TRENTA Y UNO (Baby)

9K 199 23
                                    

~Shin

Nagising ako kay sky naramdaman ko nanaman kase na inaamoy amoy nya yung buhok ko.

Nung magising ako sinabi nya na

Magpeprapare daw kami bukas sa Outing namin pa Batanggas.

"Masakit pa ba yung katawan mo?" sabi nya na pinipisil ang balikat ko nakahiga padin kami hanggang ngayon.

Nagkunwari akong inaantok pa kaya nagtalukbong ako. Nainggit din at nagtalukbong din sya.

"Anong gusto mong gawin naten.... dito sa ilalim ng kumot?" nangaakit na sabi nya.

"Ikaw ano bang gusto mong gawin?" paghahamon ko.

Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Gumala tayo ngayon."

Tumango ako at ngumiti.

_______________________________

~Sky.

Sabado ngayon, bukas na ang alis namin pa-batanggas. Dahil nextweek ay sembreak na. Dalawang linggo kaming bakante

Nagpunta kami sa Mall. Sabi nya na manuod muna kami sa Sinehan saka kami mamili ng pang swimming namin.

The Fault in Our Stars ang Pinanuod namin, sabi sakin ni shin favorite daw nya yung author nung libro na yun na ginawang movie. si John Green

Wala naman akong naintindihan sa pinapanuod namin. Ewan ko ba hindi ko sya feel! Nakita ko nalang na si Shin ay umiiyak namatay na daw kasi yung bida na si Gus, tangina pake ko ba. Syempre ako todo alo sa kanya. Iyak ng iyak eh.

Palabas na kami ng Sinehan.

"Ang ganda ng movie no? nakakalungkot. bakit pa kasi kailangang mamatay ni gus! Kawawa tuloy si Hazel!" tumango nalang ako at umo-o

"Hindi ka ba nagandahan sa movie?" tanung nya.

"Maganda kaya! nakakalungkot! bakit pa kasi kailangang mamatay ni gus! kawawa tuloy si Hazel" bigla syang tumawa

"Ginaya mo lang ako eh, tara na nga mamili na tayo ng two piece ahihi"

Pumunta kami sa Department Store na nasa Loob din ng Mall.

Sinabi ko sa kanya na sya na ang bahalang mamili ng Pagswimming ko. Kahit Traje de boda push!

Habang namimili sya, ginugulo ko yung mga damit na nakatupi.

"What are you doing cameron!" sabi ni shin

"Para may trabahuhin sila" kinindatan ko sya.

Pabalik balik sya sa Fitting Room niyayaya nya ako na samahan sya magbihis sinasabi ko lang na

Wag na baka hindi lang bihis ang gawin natin sa Loob.

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon