TRENTA Y SYETE. (Cheat?)

7.5K 166 7
                                        

~Sky.

Maaga ako nagising. Namamahay siguro ako. Naligo ako at nagbihis.

Nagshort ako at Manipis na White plain t-shirt para kita yung Swim suit ko mehehe. Si Shin borlog padin! Paglabas ko ng kwarto wala pa ngang gising Pumunta ako sa kwarto nila blight at ayun si caden ang katabi, pumunta nman ako sa kwarto nila codey walang tao.

Nasan kaya si Codey at Sunshine?!

Si ivy at light naman ayun! magkayakap. tsk tsk nagpartner partner na nga!!!

Pumunta muna ako sa resort para Maglakad lakad. Ganda din dito eh madaming torista na nakakalat.

Sinuot ko yung shades ko medyo mainit na din kase, Madaming tumatango na Foreigner sakin mga feeling close pwe!

May Coffee shop dun at nagpunta ako.

May lumapit sa akin na Crew.

"GoodMorning mam" tumango naman ako.

Umorder ako ng Kape, Yung yummy. Mahilig kase ako magkape dati pa kabaligtaran ko si Shin.

"Sky?" lumingon ako sa tumawag sakin.

Si Yumi pala.

Ang Hot nya tignan sa two piece na suot nya na natatakpan ng Citro.

Erase Erase! Mas Hot si Shin!!!!!

"Sabi na nga ba nandito kayo eh! nakita ko kase last night si Caden at yung Friend mo!" Nakiupo din sya sa Table na inuupuan ko.

Tumango lang ako.

"Blooming ka ah! ang Hot mong tignan." bigla na naman akong kinilig.

"Ano ka ba hindi naman!" tinanggal ko yung suot ko shades at nakita ko ang pagkagat nya sa lower lip nya.

"Sino kasama mo?" tanung nya.

"Wala ako lang. Kagigising ko lang kase, Naglakad lakad ako tapos nadaanan ko 'tong coffee shop"

"Mahilig ka din sa Coffee?"

"Oo naman yes." at tumawa sya.

"Same tayo, buti dito kayo nag-spend ng Sembreak nyo."

"Well, Nagkayayaan lang para na din walang gastos, samin din kase tong Resort na 'to" pagiging humble ko :3

"Really? sa inyo pala to, Pagkatapos mo mag coffee samahan mo naman ako! itour mo ako dito sa Resort nyo" eh? pano pag hinanap ako ni Shin?!

"Aaah.. ehh.."

"Ayaw mo ba?!" nagpuppy eyes pa sya

"Okay lang." malungkot nya akong tinignan.

Tumayo sya at akmang lalabas na ng Coffee Shop pero pinigilan ko sya.

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon