~Sky.
Tapos na ang oras ng pagddJ namin akalain mo nakaipon agad kami ng 3k plus?! Wahaha ang galing
namin.
Papunta kaming apat ngayon sa Auditorium tutugtog kasi Ang mga
kakambal ko, makita ko manlang yung Talent nila
Papasok palang kami may nakita akong pamilyar na nakatalikod. Nagkasalubong kami nung Nakapasok na kami parehas - si Shin oo si shin kasama yung ex nyang si Rodge. Tinignan ko sila at nakita nya din na tinitignan ko sila Pota! Anu 'to? kaya ba hindi sya nagpapakita kaya ba busy sya dahil sila na ulit ni Rodge? PUTANG INA NAMAN OH!
Umirap ako. wala na Sira na ang mood ko sa Nakita ko.
May ilan na din na nagperform at halos pagabi na din ..
Naiinis ako kay shin pinagtitripan nya lang ba yung nararamdaman ko?
"Huy. tahimik ka ata" si Yumi pala. Nakakausap ko sya nitong mga nakaraan. Mabait naman.
Ngumiti lang ako
"Congrats sa Booth nyo, bentang benta ah."
"Oo nga." pilit na ngumiti ako.
"Ganda ng boses mo!!" para naman akong kinilig sa sinabi ng Magandang gaya nya XD
Lumapit sya sa akin at Bumulong sa tenga ko.
"Crush na kita" bigla akong tumawa.
Kagaya ko din sya? Naatract din sya sa kapwa ko.
"Baka maniwala" sabi ko.
"Oo nga! and please lang wag kang ngumiti ng ganyan ang cutie patotie ng dimples mo!!!!" nanggigigil na sabi nya.
"Crazy." sabi ko nalang.
"Can i Pinch your cheeks?" bigla nyang kinurot yung pisngi ko. tsk! Nagpaalam pa!
"Excuse me" bigla dumaan sa pagitan namin ni Yumi si Shin hindi ko malaman kung Nananadya eh!
"I have to go, tinaguan ako ng slave ko eh sige" whoa Slave?!
Kinindatan muna nya ako saka sya umalis.
Napangiti naman ako. Cute din ni yumi at hindi ko maitatanggi na kinikilig ako~
"Diamond Shotgun" biglang lumabas si Caden na may hawak ng base guitar si Codey na Drummer at may iba pa silang ka-banda. Si Caden ang Vocalist.
Nagumpisa ng magtilian yung mga Babae.
"Putang ina mo codey!" narinig kong tili ni sunshine.
Kinakanta nila ngayon ang She Looks So Perfect ng 5sos. ang gwagwapo nga ng mga kakambal ko.
Nakikitalon ang mga studyante, nakikisabay din sila sa kanta hanggang sa magsiksikan. Biglang may humawak sa kamay ko ..
- Si Shin. Tinignan ko sya at umiwas din ako ng tingin.
Badtrip ako sa kanya.
Hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko. Tumingin ako sa paligid at tinignan kung may taong nakatingin.
