ANG MGA BALIW NA SCIENTIST
PINAGMAMASDAN ng taong nasa puno ang magkakaibigan kasama sina Mrs. Cassandra at Sir Jude.
Hindi n'yo pa ako kakampi sa ngayon. Pero magkakakilala rin tayo sa huli. Bigkas ng lalaki sa isipan at tumalon sa ibang mga puno.
Nagulat sila dahil bigla na lamang itong naglaho. Subalit napangiti si Kristine dahil mayro'n pa palang matatapang na nilalang na patuloy na lumalaban sa Isla ng Danayon.
"Hayaan na lang natin kung ayaw niyang makilala siya. Ang mahalaga ay nakaligtas tayo mula sa mga halimaw na Leon. Lubos akong nagpapasalamat sa taong iyon na may hawak ng palaso." Kinuha ng dalaga ang mga bag.
Lumakad ito at sinundan ng iba.
"Saan tayo magtutungo? Sa kuweba o tower?" tanong ni Mrs. Cassandra.
"Una tayong pupunta sa kuweba. Pero mas dobleng pag-iingat na ang gagawin natin," tugon ni Kristine.
Nagpatuloy sila sa paglalakbay. Tuluyan ng dumilim ang buong paligid. Panay lang ang tingin ng dalaga sa mapa upang matunton ang kuwebang nakasulat dito.
"Dito muna siguro tayo magtayo ng Tent," bigkas ni Sir Jude.
"Dito? Sa gitna ng gubat?" gulat na tanong ni Andrei at hindi pa rin mawalay sa isipan ang mga dinanas kanina.
"Wala tayong pagpipilian. Kung magpapatuloy tayo ay hindi rin natin batid ang makakasalubong. Isang halimbawa na ang kanina," salaysay ni Kristine.
"Sama-sama lang tayo sa isang Tent," bigkas ni Jonelyn.
"Alam mong hindi tayo magkakasya. Ganito na lang, dalawang tent lang ang itatayo natin tapos magkaharap lang ang labasan," ngiting suhestyon ng dalaga.
"Sige, sang-ayon ako. Kaming tatlo nila Jonelyn at Mrs. Cassandra sa isang Tent," tugon ni Mariane.
Itinayo nila ang mga tent na magkaharap. Tig-iisang flashlight lang ang kanilang binuksan dahil baka maubusan ng baterya. Ipinasok nila ang mga gamit at nakaupo sila sa loob.
Lumalalim na ang gabi. Bilog na ang buwan sa kalangitan. Huni ng mga insekto sa paligid ang maririnig. Pinag-aralan pa nila Kristine, Andrei at Sir Jude ang mapa.
"Malapit na pala tayo sa kuwebang 'yan." Pagtuturo ni Andrei.
"Nakakalito rin ang ibang simbolo rito. May bilog at triyanggolo sa bawat gilid ng dinadaanan natin. Tingnan n'yo 'to, napakalayo pa pala ng tower sa kinalalagyan natin ngayon." Turo rin ng dalaga.
Napansin ni Kristine na hindi umiimik ang lalaki. Tila napakalalim ng mga iniisip nito.
"May problema ba, Sir?" tanong nito.
"Naalala ko lang 'yong taong nagligtas sa atin. 'Yong taong may hawak ng palaso na pumatay sa mababagsik na mga halimaw. Nakakamangha at ang sandatang ginamit niya ay marahil isa sa natutunan niya kay Ginoong Delpo." Huminga ng malalim ang lalaki.
"Delpo? Sino naman po 'yon?" tanong ni Andrei.
"Isa siya sa naging kasamahan namin dito sa Isla noong nag-bonding kami dahil kaarawan ng anak ko." Biglang naging malungkot ang mga mata nito. "K-kaso ay-" pilit na inaalala ang mga pangyayari.
"Kaso, ano po?" si Kristine.
"Kaso ay pinatay din siya ng mga halimaw na humabol sa amin," dagdag ni Sir Jude na walang kasiguraduhan kung 'yon nga ba ang mga nangyari.
"Kasama n'yo pala ang anak niyo sa pakikipagsapalaran? Nakita niyo po ba kung pasno siya pinaslang?" tanong ni Kristine.
"Hindi ako sigurado pero sa pagkaka-alala ko ay dinukot siya ng mga scientist at hindi ko na muling nakita." Humiga na ito.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Mystery / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...