~Sky.
Tamihik lang ako na nakaupo sa kotse, nilalanghap ko ang simoy...
ng aircon.
"Anak, okay kalang ba dyan?" sabi nung tatay.. ko daw
"Yea." sagot ko.
"Ako ang yong daddy kier, matagal na panahon kadin naming hinanap ng mommy mo." sabi ni err. daddy kier
"tama anak, ako nman ang yong mommy lyn. Napakalaki ng pagkukulang nmin sayo anak labing apat na taon... labing apat na taon ang nasayang" halos maiiyak na si err.. mommy lyn
"3 taon ka non at nasa mall tayo nagkagulo non dahil may Barilan na nangyare sobrang daming tao hndi nmin alam ang gagawin nung pagtingin ng mommy mo hndi kna nakakapit sa kanya" sabi nung daddy.
"oo anak, mabuti nlang at may kumupkop sayo kahit ganon lang pamumuhay nyo" mommy.
"Oo nga ho eh. kahit pinapaddle ako araw araw ni nanay" bulong ko.
"Hayaan mo anak, gagawin namin lahat para makabawi sayo.. ibibigay namin lahat ng gusto mo"
"wala nman ho akong ibang gusto.. sana lang ho hayaan kong dalasan ang pagdalaw kela tatay at sa mga kaibigan ko." sagot ko.
"Oo nman anak.. walang problema" sabi nila
Lumiko yung sasakyan sa isang pamilyar na Subdivision. ay potek! akala ko malayo lang kami dito din pala sa Pinagtatambayan namen -.-
Bumusina si Daddy sa tapat ng pamilyar na bahay at automatic na bumukas ito. Eh eto yung bahay na Nakita nmin kagabe eh. haysxzc kwento nga nman sa Wattpad!
Ang ganda ng Bahay at sobrang lake. Pumasok kami sa Pintuan at Tumambad ang mga mamahaling furnitures na nakikita ko lang sa Tv.
"Simula ngayon anak, dito ka na enjoyin mo ang Pagtira dito ha." sabi ni mommy lyn.
"Oo nman yes hmmm opo .mommy." feeling close na sagot ko.
"halika kumain muna tayo at baka gutom kna"
Dinala nila ako sa Dining room. Wow! as in wow! Wow lang bket ba!
Naghain ang mga katulong ng mga Masasarap na pagkain na kinakain lang nmen pag Newyear o kaya ay pag may pakain sila Mayor hihi.
almusal lang pala sa kanila yon!
Bongga!
"Manang, nasan si Codey Caden at Shin?"
" We're here mom." lumapit kay mommy ang dalawang Pinagbiyak na arinola.
"Caden, Codey Natatandaan nyo pa sya?" dad
Masuri akong tinignan ng Dalawa.
"Ah! ikaw yung Napepedicure samen diba?" sagot nung may nunal sa gilid na ilalim ng baba.
ay gago? Mukha ba kong kuko para sabihin na nagpepedicure? DUH!!
"Hindi codey, sya si---"
"Ah! ikaw yung.. teka sino ka nga ulet? ah! yung nagpepedicure!" sabi nman nung isa at talagang inulit mo pa ha!
"Kidds! Sya yung twin Sister nyo si Cameron!" sabi ni mommy.
Mukha nmang gulat na Gulat yung dalawa. at ako din pala nagulat HAAAA? cameron true name ko?
"Totoo po?" tanung ko.
"Oo mga kakambal mo sila. Ayan oh para kayong mga xerox copy!" daddy.