~Shin.
Mga bangag na kaming lahat. Ng mapagod bumalik ulit kami sa Pampang, Kumain at uminom,
tapos bumalik ulit kami sa tubig ayan lalong naging Wild.
Nagbabasaan sila sky light blight caden habang sila Codey at Sunshine ay Naglulunuran.
Nandito lang ako Lumalangoy langoy.
"Masaya ako para sa inyo ni Sky" bigla nalang na sabi ni Ivy na nasa tabi ko pala.
"Salamat. Salamat din dahil Hindi tayo naging awkward matapos ang lahat.
"Oo naman. Basta alam kong nasa mabuti kang kamay Panagtag na ako." niyakap ko sya.
"Makakahanap ka din best" bulong ko.
"Ehem ehem." Si sky pala.
"Wag kang magalala hindi kita inaagawan!" binasa ni Ivy si Sky at Umalis na
"Tara sa malalim" nilahad ni sky ang kamay nya sa akin.
"Hindi ako masyado marunong lumangoy! baka malunod tayo!"
"Tiwala lang bi" Aangal pa ba ako? Eh ayan at sumisilip na nanaman yung dimples nya!
Yumakap ako sa leeg nya at naka-wrap yung legs ko sa Waist nya.
"Sky.." Bulong ko sa tenga nya.
"Gusto kitang masolo bi"
Ako din gusto kitang masolo, gusto ko sakin ka lang.
Dahil nakabikini kami ramdam namin yun balat namin sa isa't isa.
Yung init ng katawan namin
Magkaharap na kami ngayon, at magkayakap.
"Sana palagi nalang tayong ganito" malambing na sabi nya sa akin.
"Tangina mo kanina ka pa eh!" bigla kaming lumingon sa Pampang si Sunshine nagwawala lasing na kse eh.
Agad kaming pumunta ni Sky doon at Hawak ni Codey si Sunshine at hawak naman ni Caden si Light.
Bakit sila nagaaway?!
"Tangina mo ka rin eh, sabi ko mas nauna itlog sa manok!" galit na galit na sabi ni Sunshine
"Bobo! mas nauna ang manok! pano sila mangingitlog? ha?" sagot ni Light.
What the Hell! Nagaaway sila dahil lang don? akala ko pa naman kung ano na! Nagayos kami ng mga gamit at bumalik na, Madaling araw na din kase.
Hanggang sa pagpasok namin sa Bahay Nagtatalo padin silang dalawa.
"Tabi nalang kami ni Light dito sa kwarto. at baka magka world war two pa." - ivy
