MABABAGSIK NA HALIMAW
"DIYOS KO, pati sina Gemini, Jerry at Marjon, nawawala!" pasigaw ni Mrs. Cassandra at lahat sila'y naglabasan.
Nakita na lamang nila ang mga baril ng tatlo sa lupa.
"Ganitong-ganito ang nangyari sa amin dati. Kung ginulat at kinuha nila ang iba sa atin, marahil ay doon din sila dinala kung saan ako tumakas," wika ni Sir Jude.
"Ano na ang gagawin natin. Natatakot na ako," bigkas ni Jonelyn na nakayakap sa mga kaibigan.
"Maging kalma muna tayo. Huwag nating isiping may gagawin ang dumukot sa kanila. Kailangan nating umisip ng paraan at magplano ng maayos," mahinahong tinig ni Kristine.
Hindi sila naglayo sa isa't isa. Pinagmasdan lang nila ang buong paligid. Bakas pa sa lupa ang paghatak sa kanilang mga kaibigan.
"Susundan natin kung saan 'yan patungo," wika ni Mrs. Cassandra.
"Hindi," sambit ng dalaga na ikinagulat nila. "Hindi natin susundan 'yan dahil siguradong mapapahamak tayo. Kailangang makalayo tayo rito. Hindi n'yo ba nakuha ang nais ng pagdukot?" patanong ni Kristine.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Sir Jude.
"Mga kalalakihan ang kinuha nila sa atin dahil alam nilang may magtatanggol." Pinulot ng dalaga ang isang baril. "Mga baliw na scientist ang may gawa nito," dagdag niya.
"Sang-ayon ako sa iniisip mo." Pinulot din ni Mrs. Cassandra ang isa pang baril.
Ang isa pa ay kay Sir Jude. Nagkatinginan sila at tinitigan ang bahay.
"Ginagamit nila marahil ang hindi natin alam. Tulad ng bahay na 'yan at ng mga puno sa kagubatan. Kailangan nating makarating ng mabilis sa tower dahil 'yon marahil ang nais nila sapagkat dinukot nila ang iba sa atin at naniniwala akong hindi sila gagalawin hangga't hindi pa tayo dumarating," salaysay ni Kristine.
"Paano kami? Wala kaming panlaban," bigkas ni Andrei.
"Oo nga. 'Yung sinasabi mo, Sir Jude na ituturo mo sa amin?" tanong ni Mariane.
"Marami akong nalalaman sa mga sandata. Pero kailangan nating mahanap ang mga materyal para magawa iyon," tugon nito.
"Sige, bilisan na natin ang paghahanap," wika ni Jonelyn.
Una ng lumakad si Kristine at sinundan iyon ng mga kasamahan. Pinasok nila ang mapunong gubat. Nagmasid sila sa maaaring sumugod sa kanila. Ilang sandali na lang ay sasapit na ang gabi.
"Saan tayo magtatayo ng tent? Malapit nang gumabi. Delikado kung magpapatuloy tayo," wika ni Mrs. Cassandra.
"May hinahanap pa akong isang lugar." Tugon ni Sir Jude na panay ang masid sa paligid.
Kinuha ni Kristine ang mapa at binuklat iyon. Tiningnan niya kung nasaan sila ngayon. Ginamit niya ang daliri na magsisilbing sila.
"Ito 'yong tulay na dinaanan natin." Una niyang turo. "Tapos ito 'yong bahay. Dumaan tayo rito 'tapos..." huminto siya sa pagturo ng makita ang bungo.
Nagkatinginan sila at walang may gumalaw na kahit isa sa kanila.
"Nakatungtong tayo sa may simbolo ng bungo, wala munang may maglalakad," bigkas ni Kristine.
Pinagmasdan niya ang kanilang inaapakan. Tumingin din siya sa itaas. Nagtataka siya kung bakit parang wala namang kahit na anong patibong o mangyayaring hindi maganda. Tumingin ulit siya sa hawak na mapa. Nakita niya ang simbolo ng kuweba na matatagpuan hindi kalayuan sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Misterio / SuspensoSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...