SINGKWENTA y SINGKO (The End)

10.7K 247 56
                                    

para kay akoociiapple hi bHoSzx! sZalaMat sa m64 cOmm3ntSxz :)))

an/ Hi! Sorry kung masyadong natagalan nahumaling kase ako sa Orange is the New black at nakalimutan kong may storya pa pala akong tinatapos dito sa wattpad XD btw last chapter na 'to sana po magustuhan nyo =))


------

Naglalakad ako nang may marinig akong isang hagikgik.

Napangiti ako.

Sobrang pamilyar sakin ng boses na yon .. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko sya si - Shin.. Malapad din ang pagkakangiti nya sa akin at parehas kaming naglalakad papalapit sa isa't isa.

Inihanda ko na ang mga bisig ko na nagaantay sa napakahigpit nyang yakap at ganun din sya nagmamadali syang lumapit sa --

Teka? Bat nilagpasan nya ako?!

Lumingon ako at nakita ko sya na yakap yakap ni race. Nakatingin sakin si race na parang nangaasar.

Hindi... Hindi maaari to! Shiiiiiiiiiiiiin!

"Putangina mo sige shabu pa!" Napatayo ako nang maramdaman ang tubig sa mukha ko, nakita ko si nanay na may hawak na pitsel. Dito ba ako natulog?!

"Nay naman! Bastusan?" Sabi ko habang pinupunasan ang mukha ko.

"Tanghali na sky! Hindi ka pa nagsasaing??! Ano? Ganyan ka nalang ha? Tatambay ka nalang kasama ng mga lukaret mong mga kaibigan? Wala ka bang pangarap sa buhay mo? Blablablablabla" nakashabu ba si nanay? Bakit bumalik yung dating sya? Pfft. Hindi ko nalang pinansin.

"Nay, anong breakfast? Kain muna ako saka ako uuwi sa bahay, baka hinahanap na ako nila mommy" nagtataka ako nang lapitan ako ni nanay at tinignan ng masama.

"Sky? Nabiktima ka na ba ng mga adik sa labas? Anong pinagsasabi mong bata ka?" Ha? Hindi ko talaga maintindihan si nanay?!!!

"Nay, si mommy si daddy si caden at si codey at si... Basta! Uuwi na nga lang ako ang weird nyo nay!" Nagwave ako at saka pumunta sa labas at sasakay na sa kotse.

Ay yung susi!

Bumalik ako sa bahay.

"Ano sky? May napala ka? Ano bang kagaguhan yan? Mommy daddy? Ano yon?"

"Nay naman! Pamilya ko! Diba?" Nataasan ko na sya ng boses dahil nakakatalkshit na.

"Pamilya? Sky... Ayoko sanang sabihin to sayo pero ampon ka lang namin ng tatay mo wala kang pamilya sky" napanganga ako

Ano bang nangyayare?

"Sky, wala kang pamilya iniwan ka na nila" malungkot na sabi sakin ni nanay

Iniwan..

Napapikit ako.

Iniwan? Oo siguro nga imagination ko lang lahat ng yon. Lalo na sya

Oo tama. Gawa gawa ko lang yon. Wala talagang nangloko sakin, hindi din ako iniwan at higit sa lahat hindi sya totoo, wala talagang shin na nanakit sakin...

"Sky!" Cloud?!

Pumikit ako sandali.

Hindi kaya nauulol na ako?!

"Huy! Tara na nanganak na si sunshine!" Si sunshine? Nanganak? Teka?!!!!

"Akala ko.." Binatukan nya ako.

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon