CHAPTER 32

391 38 9
                                    

ANG MULING PAGKIKITA-KITA

PAPALAPIT na kay Kristine ang halimaw na babae na tinawag nitong Jeaneth at tila napatulala siya sa mga mata nito. Pinagmamasdan niya lamang itong mabuti.

"Kristine!" At itinulak ng malakas ni Sir Jude ang halimaw na babae.

Saka lamang nagbalik sa ulirat ang dalaga. Napapatitig sina Mrs. Cassandra sa muling pagbangon nito at titig na titig sa kanila ang mapupula nitong mga mata. Gumagalaw pa ang mga naglalakihang ugat sa mukha, mga kamay at buong katawan.

"Huwag, Jeaneth! Ako 'to, si Kristine." Pagpipigil ng dalaga at itinaas ang dalawang mga kamay.

Tila nahinto sandali sa pabali-baling ulo ng babae at tumitig pa sa kanya ng mabuti.

"K-kristine?" ngumiti ito ng walang katotohanan.

Makikita ang mga matatalim at maiitim nitong mga ngipin. Napakasama ng pagkakangiti nito at nakakatakot tingnan.

"Oo, ako 'to. Siya ang ating guro, si Mrs. Cassandra." Pagtuturo nito sa guro.

Tumayo si Jhanjo at naghanda dahil alam nilang mag-ama na hindi na ito ordinaryong nilalang. Dahan-dahang lumalapit ang dalaga patungo rito at iniabot ang kanang kamay.

"Naaalala mo na ba kami? Kaytagal n'yong nawala ni Jhenn. Alam mo ba kung nasaan siya?" patanong ni Kristine at nagpaikot-ikot lamang ng mabagal ang mata ng halimaw kasabay sa paggalaw ng ulo.

Tumingin ang halimaw sa iniabot niyang kamay. Inilapat nito ang kamay doon at hinawakan ng mahigpit.

"Kristine." Kinakabahan si Sir Jude at inihanda ang shotgun.

Muling ngumiti ang halimaw at malakas na hinatak ang dalaga.

"Jeaneth!" pabigla niya. "Aray!" sabay ding sigaw ng kagatin siya nito sa braso.

Hinatak ni Jhanjo ang dalaga at natanggal ang braso nito sa kagat ng nagtatalimang ngipin. Isang pindot ang ginawa ni Sir Jude at sumabog ang ulo nito kasabay ng pagbagsak sa lupa. Umusok pa iyon at nagkalat sa sahig ang berdeng dugo.

"Kristine!" At gamit ang piraso ng tela mula sa damit ay mabilis iyong itinali ni Jhanjo upang mapigil ang pagdurugo.

Napatingin ang dalaga sa bangkay ng halimaw na kaibigan. Halos hindi niya naman maramdaman ang sakit sa kagat nito kundi ang mas nangunguna sa kanya ay ang galit dahil hindi na ito ang dating Jeaneth.

"Sino ba siya? At bakit ka nagpadala sa mga titig niya?" nag-aalalang tanong ni Sir Jude habang tinutulungang takpan ang sugat ng dalaga.

"Siya nga si Jeaneth." Tumingin si Kristine kay Mrs. Cassandra at muli na naman siyang napaluha. "Bakit gano'n? Bakit naging halimaw din siya? Bakit? Si Jhenn, ano na kayang nangyari sa kanya?" patuloy nitong hikbi.

Hindi nakapaglabas ng tinig ang guro nang marinig ang pangalan ng anak at makita ang halimaw na si Jeaneth. Ito kasi ang kasama ng pinakamamahal na anak noong magbakasyon ito dito sa Isla. Hindi lang babae kundi marami sila na mayroon ding mga lalaki. Si Jeaneth ay isa rin sa pinakamatalik na kaibigan ni Kristine at tagapagtanggol noon kung aapihin ni Stephanie at pagsasabihan ng hindi maganda. Inalalayan nila Jhanjo sa pagtayo ang dalaga at tinitigan ang dalawang pintong natitira. Napahawak si Kristine sa braso pero hindi niya ininda iyon at muling pinanghawakan ang latigo.

Hindi ko mapapatawad, Jeaneth ang gumawa sa 'yo niyan, panagako sa isip ni Kristine.

NAPATIGIL ang dalawa nang makarinig ng isang malakas na pagputok ng baril. Alam ni Kris kung kanino nagmula iyon.

"Nandito na sila Sir Jude." Napangiti siya at tila nawala lahat ng takot at pangamba nito.

"Huh? Sino?" pagtataka ni Jhenn.

"Si Sir Jude, Ang naghatid sa amin na matagal ding nanirahan dito sa Isla. Kasama niya ang mga matatalik mong kaibigan gaya ni Kristine at syempre, ang mommy mong si Mrs. Cassandra." Si Kris.

"Talaga?" Hindi rin maikukumpara ang sayang makikita sa mukha ng dalaga. "Kung gano'n, kailangang tayo ang una nilang makita." Napahawak si Jhenn sa kamay ni Kris nang mahigpit at halata rito ang pagka-excite.

Ngumiti na lamang ang binata at sumunod ito sa napili at nabasang pinto. Pagpasok ay may dalawang hagdan ang maaaring daanan. Sa itaas at isa sa ilalim na pababa.

"Saan tayong hagdan?" nagtataka si Kris dahil nasa itaas pala silang bahagi ng tower.

"Sa ibaba tayo. Kailangan nating agad na mahanap sila mommy." At walang alinlangang humakbang pababa si Jhenn na hawak pa rin ang kamay ng binata.

SA PANIG nila Dr. Lertez.

"Doctor, malapit na po silang makawala mula sa pagkakadena!" sigaw ng babaeng scientist.

"Lumabas na kayo at magtungo sa ikatlong palapag ng tower. Nandoon ang sunod kong laboratoryo at hayaan n'yo lamang makatakas ang mga nagugutom na halimaw!" sigaw nito at dali-daling nagsilabasan at kumilos ang lahat ng scientist.

Nagkaroon na rin ng basag ang kristal na lalagyam dahil sa malakas na pagwawala ni Mariane at ng iba pang tao sa loob.

"Ano pong gagawin natin dito kay Winston?" tanong ng dalawang scientist sa doctor.

"Isasama natin siya sa itaas dahil may gagawin akong maganda bukod sa mga sorpresang sasalubong kina Jude. Sa kanya marahil nagmula ang putok na baril at kung malagpasan man ng grupo niya ang mga halimaw sa mga sikreyong pinto, haharapin nila ang halimaw na walang kamaytayan." At humalakhak ito ng pagkalakas-lakas.

Naputol na ang kadena sa mga paa ng barkada ni Kris. Tuluyan na ring nabasag ang kristal na lalagyan. Papaakyat na sina Dr. Lertez at ibang scientist sa ikatlong palapag gamit ang hagdan. Isinara nila ang bawat pintong dinaanan.

"Tingnan lang natin, Jude ang ikalawa mong pagsugod sa teritoryo ko!" ngingiti-ngiti nitong pagkakasabi.

SA PANIG muli nila Sir Jude.

"May hagdan patungo sa itaas." At tumingin silang apat doon.

"Akyatin na natin, ama. Baka papunta 'yan sa lungga ni lolo at laboratoryo," wika ni Jhanjo.

"Oo, pero baka patungo rin 'yan sa likhaan ng mga mababagsik na mga halimaw," halata sa mukha ng lalaki ang pag-aalala.

"Ngunit wala na po tayong pagpipilian, Sir Jude. Sa dalawang pintong nasa harap natin ay baka mga halimaw ang tumambad sa atin," singit ni Mrs. Cassandra.

"Sang-ayon din ako, Sir Jude," buong-loob na sabi ni Kristine.

"Kung gano'n, tayo na." At sinimulan muli ng lalaki ang paglakad.

Ngunit hindi pa man sila nakakaapak sa apakan ng unang hagdan ay nakarinig sila ng tila mga taong pababa.

"Hinto." Pagpipigil ni sir Jude. "May paparating, magtago muna tayo, bilis!" Bigkas nito, umatras sila at pinihit muli ang pintong dinaanan kanina.

Sinilip lang nila mula sa pinto ang mga yapak na pababa sa hagdan at tila nagmamadali ang mga iyon.

"Huh?" malakas na pagkabog sa dibdib ang naramdaman ni kristine nang mamukhaan ang mga bumababa ng hagdan.

"Kris at Jhenn?" patanong niya at nang tuluyang lumantad ang dalawa ay napalabas sila sa pinagtataguang pinto.

"Kristine? Mommy?" Napatigil si Jhenn at hindi maipaliwanag na kaligayahan ang labis na nararamdaman niya.

"Anak?" tila huminto ang mundo ng guro.

Dali-daling humakbang pababa ang dalawa at isang mahigpit na yakap kasabay ng luha ang pinagsaluhan nila Mrs. Cassandra at ng anak nitong si Jhenn dahil sa matagal na panahong hindi nagkita ang mga ito.

"Kris!" At hindi pa man nakakayakap si Kristine sa binata ay labis na ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

Ngumiti ang binata at niyakap niya rin ito ng sobrang higpit. Ramdam nila ang ligayang hindi matatawaran. Halos hindi na maghiwalay ang mag-ina dahil alam nilang hindi sila nananaginip ng mga oras na iyon.

-------------
A/N: Naiiyak na rin ako. Happy ending na kaya? Wait, wait! There's more! 😍

Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon