~Sky.
Napagusapan namin ang mga gagawin ko para muling bumalik sakin si Shin ..
Kahit Mahirap, Pipilitin ko.
Bumalik lang kami sa dati ..
PAGSELOSIN MO.
> Pag Pinagselos ko daw si Shin, Baka daw lumabas yung Feelings nya sakin kung meron man.
Si Sunshine ang Nagpayo neto at alam kong magaling sya sa mga ganito. Hayss! Sana talaga Effective :l
Nandito ako ngayon sa Labas ng Kwarto ni Shin. Ang Mahiwagang Kwarto .. Ang Dami naming Memories dito.
Inhale.Exhale.
Hayss! Kaya ko 'to!
Kakatok sana ako kaso bigla syang Lumabas.
"Oh. Hi there" kinakabahan ako!!!
"Anong kailangan mo ate?" Ate na naman paksyet.
"Uhm. Gusto ko sanang Hingin sayo yung Number ni.. uhm Yumi" Nakita ako ang pagsalubong ng Kilay nya pero agad napalitan ng ngiti. mukhang gumagana ah!
"Wala akong Number nya eh, Diba kayo ang Close?"
"Eh .. natandaan ko kse na nakakasama mo sya sa Gym Magvolleyball baka close kayo."
"Sorry wala." at sinaraduhan nya ako ng Pinto. HAHAHAH! Epektib!
Pero nagulat ako ng Binuksan nya.
"Ay Oo nga pala, Friends sila ni Trip, mamaya itatanong ko." nakangiting sabi nya Trip? sinong Trip?
"Ahh .. okay salamat."
Sinarado nya ulit yung Pinto. Haays Bakit parang kinakabahan ako?!
Bumalik ako sa kwarto ko,
Nakadisplay don ang mga Selfie naming dalawa. Pero hindi nya nakikita. Baka makita -.-
TOKTOKTOK
Binuksan ko yung Pinto.
"Sama ka daw samin magdinner mamaya .. Bibigay nya sayo" ako? Anong gagawin ko dun?!
"Ah? eh bakit pupunta pa ako? Hingin mo nalang ngayon .."
"No, Gusto kadin kasi nyang Makilala eh." Hays. Labag man sa loob ko tumango naman ako.
-------+----------------
Nandito kami sa isang Fancy Restaurant. Taray ha dito pa talaga ang Meet up.
Sabi ni Shin magkita nalang daw kami dito, Hinanap ko sya sa mga table at ayun may Kausap sya
Teka teka? bakit may Lalaki?
Lumapit ako sa kanila.
"Hello." Umupo ako sa tapat ni Shin.
