KWARENTA Y OTSO (Batang Ina)

6.4K 169 16
                                        

~Blight.

Nakakainis! Bakit kailangang pumunta ni Caden sa States para magaral? Ayaw nya ba ako kasama dito? Ayaw na ba nya sakin? Buti nalang talaga nandito si Cloud sa tabi ko para samahan ako, hindi ko din kase mahagilap si Sunshine at light.

"Shhh. Tahan na blight, Nagwalk out ka kase agad eh!" at ako pa ang may kasalanan?

"Mas maganda pang hiwalayan nalang nya ako kesa nasasaktan ako ng ganito!" di parin tumitigil sa pgtulo 'tong luha ko.

"Kaya mo ba?" Sandali akong napatigil sa sinabi ni cloud. Kaya ko nga ba?

Hindi ako nagsalita at yumakap lang sa kanya.

"Alam mo blight.. Pasalamat ka dahil kahit lalayo sayo yung boyfriend mo Pagmamayari ka parin nya, Nasa inyong dalawa na yon kung sisirain nyo yung promise nyo" habang hinihimas ako sa likod ni cloud.

"Kase ako, Minsan nang may nangako sakin pero hindi nya tinupad, masakit pero kailangan kong tanggapin.. kaya maswerte ka blight.." Nagangat ako ng tingin at tinignan sya ng diretcho sa mga mata.

"Cloud.. Hugot?" bigla syang ngumiti at pinitik ako sa noo.

"GUYS!" Biglang dumating si sky. sigurado akong alam na nya ang nangyari dahil kita ko sa mukha nya.

"Blight.. Hayaan mo munang magpaliwanag-" hindi ko na sya pinatapos.

"Alam mo din sky? alam mo din na iiwanan nya ako? ha?" Tinignan nya ako na parang nagsosorry. hindi ako makapaniwala na pati si sky..

"Sky! Bat di mo agad sinabi sakin? sasabihin mo nalang pag nakaalis na sya? Pinagmumukha nyo akong tanga!" nilapitan ako ni sky para yakapin.

"Sorry blight..--"

"WALANGHIYA KA!" Sabay sabay kaming tatlo na lumingon sa narinig naming sumigaw, Si Nanay na galit na galit. Sumapaw pa sya sa Eksena namin!

Lumapit kami at nakita ko si Light na nakayuko.

"Lumalandi ka ng bata ka! At babae pa ang kalandian mo! Light kelan ka ba titino?" Galit na sabi ni nanay. Nahuli kaya nya si Ivy at Light?!

"Titino ako pag matino na kayo nay! like mother like daughter!" snugod ni nanay si light at biglang sinampal.

"Light, makinig ka sakin anak lahat ng sinasabi ko sayo ay para sayo... para sa inyo ng ate mo Sinaktan man kita, yun ay dahil mahal kita anak." umiiyak na si nanay awww!

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon