CHAPTER 29

425 38 10
                                    

ANG BAGONG KALABAN

UMALINGAWNGAW muli ang malalakas na pagputok. Nagliparan ang mga bala ng palaso na nasa kamay ni Kristine at ang spear mula kay Jhanjo.

"Maging alerto kayo!" pasigaw ni Sir Jude.

Kahit sa itaas ng puno ay tila mga ibong pinana ang mga kalabang nahuhulog. Halos hindi makaalis sa kinatutungtungan ang grupo. Inihagis ni Jhanjo ang unang patalim sa taong muling lumabas sa nagtataasang damo at tumama iyon sa ulo. May spear na lumipad patungo kina Mrs. Cassandra at mabilis iyong sinipa ni Kristine palayo.

"Salamat," sambit ng guro.

"Wala ba silang kaubusan?" nagtataka na ang dalaga.

"Mayroon at-" natigil si Sir Jude.

"Kristine!" nakita ni Jonelyn ang pagbato ng spear kaya't mabilis siyang tumayo at niyakap ang kaibigan at bago pa man sila matumba ay tinamaan na siya sa likod.

Napatingin si Jhanjo sa naghagis at mabilis niyang ginantihan ng patalim at tinamaan ito sa leeg.

"Jonelyn!" gulat na sigaw ng guro.

Nakahiga si Kristine at nasa itaas niya ang kaibigan. Napangiti pa ito bago lumabas ang dugo sa bibig at ilong.

"J-jonelyn?" at pinaupo ito ng dalaga. "Huwag, hindi ka puwedeng mawala." Tumulo na ang luha sa mga ng dalaga.

"K-kristine." Napapikit na ang mga mata nito. "Iligtas n'yo ang The Hunters at si Jhenn lalo na 'yung pinakamamahal ko." At tuluyan itong nalagutan ng hininga dahil sa lasong taglay ng sandatang nakabaon pa sa kanyang likod.

"Hindi, Jonelyn!" naghihimutok ang damdamin ng dalaga at niyakap niya ito ng mahigpit.

Binunot niya ang spear na nasa likod nito. Gusto mang manghina ng dalaga subalit hindi maaari dahil ang pagkawala ng kanyang mga kaibigan ay hindi niya mapapatawad ang gumawa sa mga ito. Inihiga niya ito sa lupa at agad siyang tumayo. Nakita niya sa itaas ng puno ang taong may takip sa mukha. Bago iyon tumalon ay natamaan niya ito mula sa inihagis na spear. Nahulog ito sa puno na wala ng buhay.

"Humanda kayo." Kakaiba ang galit na mukha ni Kristine.

Niyakap na rin ng guro ang bangkay ni Jonelyn. Kitang-kita nila Sir Jude at Jhanjo ang mga matang puno ng galit. Ang kilos ng dalaga ay mas naging mapangahas at ang bawat makikita ng kanyang mga mata ay hindi nakakalusot at nakakatakas. Sa dami ng napabagsak ni Kristine ay halos maubos na ang bala ng palaso nito. Huling bala, huling pagputok at paghagis ng patalim ay natigil ang ingay na maririnig. Pinulot naman ng dalaga ang latigo at hindi ito makikitaan ng pagod. Lumipas ang sandali ngunit wala na muling may nagtangkang sumugod dahil mukhang naubos nila ang mga unang kalaban.

"Lumabas kayo! Labas!" pinaghahampas ni Kristine ng latigo ang mga puno at mga halaman.

"Kristine, tama na! Wala na sila, tapos na." Niyakap ni Jhanjo sa likod ang dalaga upang kumalma.

Natigil naman ito ngunit muling maririnig ang tinig nitong humihikbi. Hinigpitan pa ng binata ang pagyakap dito. Ibinaba na ni Sir Jude ang baril at lumapit kina Mrs. Cassandra. Napakabilis ng mga pangyayari at napakaraming katawan ang nagbagsakan sa kanilang kapaligiran. Lumipas pa ang sandali. Inilibing nila ang katawan ni Jonelyn. Nakaupo si Kristine at tulala.

"Kaya pala tila hindi tayo nais padaanin sa mga nakaharang na mga puno't halaman ay dahil nandirito na tayo sa poder ng mga baliw na scientist." Ngiting sabi ni Sir Jude at itinuro ang napakataas na tower ilang metro lamang ang layo.

Napatayo at napatingin doon sina Mrs. Cassandra, Jhanjo at Kristine. Napangiti rin sila dahil sa wakas ay narating din nila ang nais tunguhin kanina pa. Huminga ng malalim ang dalaga. Tila masama ang pakiramdam niya ngayong patungo na sila sa lungga ng mga kalaban.

Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon