig at sa pagkakaalala ko, may leon or something sa lupa. Bukod pa do'n ang mga nilikha ng scientist plus, idamay pa ang bagong likha o labas pati na 'yung mukhang nagsasalita sa pader. So, I recommend you to read for exploring.

Pagpasensyahan n'yo muna ang book cover, 'di pa kasi ako nagpapagawa sa magaling. So, own creation muna.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon