~Sky.
Nakauwi na kami.
Masaya naman buong Maghapon, Pero bigla nlang akong Nawala sa Mood sa Sinabi ni Shin. Hindi ko alam kung bakit ako nainsulto sa sinabi nya. Naguguilty na ba ako?
Naguguluhan ako.
Parehas kami nakapagLinis na at nakahiga na kaming magkatalikod.
Naramdaman ko na ang likot ni Shin pa iba iba sya ng Posisyon at gumalaw nanaman naramdaman ko yung paa nya sa bewang ko, saglit lang na nagstay don at tinanggal na nya, naramdaman ko nanaman na parang may Umiihip sa Batok ko.
Paktay! nabulls eye nya yung kiliti ko. Tinakpan ko ng kamay ko yung batok ko. Narinig ko nman ang paghinga nya ng Malalim.
"Sky."
"oh"
huminga ulit sya ng malalim.
"Sky."
"Oh"
Hindi na sya sumagot.
Naramdaman ko na lumapit sya sa akin.
"Sorry na .. kung nagalit ka di nman sinasadya." Kumakanta ba sya?
Teka bakit parang nakikiliti ako?
"Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo pililitin kong magbago pangako sa iyo sorry na" Halos pabulong lang yung kanta nya at sa may tenga ko pa sya kumakanta kaya nakikiliti ako. Pumihit ako paharap sa kanya. Sobrang lapit...
ng mga Mukha namin.
"Hindi ako galit, nawala lang ako sa mood" sabi ko.
"Eh bakit hindi mo akoo pinapansin?!" parang batang sabi nya.
"Nawala nga kse ako sa mood!" nakangiting sabi ko sabay kurot sa Pisngi nya.
"Kainis ka! at ngumingiti ka pa!" sabi nya ng kinapa kapa yung lalim ng Dimples ko.
"Salamat sa Buong maghapon Shin" sabi ko.
"Salamat din and Sorry" nakatingin sa mata kong sabi nya.
Hinalikan ko sya sa Noo at Sinabing.... "GoodNight!"
~shin.
Lumipas ang ilang araw, mas lalo pa kaming naglalapit ni Sky. Hindi ko alam kung bakit pero may Kakaiba akong nararamadaman pag kasama ko sya. yung ngiti nya yung maliliit na dimples nya yung mata nya na nangaakit ang palaging umiikot sa sistema ko. Hanggang ngayon, hindi ko parin mapaliwanag kung bakit ganito.. bakit ganito yung Nararamdaman ko.
Nakaupo ako ngayon sa Cafeteria inaantay ko si Ivy Ang Bestfriend ko. Maya maya dumating na sya dala yung Snacks namin.
"Problema mo?" puna nya sakin.
ioopen ko na ba sa kanya? Oo sge, ioopen ko na. Alam kong mapapayuhan nya ako dahil Bi sya. alam nya yung sitwasyon na ganito.
"Ivy, pano mo nasabi sa sarili mo na bi ka?"tanung ko.
