SA GITNA NG PAKIKIPAGSAPALARAN
LUMAPIT si Dr. Lertez sa kapwa scientist at inamoy din ang dugong nasa palad nito. Matapos iyon ay nagmasid ito sa paligid na tila may hinahanap.
"Saan naman kaya maaaring magmula 'yan?" lumakad ang doctor at bumalik na kinaroonan kanina. "Baka dugo lamang 'yan ng ilang eksperimento." Muli nitong kinalkal ang kahon.
Hindi na muling nagsalita ang isang scientist. Lumapit ito sa kinalalagyan ng doctor at pinagmasdan ang paghahanap nito. Napapikit naman si Jhenn sa ilalim dahil nakaligtas siya mula sa dugong galing sa pinatay niyang babaeng scientist. Hinihintay niyang matapos ang mga ito.
"Ayos, ito na nga." At itinaas ni Dr. Lertez ang isang papel.
"Ano naman ang mga nakasulat na Latin diyan?" tanong ng kasama na nakangiti ng wagas.
"Ito ay mula pa sa aking amang namayapa na unang taong nagtungo rito sa Isla. Ito ang mga bagay na maaaring tumapos ng lahat," paliwanag nito.
Labis ang pagtataka ng dalaga sa mga narinig.
Tumapos sa lahat? Ibig bang sabihin na iyon marahil ang susi para matigil na ang kasamaan ng mga Scientist, mga katanungan sa isip ni Jhenn.
"Ngunit Dr. Lertez, kalahati lamang ang mga nilalaman niyan. Nasaan ang kalahati ng kasulatan?" patanong ng isa.
"Ang huli kong pagkakaalam ay kinuha iyon ni Jude dati sa aking tahanan. Nagawa iyon dahil sa anak kong si Rozell subalit hindi nila alam na kalahati lamang iyon at nandirito sa laboratoryo ang kalahati," paliwanag nito.
"Kung ganoon ay wala ring silbi 'yan?" muling tanong.
"Talagang wala sapagkat hindi matutuklasan ang mga nakasulat at paraan kung hindi maidudugtong ang nawawalang bahagi. Pero mas maganda ng gano'n dahil tayo ang mawawalan kung mangyari mang sumubok na gawin ang mga nakatala rito." At nirolyo nito ang papel na may Latin at ipinasok sa mahaba't puting suot na damit.
Mayamaya'y may pumasok na isa pang scientist na halatang hingal at nagmamadali. Napatingin doon ang dalawang nag-uusap.
"Dr. Lertez, may dapat kayong makita dahil nakatakas ang babaeng bihag na si Jhenn at may namatay sa ating mga kasama," pagmamadali nitong sabi.
Ang kalmadong mukha ng doctor ay napalitan ng galit kaya't walang alinlangan itong lumabas at sumunod ang iba pa.
"Lagot!" At mabilis ding lumabas ang dalaga sa ilalim ng lamesa.
Tumingin siya sa mga gamit na nasa ibabaw ng lamesa at nakita niya ang mga kristal na lalagyan na may iba't ibang likidong makulay. Sa isip nito, bahala na. Kinuha niya ang may asul, lila at pulang likido.
"Hanapin ang babae, hindi siya basta-basta makakaalis!" narinig ni Jhenn na sigaw ng doctor sa labas.
Napatingin ang dalaga sa isa pang pinto na may nakasulat na Computer Room. Mabilis siya doong pumasok at nakita ang napakaraming T.V's screen kung saan napapanood ang loob at labas ng tower.
"Kailangan ko itong masira." Bigkas niya at lumapit sa nag-iisang monitor. Pinindot niya ang button subalit ayaw bumukas para kunin niya sana ang disk kung saan nalalagay ang records ng mga CCTV. "Bwisit!" inis niyang sabi.
Nagmasid siya sa paligid at nakita niya ang hawak na mga likido. Pinili niya ang pula at ibinuhos ang laman nito sa keyboard at monitor. Tila nagkaroon ng brownout dahil sa pagputok ng mga T.V's screen.
"Hah!" pasigaw niya dahil sa mga elektrisidad na lumalabas doon.
Lumabas siya sa pintong iyon at tumambad sa kanya si Dr. Lertez. Galit na galit ang mga mata nito. Ngunit hindi nagpakita ng takot ang dalaga dahil mas nanaisin niyang mamatay ng may nagawa at natapos. Nasa likod niya ang mga kamay na may mga likido.
"Jhenn, ang tagal na kitang inaalagaan pero hindi ko pa rin makuha ang tiwala mo. Ang tagal mo na sa poder ko pero nakaisip ka pang gawin ang mga 'to!" sigaw ng Doctor.
"Hindi ko kailangan ng isang baliw!" pasigaw din ni Jhenn na tila nainsulto ito.
Lumapit ang doctor sa may switch ng ilaw. Akma niya na iyong pipindutin.
"Talaga? Tingnan natin." At sa pagpindot ay namatay ang lahat mg ilaw sa laboratoryong kinalalagyan nila.
Wala kahit isang makita ang dalaga. Yumuko siya at nakiramdam dahil alam niyang may gagawin ang Dr. Lertez na ito sa kanya.
SA PANIG nila Kristine ay nagpapatuloy ang mga ito sa paglalakad. May narinig silang mga pagkaluskos sa buong paligid.
"Ano 'yon?" patanong ni Jonelyn.
"Hindi ba't patibong ang—" napatigil si Mrs. Cassandra ng may bala ng palaso ang malapit ng tumama sa kanila at tumusok lamang sa isang puno.
"Yumuko kayo!" sigaw ni Sir Jude at sinunod iyon ng tatlong babae.
Nanatiling nakatayo ang mag-ama. Mabilis na itinaas ni Sir Jude ang shotgun at palaso kay Jhanjo. Nagsihanda sila at paikot na naglakad para makita kung sino ang nais pumatay sa kanila.
"Huli ka!" sigaw ng binata kasabay ng pagbitaw ng bala patungo sa nagtataasang mga damo.
Ngunit hindi niya iyon natamaan at mabilis na lumakad ang kanyang sana'y nais mapaslang. Isang mabilis na takbo ang ginawa ni Jhanjo upang sundan ito ngunit hindi pa siya nakakalapit sa nagtataasang damo nang may isang patalim ang tumama sa kanyang kanang braso.
"Hah!" nabitawan niya ang sandata at napahawak sa mahapding pinsala.
"Jhanjo!" si Kristine na ang lumapit ang nagmasid sa paligid sapagkat may nais ding barilin si Sir Jude sa kinalalagyan.
Nakita ng dalaga ang pagbato ng isang kamay sa hawak nitong kutsilyo at bago siya sana tamaan ay mabilis siyang umiwas. Pupulutin sana ni Jhanjo ang palaso ngunit naunahan siya ni Kristine. Nasanay ang dalaga sa mabilis na paglagay ng bala at pinakawalan sa tatakas na misteryosong kalaban. Tinamaan niya iyon sa likod at mabilis na bumagsak sa lupa.
"Kristine?" namamangha si Jhanjo.
"Sa likod ninyo!" pasigaw ni Mrs. Cassandra at umalingawngaw ang malakas na putok.
Umuusok pa ang dulo ng shotgun dahil sa ginawa ni Sir Jude mula sa pagbaril sa lalaking maghahagis ng patalim kina Jhanjo at Kristine.
"Kami na lang." Pinigil ni Kristine ang pagtayo ng binata at mahigpit niyang hinawakan ang palaso.
Hindi naman makatayo sina Mrs. Cassandra at Jonelyn sapagkat mga spear lang ang hawak nila. Gumapang sa kanila si Jhanjo papalapit. Tingin sa kanan at kaliwa ang ginawa nila Kristine at Sir Jude upang maipon sila sa isang grupo.
"Makinig ka Kristine, mukhang ito na ang patibong na ipinalit nila upang walang may makapasok sa pupuntahan nating tower." Pagkasabi ay ipinutok nito ang baril na hawak sa kung saan. "Ginagamit ng mga kalaban natin ang mga puno at halamang nakapaligid dito. Mabibilis sila, nakapagtataka," dagdag nito.
Hindi agad nakapagsalita ang dalaga at muling nagpakawala ng bala ng palaso sa nakitang nilalang sa likod ng puno. Napansin ni Jhanjo ang pagsulyap ng taong may itim na takip sa mukha kaya't mabilis niyang inagaw sa guro ang spear at malakas na inihagis doon. Natamaan niya iyon sa tiyan at bumagsak sa lupa. Lahat sila ay kinakabahan ngunit dapat nilang pairalin ang tapang.
Napakahigpit ng pagkakahawak ni Jhanjo sa sugat dahil nag-iinit iyon. Alam niyang may lason ang patalim na tumama sa kanya. Pinunit nito ang damit at nagpatulong kay Mrs. Cassandra na itali ang itaas na bahagi ng sugat upang mapigil ang pagkalat ng lason. Sandaling nagkaroon ng katahimikan at mukhang wala ng may nais lumusob. Nagmamasid pa rin ang mga mata nilang lahat lalo na kina Sir Jude at Kristine. Tumayo na si Jhanjo at dalawang Spear ang mahigpit na hinawakan. Hindi niya ramdam ang pinsala at hindi siya papayag na tanging ang ama at si Kristine lamang ang dapat makipagsapalaran para sa lahat. Napasulyap siya sa seryosong mga mata ng dalaga. Mula noong una niyang nakita ito ay talaga bilib at mangha siya sa galing at tapang nito. Napatitig sa kanya si Kristine at ibinalik niya ang tingin sa paligid.
Napangiti siya ng lihim.
—————————————
A/N: Umpisa uli ng kanilang adventure. Suportahan po natin. 😂
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Tajemnica / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...