MANLILINLANG, SALAMIN!
ISANG malaking pagtataka rin ang naramdaman niya.
"Ibig n'yo pong sabihin na pinag-aralan din kayo ng mga baliw na scientist?" kabang tanong ni Kristine.
"Marahil sapagkat ang huli kong naalala ay may mga ilaw na nakaharap sa akin. Paggising ko ay nasa gitna na ako ng kagubatan. Sa paglipas lamang ng mahabang panahon unti-unting nanunumbalik ngunit hindi ang kabuuan kundi ang pahapyaw lang ng lahat ng mga nangyari," tugon nito.
Mas lalo na nila itong naintindihan. Matapos titigan ng dalaga ay muli niyang ibinaling ang tingin sa madilim na kagubatan.
"Maglipit na tayo at umalis dito." Bigkas nito sabay lakad pabalik ng tent.
Ipinasok niya sa gilid ng bulsa ang patalim na ginamit sa halimaw. Sumunod ang iba nitong kasamahan.
"Saan naman tayo magtutungo?" tanong ng guro.
"Sa ligtas na lugar po. Hindi rito na maraming matang nagmamasid na kung wala 'yong misteryosong lalaki ay naubos na tayo," tugon ng dalaga.
Nang mailigpit ang lahat at may sari-sariling dala ay binuksan na nila ang mga hawak na flashlight. Tiningnan ni Kristine ang mapa at tinahak nila ang hilagang direksyon. May tiwala siya at alam niyang sumusunod lang ang lalaki sa kanila para tulungang muli kung may mangyaring hindi maganda.
Iniilawan nila ang paligid na nakakatakot pagmasdan. Nagre-reflect pa ang liwanag sa mga ng insekto at ibon na minsan ay ikinagugulat nila.
"Malayo pa ba?" tanong ni Sir Jude.
"Malapit pa po, mga ilang hakbang pa," tugon ng dalaga.
Napahinto sila dahil sa wala ng daanan. Isang malaking bato na lang ang nasa harapan nila.
"Nasaan dito ang kuweba?" pagtataka ni Mrs. Cassandra.
Inilawan ni Kristine ang mapa at nandidito na nga sila. Pero bakit wala silang nakikitang kuweba?
"Guys, may butas papunta sa ilalim!" pasigaw ni Andrei at tumingin din ang iba roon.
Sabay-sabay nila iyong inilawan at talagag napakalalim.
"Baka iyan ang tinutukoy ng mapang ito. Tara't subukan natin." Wika ni Kristine at binuksan ang bag ni Kris na dinala nito.
"Ano'ng gagawin natin?" patanong ni Jonelyn.
"Papasukin natin ang loob upang malaman kung totoo ang sinasabi ng mapang ito." Pagtuturo ng dalaga sa inilapag sa lupa.
Inilabas niya ang isang makapal at mahabang lubid. Pinatali niya ang dulo nito sa matibay na puno. Ipinasok niya naman sa loob ng butas ang kabilang dulo.
"Handa na kayo?" paniniguro ng dalaga.
"Natatakot ako, Kristine. Baka may kung ano na naman tayong makaharap diyan," tugon ni Mariane.
"Tama, madilim pa naman," pagdagdag ni Andrei.
"Kailangan nating maging matapang sa Islang ito. Hindi lang ang mga halimaw o baliw na scientist ang papatay sa iyo rito kundi pati ang takot na dinaramdam mo." Salaysay nito upang mabuhayan ng loob ang mga ito.
"Sang-ayon ako sa sinabi ni Kristine. Ang katapangan at pananalig sa Diyos ang susi para matuklasan pa natin ang mga paraan para matapos ang lahat," bigkas ni Sir Jude.
"Ganoon din ako. Isipin n'yo na lang na isa itong laro at kailangan nating manalo para makuha ang premyo. 'Yon ay ang aking anak na kaibigan ninyong si Jhenn." Bahagyang humakbang.
BINABASA MO ANG
Mystery in Island (Completed)
Mystery / ThrillerSa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na...