ANG LATING MAY KULANG
BUMITAW sa pagkakayakap si Mrs. Cassandra. Hinimas niya ang pisngi at buhok ng anak. Ito nga si Jhenn.
"Kaytagal anak, kaytagal kitang pinahanap," wika nito.
"Salamat, mommy." At muli niya itong niyakap.
Sunod na napatingin ang dalaga kay Kristine. Kakaibang saya rin nang muli niyang makita ang matalik na kaibigan. Lumapit siya rito at niyakap ng mahigpit.
"Jhenn!" Gumanti rin si Kristine.
"Mas labis din kitang pinasasalamatan dahil handa kang magsakripisyo para lang mahanap at mailigtas ako. Maraming salamat talaga, Kristine," bigkas nito.
"Walang anuman 'yon. Hindi ko matiis na hanggang sa panaginip ay naghihirap ka at humihingi ng tulong dahil alam kong magkikita-kita pa tayo." Bumitaw ito sa yakap.
Napatingin si Jhenn sa kanila. Hindi niya kilala sina Sir Jude at Jhanjo pero bakit apat lamang silang magkakasama.
"Nasaan na 'yong iba? Kayo lang ba?" pagtataka ni Jhenn.
Napayuko si Kristine at ang matamis na ngiti ay napalitan ng lungkot. Hinawakan siya sa magkabilang balikat ni Jhenn at nginitian.
"Nauunawaan ko na. Bilib nga ako sa katapangan ninyo dahil nagawa ninyong malagpasan ang mga sorpresa ni Dr. Lertez," ngiting sabi ni Jhenn.
Si Kristine din ay nagtataka kung bakit wala ang The Hunters Group na dapat ay kasama nila Kris.
"Si Gemini, Jerry at Marjon? Nasaan sila, Kris?" ngiting tanong ng dalaga.
Ikuwenento lahat ni Kris ang kanilang pinagdaanan nang subukan nilang tumakas sa tower na kinalalagyan. Ang nangyari kina Stephanie at ang kinalalagyan ngayon ng The Hunters Group pati na si Mariane. Hindi maipaliwanag ang galit sa mukha ni Kristine.
"Sumusobra na talaga sila, humanda sa akin ang Dr. Lertez na sinasabi n'yo kapag nagkaharap kami," matapang na bigkas nito.
Ipinakilala ni Mrs. Cassandra sina Sir Jude at Jhanjo kay Jhenn. Namangha si Jhenn sa katapangan ng matipunong si Jhanjo. Inabot ng binata ang kanyang kamay.
"Tunay ngang isang prinsesa ang dapat naming iligtas dahil sa taglay mong kagandahan." Namula si Jhenn sa mga salita nito.
"Prinsesa talaga?" ngiti niyang sabi.
Lumapit si Kris kay Sir Jude at iniabot ang dalawang nakarolyong papel na may kasulatang Latin.
"Saan mo nakuha 'to?" napatitig si Sir Jude sa binata habang binubuklat iyon. "Ang isang ito ang kinuha ni Winston mula sa atin at ang isa pa ay ang nasa kamay ni Dr. Lertez. Hindi ko aakalaing mapanghahawakan natin ito at—" natigil si Sir Jude sa pagsasalita nang makarinig sila ng mga nakakapangilabot na mga ungol ng hindi mailalarawang mga halimaw.
"Ano 'yon? Nakakatakot pakinggan." Napatakip sa tainga si Jhenn.
"Baka sila na 'yong pagbabagong anyo nila Gemini, Jerry at Marjon. Kailangan na nating umalis!" pasigaw ni Kris dahil tila papalapit sa kanila ang ingay na palipat-lipat ng direksyon.
"Nasa itaas sila Dr. Lertez at maaaring nasa labas na ang mga halimaw dahil alam kong iyon ang gagawin ng ama ni Rozell." Pinagdugtong ni sir Jude ang dalawang papel. "Alam ko ring ito ang kasagutan sa lahat ng misteryo sa Islang ito." At sinimulan niyang basahin iyon.
Lumapit si Jhenn upang tumulong pero hindi nila mabuo ang bawat pangungusap sapagkat tila putol ito sa gitna.
"Ang kamatayan ay..." hindi magawang maituloy ni Jhenn dahil ibang salita ang susunod.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Mystery / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...